Chapter 21

7 0 0
                                    

CHAPTER 21

Umiiyak si Tintin nang ilabas nila ito. Alam kong gustong manlaban ni Tintin pero hindi niya nagawa dahil sa dinadala niya. Lumapit si Suzzeth sa kaniya at kinuha nito ang baril ng lalaki. Tinutok niya ang baril kay Tintin.

"Suzzeth, wag mong gawin iyan." Pakiusap ko.

"Hindi ko naman talaga gagawin ito kung..."

"Kung?"

"Kung muli kang mapapasaakin."

"Nababaliw ka na, Suzzeth !"

"Wag mong gagawin iyon, Kevin!" Sigaw ni Tintin.

"Tumahimik ka kung ayaw mong putukan ko ng baril yang utak mo."

"Sige, Kevin wag kang sumama sakin kung hindi, mamamatay tong babaeng ipinagmamalaki mo."

"Wag mong gagawin yan, Suzzeth nakikiusap ako sayo." Pakiusap ko

"Madali lang naman akong kausap, Kevin, basta ba ibigay mo sa akin ang gusto ko."

"Eh, ano bang gusto mo?"

"Ang muli kang mapasaakin, Kevin."

"Suzzeth, hindi maaari iyang sinasabi mo. Hindi na ako sasama sa iyo, hindi na ikaw ang babaeng gusto at mahal ko. Kung ano man ang meron sa atin noon, wala na iyon ngayon. Suzzeth, magkakapamilya na ako. Magiging ama na ako. Gusto kong maging isang mabuting ama sa anak ko pag lumabas na siya. Suzzeth, nakikiusap ako sa iyo. Wag mo nang hilingin pa na sumama ako sayo."

"Tumigil ka, Kevin! Kung hindi ka sasama sakin, papatayin ko si Tintin. Sinasabi ko sayo, Kevin. Madali lang akong kausap. Kung ayaw mong sumama sakin, okay lang pero papatayin ko tong babaeng to. Kung sasama ka sakin, ikasasaya ko iyon . Pero kung hindi ka sasama sa akin, ikalulungkot ko iyon pero ang kamatayan ng babaeng ito ang ikasasaya ko. At least masaya parin ako . Hahahahahahaha!."

"Kevin, kahit anong mangyari wag kang sasama sa kaniya. marami pang paraan."

"Tumahimik ka! Wala nang ibang paraan kundi ang sumama sakin si Kevin, kung gusto mong mabuhay pa kayo niyang dinadala mo." Napapikit si Tintin nang muling itutok sa kaniya ang baril. "Ano, Kevin? Sasama ka ba sa akin o papatayin ko 'tong babaeng to?"

Hindi ko na alam . Ayokong sumama kay Suzzeth pero hindi ko siya mahal pero ayoko namang mawala ang mag-ina ko. Nag-isip ako ng ibang paraan na wala sa choices, pero sa kasamaang palad hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa nangyayari ngayon. Ang importante na lang dito ang kapakanan ng mag-ina ko. Bahala na

"Nakapag-isip ka na ba, Kevin?"

"Kevin, wag kang sumama sa kaniya."

"Tintin, mahal na mahal kita. Hindi na ako makapaghintay na makita ang anak natin. Tintin, kahit na anong mangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ng anak ko. Kayo lang ang bubuo ng buhay ko. Mahal na mahal ko kayo, Tintin."

"Kevin, ano bang sinasabi mo?" Umiiyak na sabi ni Tintin.

"Suzzeth, pumapayag na ako sa gusto mo. Sasama na ako sayo para lang sa kapakanan ng mag-ina ko. Ipangako mo na wala ka nang gagawing masama."

"T-talaga?"

"Kevin!"

"Basta, Tintin mahal na mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan iyan." Naglakad ako papunta kay Suzzeth na umiiyak habang naririnig kong sumisigaw at umiiyak si Tintin. Sasama lang naman ako sa kaniya pero hindi siya ang mahal ko. Gagawin ko lang ito para sa kaligtasan ng mag-ina ko. Nang makalapit na ako kay Suzzeth ay niyakap niya ako.

"Magiging akin ka na rin muli, Kevin. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Mamahalin mo ulit ako." Maya-maya ay nakarinig kami ng wangwang ng pulis. Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin. 


"Diba sabi ko wag kang tatawag ng pulis?! Hindi ka marunong tumupad sa usapan, Kevin. Dahil sa ginawa mo, ilalagay mo sa kapahamakan ang mag-ina mo." Itinutok niya ang baril kay Tintin.


Dali-dali kong inagaw ang baril kay Suzzeth para hindi niya tuluyang mabaril si Tintin hanggang sa pinag-aagawan na namin ito.

"Suzzeth, maghunos dili ka. Dala lang ito ng emosyon mo. Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sayo." Sabi ko habang pilit na inaagaw sa kaniya ang baril.

"Pinagsisihan ko ang lahat, pinagsisisihan kong pinakawalan pa kita kaya ginagawa ko ito. Gusto kong mabalik ang dati mong pagmamahal sa akin."

"Iba na ang mahal ko."

BANG !

True Man 2: MY MR. RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon