CHAPTER 35 ✓

1.5K 17 0
                                    

Nag-iisa na lamang bumalik sa opisina ni Fhinrun Dolydle ang madungis na si Martin Luner. Duguan ito at maraming sugat na natamo mula sa mga halimaw at sa pakikipaglaban nito sa tauhan ng Scorpion King.

"Martin? Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Fhinrun, no'ng pumasok sa opisina nito ang Dancing Clown.

"Pizzy deathy, hahaha..." saad ni Martin habang sinasabayan ng malakas na pagtawa "Ang tauhan ni Don Valer-Ray at ang Serpent Organization ay naroroon, mayor hindi lang sila ang naroroon, marami. Marami sila sa loob" bakas sa mukha at mga mata ng payaso ang labis na pagkabahala mula sa kaniyang nasaksihan sa maze wall.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng mayor.

"May mga halimaw sa lugar na iyon, ngayon nauuwaan kona kung bakit nilagyan ng matataas na pader ang norte. Ito ay dahil para protektahan ang mga tao sa loob, dahil ang lugar na iyon ay tambakan ng mga halimaw" saad ni Martin Luner habang nilalagyan ng gamot ang mga sugat nito.

Samantala, ang mga tauhan ni Preedy Hitman ay nagtungo sa laboratory ng doktora para ibigay ang nakuha nilang katawan. Pagkarating sa laboratory ay agad na itinali ng mga ito ang halimaw sa upuan para hindi makawala.

"Isa sa mga palpak na produkto na ating nilikha, pero sa tingin ko magagamit natin siya ngayon" saad ng doktora sa kausap nitong lalaki.

"Doktora anong gagawin niyo sa kaniya?" tanong ng lalaki.

"Pag-aaralan ko siya para sa panibagong produkto na kailangan ng lungsod na ito" saad muli ng doktora bago nito lagyan ng pangpatulog ang inpekted.

Nang mawala si Don Valer-Ray at ang Queen ay nagtuluy-tuloy ang pagbabago sa syudad. Lalong dumami ang mga kawatan, krimen at patayan. Dumami rin ang mga droga sa lansangan, at higit sa lahat pati mga opsiyal ng pamahalaan ay kabilang na rin sa mga kriminal.

Ang police department ay unti-unti nang sinasakop ng takot. Nang malaman kasi nilang mas lumalala ang sitwasyon ay nawawalan na sila ng gana na labanan ang krimen sa lungsod. Dahil ang mayor ay walang pakialam sa kaniyang nasasakupan, kaya't ang kapulisan ay isa-isang nagretiro para makapagpahinga at makaalis sa isinumpang lungsod.

Ang nais ng Serpent Organization ay linisin ang lungsod sa pamamagitan ng paglikha sa mga halimaw. Naniniwala sila na sa oras na pakawalan nila ang mga halimaw ay mababawasan ang krimen sa lansangan, at may posibilidad na muling bumalik sa kaayusan ang nasabing lungsod.

Ang isa sa palpak na produkto ng Serpent Organization ay ang Human Palaktos. Naapektuhan ng Green Golden Pills o GGP1 ang katawan ng tao, dahil no'ng una ay hindi pa gaanong subok ang gamot. Dahil sa palpak na resulta ay itinapon ng Serpent Organization ang mga Human infected sa maze wall, at doon ito namuhay sa loob ng maraming taon.

Ang unang infected human body, ay pinangalanang Human Palaktos. Hindi gaano ka delikado ang kagat nito, ngunit ang kalmot nito'y nakababahala. Maaaring mahawaan ka ng virus sa pamamagitan ng mga kalmot, ngunit aabutin ng tatlong oras bago umepekto ang naturang virus sa katawan ng isang normal na tao.

Ito ang unang produkto na sinusubukang baguhin ng Serpent Organization. Nais nila itong gawing instrumento laban sa lungsod, ito na lamang ang nakikitang paraan ng Serpent Organization para ayusin ang kaguluhan sa syudad.

No'ng mga araw na iyon ay sinimulan ng doktora ang pagsasagawa ng masamang plano. Pinag-aralan nito ang katawan ng Human Palaktos, hanggang sa makakuha ito ng green cells mula sa katawan ng Human Palaktos. Ang dugong mayroon ang Human Palaktos ay ang tinatawag na green cells, isang uri ng berdeng likido na dumadaloy sa lahat ng mga ugat.

Kinailangan ito ng doktora para ihalo sa red cells o ang blood cells ng isang ordinaryong tao. Nang maihalo ang green cells sa red cells ay nakabuo ito ng bagong virus, kitang-kita nito kung paano kainin ng green cells ang pulang likido.

Pagkatapos ay biglang nagbago ang kulay ng dalawa. Dito nabuo at nagawa ng doktora ang panibagong virus, ito ay tinatawag na Zyhpnopian virus. Hindi ito inborn sa hangin, ngunit ang may sintomas nito ay p'weding makahawa sa pamamagitan ng pagkagat o pagkalmot.

Ang Tenityhical virus o T-Virus, ay hindi masyadong nakatatakot. Ngunit ang Z-Virus ang dapat katakutan, dahil ang mga nahahawaan nito ay nagiging Erinthum Palaktos. O isang uri ng Human Palaktos na nagiging halimaw na may iba't ibang uri ng itsura.

Mayroong dalawang virus na ginawa ang doktora, ito ang Tenityhical virus na itinurok sa mga tao noon. Ngunit ang kinalabasan nito ay naging baliw ang mga tao hanggang sa maging human palaktos o zombie. Samantala ang Zyhpnopian virus ang pinakadelikado. Dahil ang mga ordinaryong zombie na nahahawaan nito ay nagiging halimaw, na kung tawagin ay Erinthum Palaktos, o zombie evolution.

"Nagawa kona ang bagong virus, mula sa palpak na eksperimento, ay napakinabangan natin ito. Tinatawag ko itong Zyhpnopian virus, isang kakaibang virus na maaaring magpabago sa kapalaran ng mga tao" saad ng doktora habang pinapakita ang isang maliit na bote na may lamang berdeng likido.

"Magaling! Dahil diyan umpisahan na natin ang paglilinis" saad ng Serpent God habang pinagmamasdan ang mga gusali sa lungsod.

Habang papalapit na ang paglubog ng araw ay siya namang naglalabasan sa mga lungga ang mga inpekted. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi ito nakalalabas sa maze wall, kaya't hangga't naroroon ang mga halimaw ay hindi malalagay sa alangan ang buhay ng mga tao sa lungsod.

Samantala habang magkakasama ang grupo, napansin ng detective na may kakaibang usok na nagmumula sa mataas na tore ng Wale's tower, ang kumpanya. Kitang-kita ng dalawang mga mata nito ang berdeng usok na lumalabas sa mataas na tore.

"Ano ang bagay na iyon?" tanong ni Merlina habang nakatingin sa tore ng Wale's Company.

"Ngayon ko lang nakita ang ganiyang bagay, at hindi ako makapaniwala na bubuksan ng mga butler ang tore ng kumpanya, marahil sila na ang namumuno rito" saad ng detective habang pinagmamasdan ang berdeng usok.

"Nagkakamali kayo, hindi mapupunta ang yaman ng pamilya sa mga alipin nito. Kasama natin ang bata at wala silang legal na dokomento na magpapatunay na patay na ang tagapagmana" saad ni Malemudi habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa "Ang nakikita niyo ngayon ay ang babala mula sa isa pang grupo ng mga sindikato" saad muli nito.

"Isa sa four kings! Tama hindi pa nagpaparamdam ang isa sa kanila" wika ni Merlina.

"Tama ka dear, ngayong wala na ang Scorpion King at ang Queen, ay magpapakita na siya para maghasik muli ng karahasan. Ang Greenbat Organization, ay handa ng kumilos" seryuso nitong wika habang iniikot-ikot ang ballpen sa daliri nito. Si Malemudi Lefter.

Ang Greenbat Organization ay isa sa apat na malalaking sindikato sa lungsod. Isa ang Greenbat Master sa four kings, ibig sabihin ito ang pinakahuli sa makakapangyarihang sindikato. Pumapangalawa ang Serpent Organization sa may pinakamalawak na impluwensya, habang pangatlo naman ang Spider Organization.

Ang gawain ng Greenbat Organization ay ang paglikha sa mga bomba. Iba't ibang uri ng bomba ang kanilang ginagawa, maraming taon silang hindi nagparamdam dahil sa nangyaring trahedya labing isang taon na ang nakalilipas.

Isa rin ang Greenbat Organization sa mga naging empleyado ng Wale's Company, kaya't hindi nakapagtataka na alam nila kung paano paganahin ang mga computer system sa loob ng kumpanya. Ngunit may mga bahagi ng gusali ang hindi pa nabubuksan, sa madaling salita mayroon pang misteryo sa Wale's Company.

CONTINUATION🔙

Enter The Wall 1 (Cursed City)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon