CHAPTER 34 ✓

1.5K 17 0
                                    

"Pagod na po ako" nagrereklamong wika ni Cendryl habang kinakapa-kapa ang dibdib, na halatang napapagod na ito.

Dahil halos tatlong oras na silang tumatakbo sa loob ng maze wall, ay makikitang halos wala ng lakas ang bata. Masyado pang malalim ang gabi, kaya't mahaba-haba pa ang lalakbayin ng mga ito para makita ang daan palabas ng maze wall.

"Maghahanap tayo ng ground tunnel para magpahinga" saad ng detective sa batang pagod.

Naghanap ang mga ito ng tunnel, hanggang sa makakita si Cendryl ng isang lagusan patungo sa underground. Masyado ng luma at makalawang ang hagdan pababa ng tunnel.

"Hawakan mo itong flashlight, bubuksan ko ang lighter ko" ibinigay ni detective Franco ang flashlight kay Cendryl, mahina na rin ang baterya nito kaya't patay sindi ang ilaw nito.

"Ayan mas maliwanag" nang mabuksan ng detective ang lighter, ay bumungad sa kanila ang isang pintuan. Ang pintuang iyon ay patungo sa isang silid kung saan tinatago ang mga lumang kagamitan, gaya ng mga ginamit sa paglikha ng maze.

"Hanapin niyo!" sigaw ng isang lalaki habang nakatayo sa takip ng imburnal.

"Boss!" saad ng isang lalaki kay Preedy Hitman "Tingnan niyo" itinuro nito ang takip ng imburnal.

"Buksan niyo! Dali" dali-dali namang binuksan ng mga tauhan nito ang takip ng imburnal, ngunit hindi pa man ito tuluyang natanggal ay may narinig ang mga ito ng putok ng baril.

Ang tauhan ni Martin Luner at ang Scorpion ay nagkasagupaan malapit lamang sa p'westo ng mga tauhan ng Serpent Organization.

"Boys! May bisita tayo" saad ni Preedy Hitman habang pasan-pasan ang baril nito.

Nagtungo ang grupo sa pinagmumulan ng putukan para makigulo. Samantala ang detective ay dali-daling kinarga ang bata pabalik sa ibabaw ng tunnel. Wala silang mapupuntahan kung mananatili sila sa ibaba.

Muling tumakbo ang dalawa palayo sa putukan hanggang sa bumungad sa mga ito ang nakangiti at hindi gumagalaw na si Martin Luner. "Taran! Ladies and gentlemen, i am your master pizzy deathy clown, the dancing clown of the night" parang nasa sirkus kung magtanghal ito. Sa gano'ng pamamaraan ay hindi makikita ang takot sa mga mata ni Cendryl.

Ngunit no'ng tanggalin ng Dancing Clown ang bowler hat nito, ay tumambad sa dalawa ang naaagnas nitong mukha. Ang batang si Cendryl ay napakapit ng mahigpit sa jacket ng detective.

"Ooops! Walang aalis" itinutok nito ang kaniyang baril sa harapan ng dalawa. Ang Dancing Clown ay wala na sa katinuan.

Naglakad ng dahan-dahan ang Dancing Clown patungo sa kinaroroonan ng dalawa, ngunit bago pa man ito makalapit sa dalawa ay may bigla na lamang umatake sa Dancing Clown. Libu-libong gamu-gamo ang siyang umatake kay Martin Luner. Kitang-kita ng dalawa kung paano sugurin ng mga gamu-gamo ang tumatawang payaso.

"Merlina!" sigaw ni Cendryl, nakita nito sa Merlina na tinatawag sila.

"Dito tayo dumaan" saad ni Merlina.

"Paano mo kami nahanap?" tanong ng detective kay Merlina.

"May nagsumbong sa 'kin, kaya't pinuntahan ko kayo" saad ni Merlina habang pinupunasan ang pawis ng Cendryl.

Sa katunayan, dahil sa mga gamu-gamo ay nalaman ni Merlina kung saan naroroon ang bata. Mabuti na lamang ay tinulungan siya ng kaniyang mga alagang insekto.

"Malapit na tayong makalabas" wika ni Merlina.

Nakikita ng mga ito ang daanan palabas, ilang metro lang ang layo. Ngunit bago pa man nila marating ang daanan pa labas ay may bigla na lamang humarang sa mga ito. Ang grupo ng Serpent Organization ay mabilis silang natunton.

"Patayin sila! Maliban sa bata" pag-uutos ng isang lalaki sa mga kasamahan nito.

Ngunit bago pa nila magawa ang masama nilang balak ay may bigla na lamang bumaril sa mga ito. Ang apat na tauhan ni Preedy Hitman ay isa-isang nagbagsakan sa malamig na semento.

"Hello kid's? Remember me?" saad ni Malemudi habang nakaipit sa mga braso nito ang shotgun. Nginitaan ito ni Merlina, at saka naglakad pa labas ng maze wall.

"Sakay na" makikitang may puting kotse sa labas ng maze wall. Ang sasakyan ay pag-aari ni Malemudi.

"Sino po kayo?" tanong ni Cendryl.

"Hi dear child, I'm your grandmother" nakangiti nitong wika habang nagmamaneho.

"Holy shit! Anong sinasabi mo?" gulat na tugon ng detective.

"Hey! Language, may bata tayong kasama" pagsasaway ni Merlina habang nakaupo sa unahan ng dalawa.

"Ako ang ina ni Martha, masyadong mahaba ang k'wento, pero kung interesado ka detective na malaman ang lahat tungkol sa 'kin, pwedi mo 'kong dalawin sa aking bahay" saad muli ni Malemudi.

"Sandali? Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Merlina kay Malemudi.

"Sa aking hideout, bukas na tayo bumalik sa lungsod" sagot ni Malemudi.

Ang hideout na tinutukoy nito ay matatagpuan sa labas ng lungsod. Kaya't pasamantalang dinala ni Malemudi ang mga ito sa kaniyang hideout para itago sa mga kalaban.

"Ang serpent, spider, scorpion at ang mga inpekted sa loob ng maze wall, lahat sila ay bahagi ng laro" saad ni Malemudi habang naglalakad patungo sa isang lumang gusali kung saan siya nagtatago.

"Anong laro?" tanong ng detective.

"Ang The Little Valet at ang Serpent God ay nagpapasiklaban, nagtatagisan ng kapangyarihan at impluwensya. Nais nilang makuha ang unang p'westo sa pagiging four kings. Dahil wala na ang Don, ang p'westo na nanatiling bakanti. Masyadong matalino si Dolydle, kaya't hindi ito basta-basta magpapatalo sa laro ng Serpent God, ngayong nakuha niya na ang p'westo sa pagiging four kings, ay natitiyak kong may masama itong planong inihahanda sa malaking lungsod" mahabang salaysay nito sa kaniyang mga panauhin.

"Dahil sa dalawang 'yon ay naiipit ang mga tao. Paano natin ito pipigilan?" tanong ni Merlina.

"Wala ng paraan para pigilan ang digmaan na paparating. Alam nating lahat na mahirap itong harapin, sa oras na makuha ni Dolydle ang aking apo, ay makukuha niya na ang kontrol sa lungsod. At hihirangin siyang isa sa pinakamayamang tao, at pinakamakapangyariyang hari ng mga sindikato" muling salaysay ni Malemudi.

"Kailangan nating bumalik sa lungsod para ibalik ang bata" saad ni Merlina.

"Kamatayan ang naghihintay sa inyo sa lugar" babala ni Malemudi sa mga ito.

Samantala ang putukan sa loob ng maze wall ay humupa na. Ang mga tauhan ng bawat kampo ay isa-isang nagkalat sa loob ng maze wall. Wala sa mga ito ang kanilang mga lider, marahil nakatakas na ang mga ito.

"Boss may nakuha kaming isa" saad ni Preedy Hitman sa kausap nito sa kabilang linya.

"Umalis na kayo diyan"

"Thank you boss!" sabay baba sa hawak nitong telepono.

CONTINUATION🔙

Enter The Wall 1 (Cursed City)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon