Chapter 23

13 0 0
                                    

CHAPTER 23

Pinabalik na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na ako dahil hindi makakabuti sa bata ang aking sobrang kalungkutan.


"Ma," Tawag ko kay mama. "Gusto kong makita si Suzzeth." Galit na pahayag ko kay mama.

"Ha? Bakit naman?" Nag-aalalang tanong ni mama.

"Gusto ko siyang sampalin at sabunutan. Galit na galit ako sa kaniya. Gusto ko siyang patayin." Parang umuusok ang ilong ko habang sinasabi ko iyon kay mama dahil galit na galit talaga ako kay Suzzeth.

"Tintin, nasa presinto na siya. Sapat na iyon para sa kasalanang nagawa niya."

"Hindi iyon sapat, ma. Kailangan niyang malaman na sobra akong nagagalit sa ginawa niya. Kinamumuhian ko siya.."

"Tintin, ang tao hindi mo mapipilit na humingi ng tawad dahil kung gusto niya, siya na mismo ang gagawa. Hayaan mong siya ang makarealize ng mali niyang ginawa at tiyak kusang loob at buo sa  loob niya na hihingi siya ng tawad sa taong ginawan niya ng kasalanan. Ipagpasa Diyos na lang natin siya, anak. Ang intindihin mo ngayon ang anak mo sa iyong sinapupunan." Bigla akong naiyak.

"Maaa. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay kanina ko pa siya napatay dahil sa ginawa niya sa asawa ko."

"Tulad nga ng sinabi ko, ipagpasa Diyos na lang natin." At niyakap ako ni Mama habang umiiyak ako.


Pinuntahan naman ako ng aking mga kaibigan kahit kalagitnaan na ng gabi. Lagi nilang sinasabi sakin na tibayan ko lang daw ang aking loob. Nakausap ko naman si Roxanne.

"Wag mo na lang masyadong palungkutin ang sarili mo. Sa mga oras na 'to kailangan mong maging malakas para sa sarili mo at para sa baby." Payo sa akin ni Roxanne. Hindi ko alam kung sa akin ba sila concern o sa baby, pero ayos lang dahil alam kong ngayon pa lang mahal na nila ang anak ko kahit hindi pa ito lumalabas. Sinamahan naman ako ni Roxanne sa kwarto ni Kevin. Hindi pa rin siya nagigising namimiss ko na ang boses ng asawa ko. Namimiss ko na yung mga halik at ang mga yakap niya. Namimiss ko na siya. Umiiyak akong niyakap siya. Wala akong masabi. Tuluy-tuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha.

"Gumising ka na, pleeeaase. I need you." Yun na lang ang tanging nasabi ko habang umiiyak. Maya-maya ay naramdaman kong gumalaw siya. Hindi ko alam kung totoo iyon o baka expectation ko lang iyon dahil gusto ko nang gumising siya. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Asawa ko?" Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang boses.

" K-Kevin?" Hindi ako makapaniwala sa nakita ko . "Keviiiiin!" Muli ko siyang niyakap sa tuwa.

"Oh, dahan-dahan ang baby natin."

"Lagi na lang yung baby yung inaalala niyo." Kunwari ay pagtatampo ko. "Pero joke lang. Hehe." Tila muling bumalik ang sigla ko nang makita siyang gising. Ngunit mukha pa rin siyang mahina at namumutla. Bahala na, basta ang importante gising na ang asawa ko. 

"Kasalanan ko 'to." Sabi ko kay Kevin. "Kung hindi lang sana ako--"

"Wag mong sabihin, yan. Walang may kasalanan. Matagal kang nagstay sa bahay kaya lalabas ka. Hindi mo kasalanan ito. Ang totoong may kasalanan, siya ang dapat magsisi, hindi ikaw na nabiktima. Wag ka nang malungkot." Niyakap niya ako. "Tintin, kahit anong mangyari, wag mong pababayaan ang baby natin, ha? Algaan mo rin ang sarili mo. Kahit anong mangyari, wag kang mawawalan ng tiwala sa Panginoon. Siya ang may kapangyarihan na susubaybay sa inyo."

"Kevin, ano ba yang pinagsasabi mo?"

"Mahal na mahal lang kita, Tintin. Mahal na mahal kita Mrs. Christine Lim."

"Ang sarap namang pakinggan . Mahal na mahal din kita, Mr. Kevin Lim. Magpagaling ka, ha ?" Ngumiti lang siya bilang tugon. Niyakap niya ako at hinalikan. 


Muli na akong pumasok sa aking kwarto. Sinabi ko sa kanila na gusto ko siyang makasama magdamag ngunit kailangan ko raw magpahinga ng mahabang oras. Sunod naman na nagkausap sina Kevin at ang pamilya niya. Ngayon, naiiyak ako dahil sa tuwa. Hindi pa rin ako makapaniwala na muli ko siyang nayakap at nahalikan. Sobra ko talagang namiss ang asawa ko. Napakasaya ko dahil muli kong narinig ang salitang "mahal kita" mula sa kaniya.


Makalipas ang dalawang oras ay pumasok si Dereck sa kwarto at sumigaw, 


"Ate, si Kuya Kevin!"


Dali-dali ngunit maingat na tumakbo ako sa tulong ni Dereck papunta kay Kevin. Nang makarating ako sa kwarto ni Kevin ay nakita ko siyang naghihingalo . Unti-unting nagiging straight ang life line ni Kevin habang sinusubukan ng doktor na buhayin siya.

"KEVIN GUMISING KA ! KEVIN! Wag mo naman akong iwan." Umiiyak na sabi ko. Bakit?? Gising na siya kanina, pero anong nangyayari ngayon??

"Time of death 1:55 AM."

"KEVIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINN!!!!!!!!!!!" Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap.

True Man 2: MY MR. RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon