Chapter 4

20 1 0
                                    

Chapter 4

Umuwi ako sa condo ko na feeling depress . Umupo ako sofa . Sa lahat ng ginawa ko yun ang pinakanakakahiya . Oo, gusto ko na sya kaya desperada na akong ibigay sa kanya ang pagkababae ko, pero hindi sya katulad ng ibang lalaki. Mukhang wala na akong mukhang maihaharap sa kanya pag nagkita pa kami . Gusto rin nya ako but he didn't take the risk . Nakakatawa.

"Hahaha !" tawa ko sa sarili ko . "Ano ba yung ginawa ko ? Hahaha !" para akong mababaliw. Tinatawanan ko na lang yung kahihiyang ginawa ko sa kanya .

Kinabukasan ng gabi umuwi ako sa bahay namin kasi namiss ko na ang kwarto ko dun. Pagdating ko, himala ! Ang tahimik ng bahay . Nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa, nagbuburda . Nagmano ako sa kanya .

"Uuwi ka lang dito kung kailan gusto mo ."

"Gusto ko, eh" sagot ko.

"Tintin, hindi ko gusto ang pagsagot mo sakin."

"Whatever, Ma ." paakyat na ako nang dumating naman si Papa.

"Umuwi ka pa !" salubong na sigaw ni Mama kay Papa .

"Huwag mo nga akong umpisahan, Riza ha ? Pagod ako ."

"Bakit, san ka napagod ? Sa pagsusugal at pangbababae mo ??"

"Riza, pagod ako sa trabaho kaya pwede ba manahimik ka na lang. "

"Hoy, Tony ! Alam ko ang oras ng off mo, alas-8 pero alas-11 na . Itigil mo na nga yang kalokohang ginagawa mo ." tuluyan akong umakyat sa taas pagkatapos ko silang saglit na panooring mag-away . Napapailing na lang ako . Hindi ko talaga sila mapigilan sa pag-aaway nila .

Umupo ako sa ika-11 hakbang ng hagdan namin at pinakinggan ko silang mag-away .

"Napakakitid talaga ng utak mo . Kung iniisip mong nagbababae't nagsusugal ako maghiwalay na lang tayo !"

"Hiwalay ?? Sige, kung yan ang gusto mo. Bukas na bukas din mag-impake kana ng mga gamit mo at lumayas kana sa pamamahay na 'to ."

"Ano ?? Bakit ako ang lalayas ? Ako ang bumili ng bahay na 'to kaya bukas na bukas ikaw ang lumayas."

"Ako ang palalayasin mo ? Bakit ? Para madala mo ang mga babae mo rito ??"

"Oo ! Para madala ko ang sampung babae ko rito ."

"Walang hiya ka talaga, Tony ! Kung alam ko lang na lolokohin mo lang ako sana hindi na lang kita pinakasalan . Sige, bukas na bukas din ako ang aalis sa bahay na 'to ."

Gusto ko sanang matulog ngayon dito sa bahay namin kaso naalala ko wala palang katahimikan dito .

"Oh, Ate bakit nandyan ka ?" tumingin ako as likod ko at nakita ko and kapatid Kong so Dereck.

"Pinakikinggan ko silang mag-away." umupo naman sya sa tabi ko.

"Wag mo na lang silang pakinggan, matulog kana lang ."

"Ayoko hang matulog dito. Dun na lang ako sa condo ko . Every time na pupunta ako dito mukhang magsisisi lang along nagplano along matulo dito."

"Namimiss na kita, Ate." ngumiti ako sa kanya .

"Kumusta naman and pag-aaral mo ?" tanong ko sa kanya .

"Ayoko nang mag-aral, Ate."

"Ha ? Bakit ? Hindi yan pwede, Dereck . Ipagpatuloy no yang pag-aaral mo."

"Ano pa bang dapat kong ipagpatuloy ? Tsaka Hindi man lang nila ako mapagtuunan ng pansin, lagi pa silang nag-aaway."

"Wag mong gawing hindrance and pag-aaway nila. Gawin mo silang inspirasyon. Malay mo matuwa sila sayo pag nakatapos ka ng pag-aaral mo at tumigil na sila sa pag-aaway ."

True Man 2: MY MR. RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon