CHAPTER 31 ✓

1.5K 17 0
                                    

Bawat isa ay kinakabahan, bawat pintig ng puso ay nagpapahiwatig ng babala. Ang mga pawis na pumapatak sa mukha, may kasamang pag-aalala. Ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha, may panganib na nakaamba.

Ang train ay umaandar, malayo pa ito sa kaniyang paroroonan. Ang mga sakay nito sa isang bagun, ay tahimik. May mga nagbabasa ng diyaryo, ang iba naman ay nakatulog na dahil sa haba ng b'yahe.

Ang batang si Cendryl ay nakatulog, ang ulo nito ay nakasandal sa bintanang salamin ng train. Habang si Merlina naman ay gising, binabantayan ang batang kasama. Hindi lang ang pagbabantay ang ginagawa nito, dahil no'ng mga oras na iyon ay may masamang nararamdaman si Merlina. Isang panganib na posibleng mapahamak sila, kakaibang pakiramdam na may kasamang pagbabanta.

Ang dalawang assassin na nasa harapan ni Merlina ay naghahanda ng umatake. Ang isa'y inihahanda na ang hawak na kutselyo para bigwasan ang dalaga, habang ang isa naman ay nakatuon ang pansin sa batang natutulog. Siya si Cendryl, ang batang mahimbing na natutulog.

"Cendryl!" sigaw ni Merlina, ang babaeng assassin ay napatayo at sinipa nito ang mesa patungo sa harapan ng dalawa.

Mabuti na lamang ang batang si Cendryl ay madaling nakaiwas at napunta ito sa ibabaw ng mesa. Habang si Merlina ay napunta sa gitna ng pasilyo, binigyan nito ng tatlong magkakasunod na suntok ang babaeng assassin, na noo'y nagbabalak na barilin siya gamit ang kuwarenta y singkong baril.

Dahil sa bilis ni Merlina, ang baril na hawak ng assassin ay tumilapon patungo sa p'westo ni detective Franco. Ang detective ay hindi umaalis sa pwesto, dahil ang dalawang assassin ay nakatingin rito.

Tila ba naghihintay ng pagkakataon ang dalawang assassin na sunggaban ang matandang detective, na noo'y naghihintay rin ng panahon na siya ay unahan ng mga kalaban.

Samantala, ang batang si Cendryl ay hinahabol ng isa pang assassin. Hindi ito mahuli-huli ng assassin dahil ang bata ay lumulusot sa ilalim ng mga mesa. Makikita naman si Merlina na nakikipaglaban sa dalawang assassin, habang ang detective at ang dalawang assassin na nasa harapan nito ay naghihintay ng ilang minuto bago bumunot ng baril.

Hanggang sa bumuhos ang ulan, ang patak ng tubig mula sa kalangitan ay bumagsak sa yerong bubong ng train. Ang nakabibinging ingay, ang naging hudyat para kumilos ang dalawang assassin. Ngunit ang detective, hindi ito naisahan ng dalawa. Dahil ang baril nito'y naroroon sa ilalim ng mesa, nang tumama ang ulan sa bubong ng train, ay bigla na lamang pumutok ang baril. At ang dalawang assassin ay hindi na nakakilos pa, makikitang nakabulagta na lamang ang dalawang assassin sa mga upuan nito.

Samantala ang babaeng assassin ay tuluyan ng bumagsak. Duguan ang mukha nito dahil sa mga sipa at suntok ni Merlina. Ngunit ang mataba at matangkad na lalaking kalaban nito ay matagal mawalan ng malay, kahit ilang beses niya na itong sinuntok at sinipa ay na nanatili pa rin itong nakalayo.

Kaya naman ay dali-daling nagtungo si Merlina sa kinaroroonan ni detective Franco. Ang baril na nasa paanan nito ay dali-daling dinampot ni Merlina. Nang paparating na ang matabang lalaki, ay pinaputukan ito ni Merlina ng tatlong beses, hanggang sa bumagsak ito sa sahig.

Samantala ang bata ay hindi pa rin nahuhuli ng kalaban. Kaya naman hinanap ito ni Merlina, hanggang sa marating nito ang isang bagun, kung saan inaabangan ng assassin ang batang nagbabalak na lumabas ng silid.

Walang ingay na nililikha si Merlina no'ng pumasok ito sa silid. Ang bakal na nasa gilid ng pintuan ay dinampot ni Merlina, ginamit niya ito para pabagsakin ang nag-iisang kalaban. Habang nakatalikod ang assassin, ay pinukpok ito ni Merlina ng isang beses, hanggang sa mawalan ng malay.

Dali-daling kinuha ni Merlina ang bata at agad na nagtungo sa labas ng bagun. Umakyat ang dalawa sa bubungan ng train para sana tumakas, ngunit ang train ay hindi humihinto, at no'ng mga oras na iyon, nasa gitna sila ng kagubatan.

"Hey! Dito" saad ni detective Franco habang nakalabas ang ulo sa bubungan ng train. Hindi na nagdalawang isip pa si Merlina, bagkos sinundan nito ang detective patungo sa isang silid.

"Sino ang mga 'yon?" tanong ng detective kay Merlina.

Ngunit si Merlina ay hindi ito pinansin, inaakala niya kasing isa itong kalaban. Ngunit no'ng magpakilala ang detective, ay agad na nagtiwala si Merlina sa mga salita nito.

"Sangkot ako sa isang krimen, at ang ina ng batang ito ay pinatay nila. detective, kailangan niya ng proteks'yon" saad ni Merlina sa naghahabol na boses.

"Hinahabol siya ng mga sindikato? nakita ko kanina, may marka ng gagamba ang mga braso nila. Bahagi ba sila ng spider?" tanong ng detective.

"Oo detective, ang Queen ng spider ay patay na. Pero nagtataka ako, kung sino ang nagpapagalaw sa mga tauhan nito" sagot ni Merlina, nagtataka dahil hindi kikilos ang mga tauhan ng spider organization, hangga't wala itong lider.

"Patay na ang Queen? Si Martha?" napabuntong-hininga ang detective "Kung gano'n ang batang ito ay ang anak niya? tama ba?" tanong muli ng detective.

"Oo detective, gano'n na nga. Kaya't nakikiusap ako sa inyo na protektahan niyo ang bata. May kailangan lang akong puntahan" nakiusap si Merlina na protektahan si Cendryl laban sa mga taong naghahanap rito.

"Wag kang mag-alala, dadalhin ko siya sa bahay ko. Magiging ligtas siya ro'n, may misyon rin ako na kailangan kong gawin" saad ng detective habang inaayos ang damit nito.

"Detective kailangan ko ng umalis" nagtungo si Merlina sa bubungan ng train. Sinundan ito ng detective, ngunit ang The Moths ay bigla na lamang naglaho sa ibabaw.

"Kumusta bata? Ano 'yang hawak mo?" saad ng detective habang pinagmamasdan ang hawak na kahon ng bata.

"Galing 'to kay mommy" binuksan ni Cendryl ang pulang kahon para ipakita sa detective ang laman nito.

Nang mabuksan ni Cendryl ang pulang kahon ay bumungad sa matandang detective ang diamond high necklace, ang k'wintas na pag-aari ng pamilyang Wale's. Nagulat at hindi makapaniwala ang matandang detective, hindi nito sukat akalain na nasa harapan niya na ang batang nawawala. Ang misyon niya ay natapos no'ng mga araw na iyon, dahil natagpuan na nito ang anak ng pamilyang pinakamayaman sa lungsod.

Yinakap ni detective Franco ang bata at kinarga ito. Nang huminto ang train ay dali-daling naghanap ng taxi ang detective, nang makasakay ay agad na kinuha ng detective ang k'wintas ng bata upang isuot.

"Ang talino talaga ni Queen, itinago niya ang bata dahil alam niyang magagamit niya ito balang araw. Pero minalas nga lang siya, hindi niya nagamit ang bata sa kasamaan" nakangiting wika ni detective Franco habang hinahaplos ang madulas na buhok ni Cendryl.

Nagtungo ang mga ito sa bahay ng detective, na matatagpuan sa likod ng panganiban drive north. Ang bahay ng mga ordinaryong tao, kung saan ang mga bahay rito ay nakukulong sa matataas na pader. Iisa lamang ang pasukan, at marami itong mga bantay. Ang lugar ay ang taguan ng mga kriminal, mga taong pinagkaitan ng pamahalaan.

CONTINUATION🔙

Enter The Wall 1 (Cursed City)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon