Chapter 13

14 0 0
                                    

CHAPTER 13

Pagsapit ng gabi ay hindi ako makatulog dahil bukas na ang kasal namin ni Kevin . Hindi naman siguro ako excited, 'no ? Bukas mararamdaman ko na ang pagiging isang asawa . Hindi na talaga ako makapaghintay . Kailangan maganda ako bukas at kailangan hindi ako mukhang zombie bukas kaya kailangan matulog na 'ko . Pipilitin ko na lang matulog para hindi ako hikab nang hikab bukas .

Ipinikit ko na ang aking mga mata at pinilit na matulog .

Heto na...


Heto na...


Heto na...




Ito na ang oras na mapapangasawa ko na siya . Alam kong siya na talaga . Alam kong hindi ako bibiguin ni Kevin dahil mahal niya ako . Ako lang ang mahal niya . Magsasama kami habang buhay .



"You, Kevin Lim, do you accept Christine Navarro as your wife for richer or for poorer, for sickness and and in health 'til death do you part ?"

Ang ganda ng mga ngiti ko ngayon dahil alam kong tatanggapin niya ako bilang asawa niya . Ilang segundo na ang nakalilipas pero bakit parang hindi pa siya sumasagot ? Tumingin ako sa kaniya .

"I repeat--"

"I'm sorry ..." Pinutol niya ang sasabihin ni father .

"ITIGIL ANG KASAL !" Sigaw ng isang babae .

"S-Suzzeth ?" I utter .

"Dapat nang itigil ang kasalang ito !"

"Tigilan mo na kami Suzzeth ! Magsasama na kami . Hindi ka na mahal ni Kevin . Ako na ang mahal niya . Iwan mo na ang nakaraan . Hayaan mo na kami ni Kevin na magsama ng masaya ."

"Kevin, isang malaking pagkakamali ang kasalang ito dahil alam kong mahal mo parin ako ."

"Tumigil kana, Suzzeth ! Kevin, sabihin mo nga sa babaeng yan na ako ang mahal mo at hindi siya ." Tinitigan lang ako ni Kevin . Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha . Bakit siya ganiyan ? "Ano, Kevin ?! ANO ??" Galit na tanong ko sa kaniya .

"Tintin..."

"ANO ??"

"I'm sorry ..."

"Sorry ? A-anong sorry ang pinagsasabi mo ?"

"Sorry k-kung pinaniwala kita na i-ikaw na ang t-taong mahal ko . S-sorry kung pinaasa kita . Tintin, s-sorry p-pero si Suzzeth parin ang mahal ko ." Singbilis ni Flash ang pagtulo ng luha ko at tila milyong karayom at kutsilyo ang sinaksak sa puso ko nang marinig ko ang mga iyon mula sa lalaking minahal ko at pinapangarap kong maging asawa .

"H-hindi . Hindi totoo yan . Kevin, ginugulo lang ng babaeng yan ang pag-iisip mo . Ako, Kevin . Ako ang mahal mo hindi ang babaeng yan ." Umiiyak na sabi ko sa kaniya . "Ituloy na natin ang kasal . Haya-"

"Tintin, please . Pakawalan mo na ako . Si Suzzeth talaga ang mahal ko . I'm sorry ." Umalis siya sa altar at pumunta kay Suzzeth . Nagyakapan silang dalawa . Walang tigil sa pagtulo ang aking luha habang tinitingnan silang nagyayakapan . Muling sumulyap sakin si Kevin .

"I'm sorry ." He mouthed . Hinawakan niya ang kamay ni Suzzeth at magkasabay na tumakbo palabas ng simbahan .

HINDI ! Hindi pwedeng mangyari ito . Pinaghandaan ko ang araw na ito kaya hindi pwedeng mapunta lang ito sa wala . Ipaglalaban ko ang nararapat . Aagawin ko ang dapat na sa akin .

Patakbo akong bumaba sa harap ng altar upang habulin sila . Malapit na akong makalabas sa loob ng simbahan ngunit kusang nagsara ang pinto nito . Pinipilit kong buksan ito ngunit ayaw .

Anong ginagawa nila ? Bakit nakatingin lang sila ? Bakit hindi nila ako tinutulungan ?

"Tulungan niyo naman akong maagaw ang taong mahal ko ." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanila . "Mahal na mahal ko siya at hindi siya pwedeng makuha ng iba ." Patuloy ang pag-iyak ko .

Hindi ko na nakayanan ang sakit na naramdaman ko . Bumagsak ako sa sahig ng simbahan and everything went black .

True Man 2: MY MR. RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon