CHAPTER 43 ✓

1.2K 15 0
                                    

"Good evening ladies and gentlemen, i introduce myself. I am Doktora Murkery Madleway, ang dating head supervisor ng Wale's medical team. Nga pala bago ang lahat, may nais lang akong ibigay sa inyo" saad ng doktora bago nito ibigay ang mga maliliit na pulang kahon.

Bawat isang survivor ay binigyan ng doktora ng mga maliliit na kahon. Sinabi nito na isa iyong regalo dahil sa kanilang katapangan. "Sige buksan niyo na, para sa inyo 'yan" saad ng doktora na halatang nagmamadali.

Nang buksan ng mga survivors ang kahon ay tumambad sa kanila ang hugis pusong devices. Kulay berde ito at may kakaibang bagay na gumagalaw sa loob ng machine device na iyon.

Walang ideya ang survivor kung anong klaseng bagay ang nasa harapan nila. Dahil sa kuryusidad, hinawakan nila ito ng sabay-sabay, hanggang sa gumalaw ang bagay na iyon at nagkaroon ng galamay na parang garapata na gumapang sa braso ng mga survivors.

Ang heart control ay isa-isang kumapit sa iba't ibang parte ng katawan ng mga survivors. Hanggang sa isa-isa itong naglupasay at nagbagsakan sa malamig na semento. Makikitang ang berdeng likido na nagmumula sa loob ng heart control ay pumasok sa mga ugat ng biktima.

Ibig sabihin no'n, ang mga survivors ay kontrolado na ng MACODE o ang Kilalang Machine Computer Device. Ang MACODE ang siyang nagpapagalaw sa mga biktima, walang taong humahawak sa MACODE, kaya't ang MACODE na nilikha ng Wale's Company ay isa sa mga advance technology ng kasaysayan.

Ang MACODE ay hindi hawak ng mga scientist, isang advance technology na kayang manipulahin ang isipan ng isang tao. Ang MACODE ay umaasa lamang sa electricity, at sa mga computers na p'wedi nitong pasukin.

Ang MACODE ay mayroong iba't ibang holographic representative. May isang matandang lalaki, matabang babae at isang pusang nagsasalita. Ang mga holographic na ito ay nagpapakita lamang sa loob ng Wale's Building, dahil sa loob lamang ito nakatalaga.

Samantala ang mga survivors ay isa-isang tumayo na parang walang nangyari. Makikita sa mga mata nila ang berdeng ugat na dinadaluyan ng berdeng likido na nagmumula sa heart control.

"Maligayang pagdating sa Wale's Company, kayo ay magiging bahagi ng Wale's army. Tayo ang mamumuno sa mundong 'to" saad ng doktora sa mga bagong sundalo na kaniyang nilikha.

Agad namang nakarating kay mayor Dolydle ang tungkol sa ginawa ni Doktora Murkery Madleway. Natuwa ang mayor dahil hindi nahirapan ang doktora na utuin ang mga survivors.

Ang mga bagong dating na sundalo ay agad na binihisan, suot nila ang berdeng uniporme na may simbolo ng Wale's Company. Bawat isa sa mga ito ay may mga baril na hawak. Ang mga sundalong kontrolado ng MACODE ay hindi basta-basta namamatay, kahit sira na ang mga katawan nito ay na nanatili pa ring buhay ang kanilang mga isipan.

Dahil iyon sa heart control na nakadikit sa kanilang mga katawan. Tanging ang paraan lamang para patayin ang mga ito ay wasakin ang heart control na nakadikit sa mga katawan.

Wala na ring saysay pa na iligtas ang mga ito, dahil sa oras na kumapit ang heart control sa katawan ng isang tao ay kakalat na ang virus sa katawan nito. Ibig sabihin no'n sa oras na tanggalin ng sino man ang heart control ay magiging Human Palaktos ang katawan ng mga ito.

"Mr. Mayor ang riles na iyong pinagagawa sa labas ng gate one ay inuumpisahan na. Gano'n rin po sa iba pang mga exit area, aabutin ng ilang taon bago magawa ang relis sa ilalim ng lupa" saad ng isang sundalo sa mayor.

Enter The Wall 1 (Cursed City)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon