Malayo pa lang ay naririnig na ng grupo ang boses ng isang lalaki na nagmumula sa isang speaker na nakakabit sa harapan ng bakal na tarangkahan.
"Itaas niyo ang mga kamay niyo at iwanan ang mga hawak niyong armas" saad ng lalaking iyon sa grupo.
"Hello Chris! This is me, Malemudi Lefter" pagpapakilala ni Malemudi sa harapan ng gate.
"Malemudi? Anong nangyari sa 'yo?"
"Dear p'wedi bang sa loob na natin pag-usapan ito?"
Agad namang pinapasok ng dalawang bantay ang grupo sa loob ng isang lumang gusali. Mayroong anim na kalalakihan ang nagbabantay sa paligid ng gusali, samantala nasa loob naman nito ang dalawang matandang lalaki.
"Oh dear na miss kita" yinakap ni Malemudi si Chris Morttenlourd, dating security ng mga camera ng Wale's.
"Pumasok kayo" pagpapatuloy ni Chris sa tatlo.
"Malemudi? Sino sila?" nagtatakang tanong ni Merlina.
"Siya si Chris Morttenlourd, isa sa mga nagbabantay ng security camera sa underground, sa Wale's rin siya nagtatrabaho noon. At ang lalaking ito, siya naman si Zhindir Ourkwood, dating security ng entrance sa underground. Pareho ko silang kaibigan" nakangiting sagot ni Malemudi.
Sa loob ng gusali, matatagpuan ang grupo na nag-uusap tungkol sa mga ginagawa ng Wale's Company. Lalo na't laganap na ang mga tauhan nito sa iba't ibang panig ng mundo.
"Walang cure sa mga 'yon?" tanong ni Merlina.
"Hindi ako sigurado, ngunit no'ng nasa loob pa ako sinabi nila na mayroon raw mga nakatakas na test subject. Marahil sila ang cure, kung nagawa nilang labanan ang T-Virus, may posibilidad na makatulong ito na puksain ang mga halimaw" wika ni Zhindir habang nakabantay sa computer.
"Pero saan natin matatagpuan ang mga test subject?" wika ni Malemudi.
"Wala akong alam, pero may nakuha akong impormasyon mula sa Wale's Company. Hinahanap nila ang mga test subject na nakatakas noon" saad muli ni Zhindir Ourkwood.
"Babalik kami ng lungsod para maghanap ng kasagutan, papatayin ko ang taong 'yon sa oras na magkita kami" wika ni Merlina habang nakatingin sa dalawang lalaki.
"Kilala niyo ba siya" itinuro ni Chris Morttenlourd ang computer monitor na nasa harapan ng mga ito.
"Kuha 'yan ng drone na aming pinalipad no'ng isang araw, lumapag ang Wale's Army sa lugar na 'yan para sa bata. Ang batang nakikita niyo sa monitor ay hindi inpekted ng magkaparehong virus, hindi siya tinatablan ng dalawang virus na ito. Nalaman namin iyon no'ng mapansin naming ang sugat na kaniyang natamo mula sa mga inpekted ay hindi umepekto ang virus, hindi siya nahawaan" mahabang salaysay ni Chris Morttenlourd sa mga kasamahan nito.
"Ang aking apo?" dismayadong wika ni Malemudi habang pinagmamasdan ang pag-rescue sa kaniyang apo.
"Hindi maaari, gagawin nilang test subject ang bata para makagawa ng panibagong halimaw. Hindi gamot ang gagawin nila, kakailanganin nila ang bata para makakuha ng dugo, marahil ang bata ang siyang magiging instrumento para magkaroon ng sariling isipan ang mga halimaw" saad ni Zhindir Ourkwood habang pinapakita ang mga isinagawa nitong research.
"Nais ng Wale's Company na gamitin ang batang nilikha nila, alam nilang balang araw ay mapapakinabangan nila ito sa kanilang mga eksperimento. Naiintindihan kona, si Cendryl ang nawawalang utak ng mga halimaw. Sa oras na maisagawa ang test results, may posibilidad na magkaroon ng panibagong halimaw" wika muli ni Chris Morttenlourd.
"Kailangan naming puntahan ang lungsod para kunin ang bata" wika ni Malemudi habang nagpipigil sa galit.
"Pahirapan ang pagpasok sa loob, pero matutulongan ko kayo. Mayroong lihim na lagusan papasok sa mga pader" saad ni Chris Morttenlourd.
"Kung gano'n magmadali tayo bago pa nila maisagawa ang kanilang masamang plano" seryusong wika ni Edison Doughlourd habang pinagmamasdan ang monitor ng computer.
May mga dalang armas ang grupo no'ng umalis ang mga ito sa lugar. Binigyan ni Chris Morttenlourd ng isang sasakyan ang grupo para madaling makarating sa lungsod.
Maraming taon na ang lumipas, ang Wale's Company ay nakagawa ng magandang plano. Alam nila na magsasara sila, mabuti na lamang ay naisagawa nila ang huling eksperimento sa katawan ng bata.
Inilagay ng Wale's medical team ang isang virus sa katawan ni Cendryl. Isang virus na may kakaibang epekto sa katawan ng tao, ang virus na ito ay mas matalino kumpara sa dalawang virus.
Ito ang virus na nilikha ng Wale's medical team, ito ang pinakamahalaga sa lahat. Ang virus na nasa katawan ni Cendryl ay p'weding gamitin para magkaroon ng sariling isipan ang mga halimaw.
Ihahalo ang T-Virus sa dugo ni Cendryl para makalikha ng panibagong virus. Sa oras na maihalo ito, ay maaari ng gamitin ito sa katawan ng mga inpekted. Ituturok ito sa katawan hanggang sa umepekto ang virus sa isang zombie.
Ang kalalabasan nito ay magkaroon ng sariling isipan ang mga Human Palaktos o zombie. Ngunit hindi na nito maaalala ang kanilang mga nakaraan, gano'n ang epekto ng virus sa katawan ng mga ito.
Nang malaman ni Doktora Murkery Madleway na nakuha ng Wale's Army ang bata, ay labis itong natuwa. Kahit hindi pa niya natatagpuan ang mga test subject, ay siya namang nakita niya ang pinakamahalaga sa lahat.
"Nakuha na ng Wale's Army ang bata, malaki ang maitutulong niya sa atin. Sa oras na makuha natin ang dugo nito, ay magkakaroon ng panibagong evolution ang mga halimaw, p'wedi natin silang gawing reserve army para sakupin ang mundo" saad ni Doktora Murkery Madleway habang nakatuon ang pansin sa holographic representative, ang Master Mind.
"Magaling, ang bata ang pinakamahalaga sa ngayon, ngunit huwag mong kalilimutan na mahalaga rin ang mga test subject. Pero sa ngayon kailangan mo na natin masiguro na makararating sa ating kumpanya ang bata" saad ng Master Mind holographic representative.
"Huwag kang mag-alala, sa oras na ito ay bumabyahe na Wale's Army papunta sa atin. Nga pala, anong balak mo sa mga ito?" sabay turo ng doktora sa isang battalion ng mga sundalo.
"Paglalakbayin ko sila sa iba't ibang panig ng bansa, para tumulong sa paghahanap ng survivors. Ngayong marami na tayong nakuhang survivors, ay magagawa na natin ang huling eksperimento na magpapabago sa hinaharap" saad ng holographic representative.
"Limang libong survivors ang naroroon sa underground, tatlong minuto na lamang ay magigising na sila sa pekeng mundo" nakangiting wika ni Doktora Murkery Madleway.
"Ang third floor underground ay ginawa para sa mga test subject, alam ng Wale's Company na mangyayari ito sa hinaharap. Ang mga pekeng lugar sa third floor underground ang magsisilbing panandaliang tahanan ng mga survivors. Aakalain nilang nasa totoo silang mundo, huwag kang mabahala doktora dahil kontrolado ko ang buong system kaya't hindi tayo mapapahamak" saad muli ng holographic representative bago ito maglaho.
CONTINUATION🔙
BINABASA MO ANG
Enter The Wall 1 (Cursed City)
Science FictionBefore the human evolution, before the zombie apocalypse, before the arrival of the heroes. This is where it all began, where the chaos started, where the formidable enemies came from. When Mayor Jones Dumblebat dies, the city falls into chaos, grip...