SPECIAL CHAPTER 3 ✓

34 6 0
                                    

Masyadong malamig ang buong paligid, kakaiba ang klema sa lugar. May mga nyibe na makikita, nagkalat sa kung saan-saan. Halos balotin na nito ang mga bakuran ng bawat bahay.

Ber months na, marami ng dikorasyon sa paligid. May mga christmas lights, snowman at mga malalaking christmas tree. Nagising si Cendryl sa lugar na iyon, nasa loob siya ng isang bahay na napapaligiran ng maraming mga palamuti pang pasko.

Kinuha ni Cendryl ang makapal na jacket na nakasampay sa silya, sinuot niya ito bago lumabas ng bahay. Naglakad-lakad ang bata sa malamig na kalsada, puno ng nyibe at may mga bata sa bawat sulok. Nasa subdivision si Cendryl naroroon, kasama ang iba pa.

"Nasaan ako?" tanong ni Cendryl sa kaniyang sarili habang hinihimas ang leeg nito.

"Argh!" napangiwi ito nang mahawakan ang isang machine device na nakalubog sa kaniyang batok.

Nang mahawakan iyon ni Cendryl ay bigla itong natumba sa kalsada. Naalala niya ang mga pangyayari no'ng i-rescue siya ng mga sundalo, gano'n rin sa pagdala sa kaniya sa loob mismo ng kumpanya.

Walang ideya si Cendryl noong una, inakala nitong tauhan ng pamahalaan ang mga sundalong sumundo sa kaniya. Ang machine device na nakakabit sa batok ni Cendryl ay konektado sa computer system ng Wale's Company. Napapanood nila ang ginagawa ni Cendryl, at kung tatakas man ito ay madali nilang mahahanap ang bata.

Gulung-gulo si Cendryl no'ng makita nito ang paligid. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita ngayon, bago mawalan ng malay ang bata ay may dalawang lalaki ang nakasuot ng personal protective equipment na kulay berde. Kinuha nila ang bata at saka nilisan ang lugar na parang walang nangyari.

Normal naman na kumikilos ang mga tao sa paligid, parang walang alam sa mga nangyayari. Tila ba parang walang nagbago, ang mga bata ay naglalaro sa labas kahit umuulan ng nyibe.

"Normal na kumikilos ang mga survivors sa underground area, inilagay namin ang kalahating libo sa village para pagpahingahin. Ginamitan namin sila ng chemical gas para makalimot, ngunit ang epekto no'n ay aabot lamang ng dalawang araw" saad ni Doktora Murkery Madleway habang naglalakad papalapit kay Fhinrun Dolydle.

"Sigurado kaba na gagana ito?" nag-aalalang tanong ni Fhinrun Dolydle habang tinitingnan ang mga puting swero na nakakabit sa iba't ibang parte ng katawan nito.

"Nakakuha na ako ng blood sample sa bata, inihalo kona rin ito sa T-Virus. Ngayon, nais ko sana itong subukan sa ordinaryong tao. Mr. Mayor, huwag kayong mag-alala, dahil walang masamang epekto ang vaccine na ito sa inyong katawan" paliwanag ni Doktora Murkery Madleway sa mayor ng lungsod.

Kinuha ng doktora ang syringe at isinalin sa loob nito ang pinaghalong blood sample ni Cendryl at ang T-Virus. Nang magawa iyon ay inutusan ng doktora na talian ang mayor, nais ng doktora na makita kung ano ang kalalabasan ng kaniyang eksperimento.

Mabuti na lamang ay kusang loob na lumapit si Fhinrun Dolydle sa doktora, ang sarili nito ang inihain dahil sa kapangyarihang inaasam-asam. Kitang-kita sa mga mata ni Fhinrun Dolydle ang kakaibang kasiyahan no'ng mga oras na iyon.

"Handa na" maikling wika ni Doktora Murkery bago nito iturok ang vaccine.

Hanggang sa naubos ang laman ng syringe, makikita ang laman nito na unti-unting kumakalat sa buong katawan ni Fhinrun Dolydle. Ang mayor ay nakaramdam ng kakaibang init sa katawan, halos magkulay berde na ang mukha nito dahil sa gamot.

Nawalan ng malay ang mayor, kasama ng mayor ang dalawang guwardiya no'ng mga oras na iyon. Samantala, nagtungo sa labas ng silid ang doktora para tingnan ang mangyayari sa katawan ni Fhinrun Dolydle.

Nang isara ng doktora ang pinto ng silid, ay bigla na lamang nagwala si Fhinrun Dolydle. Ang dalawang guwardiya ay sinusubukang pakalmahin ito, ngunit wala silang nagawa no'ng may bigla na lamang lumamon sa mga ito.

Ang bunganga ni Fhinrun Dolydle ay bigla na lamang lumaki, maraming mga dila ang siyang dumukot sa dalawang guwardiya. Kitang-kita ni Doktora Murkery Madleway kung paano lamunin ng buo ni Fhinrun Dolydle ang dalawang buhay na tao.

