Chapter 16

18 0 0
                                    

CHAPTER 16

Nagstay kami for how many days sa Singapore at umuwi narin kami sa Pilipinas . Tuwang-tuwa naman sila Mama at Papa sa pasalubong ko sa kanila .

"Eh, anak . Yung gusto naming pasalubong nandyan na ba ?" tanong ni Mama habang nasa sala kami ng bahay namin ni Kevin .

"Ma, diba yan yung gusto mo ?" Tugon ko .

"Oo nga, pero meron kaming mas gustong ipasalubong mo--ay ninyo pala ni Kevin ."

"Eh, ano ba yun, Ma ? Akala ko ba gusto mo yan ? Edi sana tumawag ka sakin habang nasa Singapore pa kami para mabili ko kung ano yun ."

"Eh, hindi niyo naman bibilhin yung gusto naming pasalubong, eh ."

"Eh ano pala, Ma ? Nanakawin namin ?"

"Ikaw talagang bata ka . Hindi niyo na kailangang bilhin kasi gagawin niyo ni Kevin ."

"Po ? Ano pong ibig niyong sabihin ?"

"Buntis kana ba, anak ?"

"Sus ko naman, Ma . Eh, hindi naman agad-agad yang gusto niyo, eh . Hindi pa natin alam kung kailan pa ako mabubuntis . Mama naman, oh ."

"Kasi naman, anak, excited na kaming magka-apo, eh ."

"Ma, darating din tayo dyan . Chill lang ."

Pag tayo ko sa kinauupuan ko, bigla akong nakaramdam ng hilo . Buti nahawakan agad ako ni Mama, kundi bumagsak na ako sa sahig .

"OK ka lang ba, anak ?" Nag-aalalang tanong sakin ni Mama .

"Opo, nakaramdam lang po ako ng panandaliang hilo . Sige, Ma, akyat lang po muna ako sa taas ."

"Sige ."

Pag-akyat ko naman sa taas ay nakaramdam ako ng pagsusuka kaya naman agad-agad akong tumakbo sa CR ng kwarto namin at doon sumuka . Mukhang hindi yata maganda ang pakiramdam ko . Gusto kong kumain .

Muli akong bumaba sa sala para magpaluto kay Mama ng pagkain . Pagkatapos niyang magluto, ay tinawag na niya ako . Pero nang makita ko na ang pagkain ay biglang ayoko nang kumain .

"Ano ba 'yan, Tintin . Sayang naman 'tong niluto kong pagkain, oh . Kainin mo na, tutal ikaw naman ang nagpaluto niyan ." Reklamo ni Mama .

"Eh, bigla akong nawalan ng gana kumain, eh ."

Dahil hindi ko kinain ang niluto ni Mama ay siya na lamang ang kumain ng niluto niya .

Maya-maya pa ay dumating na si Kevin at tuwang-tuwa naman ako sa pagdating niya kaya agad ko siyang niyakap . Nakita ko namang may dala siyang supot ng prutos .

"Wow, honey ! Fruits !" Bulalas ko . Agad ko namang kinuha ang plastik ng mga prutas na dinala niya . Hinugasan ko ang mga ito at diretsong kumain pagkaupo sa sofa .

"Kanina ayaw mo nang kumain, ngayon naman takam na takam kang kumain ." Puna ni Mama .

"Siguro prutas ang gusto kong kainin ngayon, Ma ."

"Oh siya, sige . Dahan-dahan sa pagkain, baka ka mabilaukan ." Nakita ko naman na may dala-dalang plato ng spaghetti si Mama .

"Ma, akin na lang yan ."

"Anong sayo na lang ? Niluto ko ito para sakin ."

"Sige na, Ma . Magluto ka na lang ng panibago para sayo ."

"Ewan ko ba sayong bata ka . Hindi kita maintindihan . Oh, heto ." Binigay sakin ni Mama ang niluto niyang spaghetti at bumalik ulit siya sa kusina para magluto .

Bumaba na si Kevin galing sa taas at tinabihan ako . Umakbay siya sakin habang kumakain ako .

"Kain tayo, Hon ." Aya ko sa kaniya .

"Grabe ka namang kumain, Hon . Para kang buntis ." Natatawng sabi niya .



Buntis

Buntis

Buntis

Buntis

Buntis


Parang echong paulit-ulit ang sinabi sakin ni Kevin at bigla akong natigilan .


BUNTIS ? O_O

True Man 2: MY MR. RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon