Umaga na naman, tumilaok na ang mga tandang sa kabahayanan. May mga asong nauulol na at nagugutom dahil wala ng mga taong nagpapakain sa kanila. Halos hindi na rin madaanan ang mga kalsada, riles at mga underground tunnels dahil sa mga sasakyang nakaharang.
Marami na ring mga bulok na hayop sa mga lansangan, wala na ring mga supply ng kuryente sa iba't ibang panig ng mundo, partikular na sa buong asya at sa mga kalapit nitong kontinenti.
Lumubog na rin ang ilang mga Isla dahil wala ring mga tao ang siyang nakatira sa mga ito. Ang mga sasakyang pang dagat ay isa-isa na ring nilamon ng karagatan, gano'n rin ang mga kagamitang pang kalawakan. Wala na ang mga satellite, at wala ng signal sa buong mundo. Bumagsak na rin ang mga naglalakihang solar panels sa iba't ibang panig ng daigdig, dahil sa lumalalang krisis.
23% na lang ng mga syudad o mga bayan ang hindi pa masyadong apektado ng virus. Ngunit ang mga bayang ito ay hawak na ng Wale's Company, ibig sabihin ilang minuto na lang ay dadalhin na rin sila sa kumpanya para gawin ang huling eksperimento.
Ang Wale's Company ay mayroong mga connection sa makakapangyarihang bansa sa labas ng asya. Kaya't dahil sa impluwensya nito, ay nanatili pa rin ang mga signal sa iba't ibang parte ng Wale's City. Mayroong sariling satellites ang Wale's Company, kaya't nagagawa nila ang mga bagay na hindi nagagawa ng iba.
Halos walong bwan na ang nakalilipas, marami na agad ang nagbago sa daigdig. Ang mga puno, halaman at mga ligaw na insekto ay makikitaan ng evolution. Naging berde ang mga ilog, lawa at mga sapa, dahil sa mga puno at ugat ng kalikasan.
Tila isang maganda at mahabang pahinga para sa ating daigdig ang nangyayari. Tila nabigyan muli ng pahinga at kapayapaan ang mundo, dahil sa virus na hatid ng mga tao mismo.
Dahil maraming bwan na ang lumipas, nagkaroon na ng mga pagbabago sa mga Human Palaktos na nahawaan ng Z-Virus. Laganap na ang dalawang virus, hindi lang sa tao umepekto ang nasabing mga virus. Dahil gano'n rin sa mga hayop, umepekto na rin ito.
Halimbawa, sa oras na makagat o makalmot ng mga inpekted ang mga hayop ay may tiyansa itong mahawaan ng virus. Ito ang tinatawag na Rat Left virus, sa mga hayop lang ito makikita.
Kagagawan lahat ng Wale's Company kung bakit ganito ang nangyayari sa hinaharap. Alam ng Wale's Company na mangyayari ito, ngunit wala silang ginawa para pigilan ang ganitong uri ng mga pasakit.
Maraming mga mayayaman mula sa iba't ibang panig ng mundo ang nagtungo sa lungsod ng Wale. Para magtago at makatanggap ng libreng bakuna at proteks'yon mula sa Wale's Company.
Napuno ang lungsod ng iba't ibang uri ng mga dayuhan, tila naging bilangguan ang lungsod para sa mga taong nagnanais pa ng kapayapaan at kaligtasan.
Marami ang nagbago sa lungsod, ang dating puno ng mga kriminal ngayon ay naging tila pangakong lupain para sa mga taong nais ng kaligtasan. Ibang iba na ang lungsod ng Wale's, tinuturing ito ng lahat bilang isa sa pinakaligtas na lugar sa buong mundo.
Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan sa lungsod ng Wale, ay siya namang sinasamantala ni Roberwourgh Kittleton ang pagkakataon para maghanap ng mga pagkain sa mga stores na makikita sa tabi ng mga kalsada.
Habang naglalakad ang matandang butler na si Roberwourgh Kittleton sa tabing kalsada na malapit lamang sa kinaroroonan ni detective Franco Windless, ay may bigla na lamang napansin ang matanda.
BINABASA MO ANG
Enter The Wall 1 (Cursed City)
Science FictionBefore the human evolution, before the zombie apocalypse, before the arrival of the heroes. This is where it all began, where the chaos started, where the formidable enemies came from. When Mayor Jones Dumblebat dies, the city falls into chaos, grip...