Nang makabalik sa dating anyo, ang mayor ay bigla na lamang nasiyahan sa kaniyang nasaksihan. Hindi makapaniwala si Doktora Murkery sa kaniyang nakikita, ang mayor ay normal pa rin.

"Bravo! Kakaiba ang isang 'yon" saad ng doktora habang pumapalakpak.

"Gusto ko ang kapangyarihan ito" saad ni Fhinrun Dolydle habang pinupunasan ang mga labi.

Isang panibagong halimaw na naman ang nagawa ng Wale's Company, sa pagkakataong ito ay p'wedi ng gamitin ang mga bagong virus sa katawan ng isang normal na tao.

"Doktora Murkery Madleway!" pagtatawag ng Master Mind holographic representative.

"Ano iyon?"

"Anong binabalak niyo?" tumingin ang holographic representative kay Mayor Dolydle.

"Huwag kang mag-alala, mananatili kaming tauhan mo. Hindi mo ba nakikita, isa itong regalo mula sa iyo. Ang kapangyarihan ito ang magpapasunod sa maraming tao sa mundo" nakangiting wika ni Fhinrun Dolydle habang nakatingin sa holographic representative.

"Nasisiyahan ako, ngunit may mas mahalaga tayong pagtuonan ng pansin. Ang grupo nina test subject S03 Merlina Wissleman at test subject S04 Edison Doughlourd ay naglalakbay na pabalik sa lungsod, nakikita ko sa mga mata nila na mayroon silang masamang binabalak" saad ng holographic representative.

"Hindi ba't kontrolado ng MACODE ang mga test subject?" tanong ng doktora.

"Noong una ay kontrolado ng MACODE ang mga test subject, ngunit dahil sa napakahabang panahon na naka-shutdown ang power electricity ay hindi na nito na kontrol ang mga test subject" saad muli ng holographic representative.

"Anong pakay nila rito?" tanong ni Fhinrun Dolydle sa holographic representative.

"Hindi iyon ang mahalaga, ang pagtuonan natin ng pansin ay kung paano natin mahuhuli ang mga 'yan. Doktora, dalhin mo sa akin ang dalawang test subject para magamit ko sila sa susunod kong eksperimento" pag-uutos ng holographic representative, na kontrolado ng MACODE.

"Ipakukuha ko sila kay Preedy" maikling wika ni Fhinrun Dolydle bago ito umalis sa lugar.

Samantala, dinala ng Wale's medical team ang katawan ni Cendryl sa isang silid kung saan matatagpuan rin ang libu-libong mga tao na nakakulong sa aquarium na may lamang tubig.

Lahat ng mga taong nasa loob ng berdeng tubig ay ang mga bagong pinag-eksperimentohan ni Doktora Murkery Madleway. Gagamitin niya ang mga ito para paramihan ang kanilang mga tauhan.

Natutulog ang mga taong nasa loob ng aquarium. Samantala ang batang si Cendryl ay inilagay sa isang espesyal na aquarium, puno ng langis at mayroong berdeng ilaw na nakakabit sa loob ng aquarium.

Nilagyan ng isang lalaki ng malaking tubo ang bibig ni Cendryl para makahinga. Samantala mayroon namang swero na nakakabit sa batok nito, na konektado sa MACODE.

Ibig sabihin mararamdaman ng MACODE kung gising na ang bata, o kaya'y nawawala ito. Masyadong matalino ang MACODE kaya't hindi ito madaling maisahan.

Samantala ang grupo ni Merlina ay patuloy pa rin sa paglalakbay patungo sa lungsod ng Wale's. Ngunit bago pa man sila makarating sa Wale's ay may bigla na lamang sumabog sa harapan ng mga ito.

Ang sasakyan ng tatlo ng tumilapon, makikitang nawalan ng ulo ang katawan ni Malemudi dahil naipit ito ng gulong ng sasakyan. Samantala ang dalawang test subject ay nawalan ng malay, nakahandusay sa kalsada habang tumatagas ang dugo mula sa kanilang mga sugat na natamo.

"Report to the Wale's Company, nakuha na namin ang test subject" saad ni Preedy Hitman habang nakasakay sa helicopter. Isinakay ng mga ito ang dalawang test subject sa loob ng isang puting van.

Nagtagumpay ang Wale's Company na makuha ang dalawang test subject na hindi nahirapan. Labis ang tuwa ng MACODE no'ng makuha ni Preedy Hitman ang dalawang test subject nang hindi gumagamit ng dahas, 'yon nga lang may dapat na isakripisyo.

Samantala, bigla na lamang nagising si detective Franco sa loob ng isang kotse. Halos hindi na makilala ang detective, dahil sa mahaba nitong balbas at walang ayos sa sarili. Napapaligiran ng mga inpekted ang kotse, kaya't ang detective ay hindi makalabas sa lugar na iyon.

CONTINUATION🔙

Enter The Wall 1 (Cursed City)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon