"Martin!" pagsisimula ni Fhinrun Dolydle "Where are you?" saad muli nito habang nililibot ang buong paligid ng mansyon.
"Good evening Mr. Mayor" pagbati ni Preedy Hitman habang nakaupo sa sofa "Pasensya na kung nakalimutan kung kumatok, kaya pumasok na lang ako para hindi ka maisturbo" dagdag pa nito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng mayor na halatang natatakot.
"May masamang pinplano ang Serpent Organization" tumayo ito at naglakad patungo sa harapan ni Fhinrun Dolydle "Napakasama nito, oo tauhan nila ako pero hindi ko hahayaang patayin nila ang mga ordinaryong tao rito sa lungsod, alam mo Mr. Mayor pagod na akong pumatay" nakangiti nitong wika habang nakatitig sa mukha ni Fhinrun Dolydle.
"Anong masamang plano? Ipaliwanag mo" nakataas kilay nitong wika, ang mayor.
"Marahil alam mo ang k'wento tungkol sa mga pasyenting tinurukan ng Serpent Organization? Labing isang taon na ang nakalilipas?" tanong nito kay Fhinrun.
"Syempre, kitang-kita namin ni Don Valer-Ray kung paano nila itapon ang mga taong 'yon sa proyekto ng lungsod, paano ko makalilimutan ang bagay na iyon? Dahil isa ang aking ina sa naging biktima nila" may luhang namumuo sa mga mata ni Fhinrun Dolydle no'ng banggitin nito ang pangalan ng kaniyang ina.
"Ngayong taon, balak nilang pakawalan ang bagong halimaw. Ang tinatawag nilang Erinthum Palaktos, isang uri ng halimaw na mula sa human palaktos, wala pang opsiyal na pahayag ang lider namin tungkol sa bagong halimaw. Pero naniniwala ako na ang halimaw na ito ay delikadong makarating sa puso ng lungsod" saad ni Preedy Hitman.
"Ang palpak na produkto? Hahaha, ngayon ay nakagawa ng bago? Sabi kona nga ba alam kung darating ang oras na ito. Ang Erinthum Palaktos na iyon ay dapat mapuksa bago pa man ito makarating sa aking mamamayan" saad ng mayor.
"Hahanapin ko ang pinagmumulan nito, para puksain. Pero huwag kang umasa na kakampihan kita. Paalam mayor" saad muli ni Preedy Hitman bago ito tumalon sa ikalawang palapag ng mansyon.
Erinthum Palaktos, ang bagong pangalan ng halimaw mula sa Zyhpnopian virus na likha ng Serpent Organization. Ngunit habang tumatagal ay mas lalong nag-iiba ang mga halimaw na ito, dahil sa patuloy na paglikha sa mga halimaw, ang underground ng kumpanya ay naging kanlungan ng mga ito.
Ang pangalawang virus na ginawa ni Doktora Murkery Madleway, ay napakadelikado. Mula sa pagiging ordinaryong human palaktos ay nagiging halimaw ito, nagkakaroon ng iba't ibang uri ng zombie evolution ang Erinthum Palaktos.
Habang tumatagal ay mas lumalaki ito, at ang halimaw na ito ay mahirap patayin."Doktora Murkery? handa na ang mga human palaktos" saad ng isang lalaki na may hawak na baril.
"Pakawalan ang mga human palaktos sa maze wall, gusto kung makita kung ano ang epekto ng sikat ng araw sa mga ito. Sa oras na walang epekto ang init sa kanila, ay p'wedi na nating pakawalan ang mga Erinthum Palaktos para linisin ang mga basura sa lungsod" saad ni Doktora Murkery Madleway sa tauhan nito.
Samantala ang grupo ni detective Franco Windless ay muling bumalik sa lungsod makalipas ang isang linggo. Nadatnan nila ang lungsod, na magulo at marumi. Puno ng basura at maraming mga pulubi ang pakalat-kalat sa kung saan-saan.
Ang tarangkahan ng lungsod ay nakabukas, marahil hinahayaan lamang ng mayor na manatiling nakabukas ang main entrance ng lungsod, para sa mga bisita.
"Marahil may plano ang Greenbat Organization, kung nais niyang linisin ang lungsod ay dapat gawin niya na bago pa man masira ng tuluyan ito" saad ni Malemudi Lefter na halatang nanggigigil.
Habang naglalakad ang grupo sa kalye ay nakita sila ni Fhinrun Dolydle. Mag-isa lamang si Fhinrun Dolydle no'ng mga oras na iyon. "Malemudi? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng mayor.
"Minamalas nga naman, hi Dolydle, nakikita mo ba ito? Kasama ko ang apo ko. Ikaw anong ginagawa mo rito sa kalsada?" saad ni Malemudi habang may mga ngiti sa kaniyang labi.
"Pupuntahan ko sana ang Wale's Tower, dahil halos isang linggo na itong naglalabas ng berdeng usok" saad muli ng mayor.
"Kung gano'n pareho pala tayo ng pupuntahan" saad ng detective.
Nagsama-sama ang grupo patungo sa Wale's Building para tingnan ang kaganapan rito. Bawat isa sa mga ito ay may dalang flashlight dahil masyadong madilim ang kalsada, maraming mga streetlight sa bawat kanto ngunit sira na ang mga ito.
Ang mga naglalakihang LED billboard na makikita sa mga nagtataasang gusali ay puro mukha ng Serpent God. Halos lahat ng billboard na makikita sa paligid ay puro mukha nito ang makikita, wala ng iba.
"Anong nangyayari? Hindi ba't ikaw ang mayor? Bakit nagkakaganito ang lungsod?" saad ng detective na may inis sa kaniyang tono.
"Wala akong alam sa nangyayari detective, at ang baliw na 'yan ay hindi ko alam kung paano nagkaroon ng mukha sa mga pader" sagot ng mayor sa nagagalit na boses.
"Guys look!" saad ni Merlina habang nakatingin sa harapan ng malaking kumpanya, ang Wale's Company.
"Berdeng paniki? Totoo nga na nandito sila, umalis na tayo" babala ni Fhinrun Dolydle sa mga kasamahan nito.
Nang makita ng grupo ang malaking LED screen sa harapan ng Wale's Building, ay napahakbang ang mga ito palayo sa gusali. Dahil ang Greenbat Organization ay naroroon sa loob ng kumpanya, hawak na nito ang gusali at ang kapangyarihan sa buong lungsod.
Ang dalawang organization ay nagkaisa na linisin ang lungsod. Pareho silang may masamang hangarin sa magandang lugar na minsan ng prinotektahan ng mga tapat na tao.
Habang naglalakad ang mga ito palayo sa gusali ay may bigla na lamang humarang sa grupo. Ang mga tauhan ng Greenbat Master, may mga baril na hawak.
"Patayin sila!" utos ng lider sa mga tauhan nito.
Ang grupo ay nakatayo lamang at naghihintay na patamaan ng mga kalaban. Ngunit hindi nagawang paputukan ng mga ito ang grupo, dahil may bigla na lamang nagpaulan ng bala mula sa likuran ng mga ito.
"Hi boys! Hahaha" nakangising pinagbabaril ng Dancing Clown ang mga kalalakihan.
"Dahan-dahan lang! Masyadong masakit sa balikat" pagrereklamo ni Preedy Hitman, dahil nakapatong sa balikat nito ang malaking baril na hawak ni Martin Luner.
"Oh dear" tanging nasabi ni Malemudi no'ng makita ang dalawa na nakasakay sa elf truck.
"Sakay na!" sigaw ni Preedy Hitman sa grupo.
Ang grupo ay ligtas na nakaalis sa lugar, ngunit ang mga tao sa paligid ay isa-isang nagtakbuhan no'ng biglang gumalaw ang buong paligid. Naramdaman ng grupo ang pagyanig ng kalsada, isang malakas na lindol ang naganap no'ng mga gabing iyon.
"Anong nangyayari?" tanong ni Merlina habang yakap-yakap ang batang si Cendryl.
"Inuumpisahan na nilang buksan ang maze wall para pakawalan ang mga halimaw" saad ni Fhinrun Dolydle habang pinagmamasdan ang Wale's Tower.
CONTINUATION🔙
BINABASA MO ANG
Enter The Wall 1 (Cursed City)
Science-FictionBefore the human evolution, before the zombie apocalypse, before the arrival of the heroes. This is where it all began, where the chaos started, where the formidable enemies came from. When Mayor Jones Dumblebat dies, the city falls into chaos, grip...