CHAPTER 46 ✓

1.2K 13 0
                                    

Dalawang na bwan na ang nakalilipas, ang sitwasyon sa bansa ay lalong lumala. Buong bansa ay nakataas sa alert level status, ibig sabihin nito ay delikado ang lumabas sa kanilang mga tahanan. May mga iilan pa ring lugar sa bansa ang hindi pa masyadong nararating ng mga inpekted, kaya't ang Wale's Army ay patuloy pa rin ang pag rescue sa mga survivors.

"May namataan kaming mga Erinthum Palaktos sa ilang bahagi ng Poordile Town. Ibang Iba na ang itsura nito kumpara sa mga natural na Human Palaktos, doktora ano ang masasabi mo sa evolution na ito?" tanong ng Queen habang nakatayo sa likuran ng doktora.

"Hindi pa hinog ang mga Erinthum Palaktos na nakita mo, magbabago pa ang itsura nila habang lumilipas ang panahon" saad ng doktora habang tinatanggalan ng mga uod ang katawan ng isang Human Palaktos na nasa harapan nito.

Maya-maya pa'y dumating ang mayor kasama ang kanang kamay nito, si Preedy Hitman. May dalang bagong balita ang mayor para sa doktora. Isang balita na hindi nito isasawalang bahala.

"May maganda akong balita" pagsisimula ni Fhinrun Dolydle "Hindi ba't sinabi mo sa 'kin noon na kailangan mo ang dugo ng mga kaibigan ko? Dahil may pangbihira silang kapangyarihan" nakangiti nitong wika.

"Oo kailangan ko ang dugo nila para makalikha tayo ng panibagong armas para baguhin ang hinaharap" seryusong wika ng doktora habang abala sa kaniyang ginagawa.

"Pinapuntahan kona ang lokasyon ng dalawa, ang dalawang 'yon ay may pangbihirang kakayahan. Si Malemudi Lefter ay isa sa mga produkto ng Serpent Organization, tama ba?"

"Oo, isa siya sa mga tinurukan ng gamot, dahil do'n bumata siya" saad ng doktora.

"Kasama ni Malemudi ang dalagang si Merlina Wissleman, nakasama ko siya noon. May pangbihira din itong kapangyarihan, ang tawag sa kaniya ng mga tao rito sa lungsod ay The Moths, dahil kaya raw nitong pasunurin ang mga gamu-gamo. Ang kakayahang iyon ang magdadala ng katalinuhan sa bagong halimaw na ating gagawin" saad ni Fhinrun Dolydle habang nakatayo sa harapan ng doktora.

"Paalam Queen" pagpapaalam ni Preedy Hitman kay Queen Martha bago ito lumabas kasama ang mayor.

Samantala ang dalawang assassin ay makikitang naglalakad sa gitna ng isang malawak na maisan. Ang mga tanim na mais ay hitik na, natutuyo na rin ang mga dahon nito dahil sa tindi ng init ng araw.

"Scarecrow? Pero bakit mga katawan nila ang nandiyan" saad ni Malemudi habang pinagmamasdan ang daan-daang scarecrow na nakasabit sa mga kawayan.

Makikita ang daan-daang scarecrow sa malawak na maisan. Ang ginamit na panakot sa mga ibon ay ang mga katawan ng inpekted, buhay ang mga ito habang nakatali sa mga kawayan.

"Sino naman ang maglalakas loob na ilagay sila diyan" nagtatakang tanong ni Merlina habang nakatingin sa mga scarecrow.

"Tingnan mo ito, hindi ba't ganito rin ang nakita nating palaso sa mini market? May itim na ribbon sa dulo?" kinuha ni Malemudi ang palaso na nakatusok sa lupa at ipinakita ito kay Merlina.

"Oo ito nga, pareho ang pagkakatali at haba ng ribbon na itinali sa dulo ng palaso. Ibig sabihin nasa malapit lang ang gumawa nito" nagpalinga-linga si Merlina sa buong paligid para tingnan kung may tao sa lugar.

Hanggang sa magliparan ang mga uwak mula sa maisan. Napatingin ang dalawa sa pinagmumulan ng tunog ng isang nakakikilabot na boses. Nakaramdam ng matinding takot si Merlina no'ng makita ang isang halimaw na lumabas mula sa pinagtataguan nito.

"Oh dear anong klasing nilalang 'yan" saad ni Malemudi habang nakatingin sa Erinthum Palaktos, hindi ito makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Mas malaki at mas matangkad ito kumpara sa human palaktos. Marahil may taas itong 6'11 at may mahahabang tinik sa likod, wala itong mga mata at wala rin itong tainga. Makikita naman ang hubo't hubad nitong katawan na nababalutan ng makapal na laman. Tanging ang malakas nitong pag-amoy ang siyang ginagamit para pumatay.

"WAAAH!" sigaw ng Erinthum Palaktos habang nakatuon ang pag-amoy nito sa dalawa.

Tumakbo ito patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Kitang-kita ng dalawang assassin kung gaano kabilis tumakbo ang Erinthum Palaktos, naiiba ito kumpara sa human palaktos. Kung ang human palaktos ay mabagal kumilos, ay siya namang kabaliktaran ng Erinthum Palaktos.

"Maabutan niya tayo" hingal nitong wika habang tumatakbo ng mabilis. Si Merlina ang babaeng 'yon.

"Maghanap tayo ng matataguan, pero kailangan mo na natin makalabas sa maisan na ito" saad ni Malemudi habang tinatanggal ang suot nitong jacket.

Hanggang sa ang halimaw ay bigla na lamang naglaho. Wala na ito sa likuran ng dalawa, kaya't napatigil sa pagtakbo ang mga ito. "Mabuti naman at nilubayan niya tayo" saad ni Merlina habang sinusubukang tanggalin ang suot nitong boots.

"Oh dear lagot na" nakatulalang wika ni Malemudi habang nakatuon ang pansin sa unahan "Takbo!" malakas nitong sigaw para balaan si Merlina.

Nasa harapan ng mga ito ang isang Erinthum Palaktos, naglalaway at naghahanda ng tumakbo. Ilang hakbang lang ay maabutan na sila nito,  masyado ring mahaba ang mga kamay ng Erinthum Palaktos kaya't madali lamang para rito ang hulihin ang biktima.

Dahil sa pagod ay bigla na lamang natapilok si Merlina, bumagsak ito sa lupa dahilan upang tumigil sila sa pagtakbo. Hanggang sa lumundag sa harapan ng dalawa ang Erinthum Palaktos.

Nang hahawakan na sila nito ay bigla na lamang tumama sa ulo noo ng halimaw ang isang palaso na may kasamang bomba. Makikitang nawasak ang ulo ng Erinthum Palaktos dahil sa lakas ng pagsabog.

Bumagsak ang katawan ng Erinthum Palaktos sa lupa na wala ng buhay. Samantala napalingon naman ang dalawa sa kanilang likuran para tingnan kung sino ang nagplipad ng palaso.

Hanggang sa makita ng dalawa ang isang lalaki na nakasuot ng itim na kapote na gawa sa makapal na tela, na aabot sa lupa. At may hoodie itong nakatakip sa ulo habang may kasama itong alalay na nakadapo sa balikat. Isang itim na uwak na may puting mga mata.

Inalalayan ni Malemudi si Merlina sa pagtakbo nito at muling itinuon ang pansin sa estrangherong nagligtas sa kanila. "Hey!" pagsisimula ni Malemudi "Sino ka?"

Tinanggal ng estranghero ang black hoodie nitong nakatalukbong sa ulo. Nang matanggal iyon ay bumungad sa dalawa ang isang lalaking may puting mata at may katandaan na ito. Kasabay ng paghuni ng uwak ay nagpakilala ang lalaki.

"Edison Doughlourd" saad ng estranghero.

"Ang Knightcrow? Ikaw nga!" masayang saad ni Merlina no'ng makilala ang kaibigan nito sa ilalim ng tulay.

Agad namang tinungo ni Merlina ang kinaroroonan ni Edison Doughlourd para yakapin ito. Hindi makapaniwala ang dalaga na muli niyang masisilayan ang taong nagturo sa kaniya kung paano lumaban at kung paano maging isang assassin.

Nagtungo ang tatlo sa isang lumang bahay para magpahinga. Napag-usapan rin ng mga ito ang tungkol sa kaganapan sa loob ng lungsod, at kung saan nagmumula ang mga halimaw.

"Ang Human Palaktos na kilala sa tawag na zombie, ay alam naman nating kagagawan ito ng Wale's medical team, na siyang ipinagpatuloy ng Serpent Organization. Ang mga inpekted na ito ay dapat rin nating iwanan, dahil delikado ang kanilang mga kalmot" saad ni Edison Doughlourd sa dalawa nitong kasama.

"Ang halimaw kanina? Isa rin ba silang zombie?" tanong ni Merlina na may pagtataka.

"Hindi, p'weding oo, p'weding hindi. Tinatawag nila itong Erinthum Palaktos, isang uri ng halimaw na may kakayahang mag evolve. Mula sa iisang anyo, hanggang sa magbalat kayo ito ng kung anu-ano. Ayon sa aking nalaman, nakadependi sa panahon ang kanilang pagbabago" saad muli ni Edison Doughlourd.

"Saan sila nagmula?" tanong ni Malemudi na halatang naguguluhan rin.

"Base sa aking nalaman, sila ay dating mga Human Palaktos. Ito pa ang aking nalaman, mayroong bagong virus na kumakalat, ito ay ang Z-Virus. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng Erinthum Palaktos, o zombie evolution. Kailangan natin itong pigilan bago pa man makagawa ng panibagong halimaw ang Wale's Company" saad muli ni Edison Doughlourd habang pinagmamasdan ang malawak na maisan sa labas ng bintana.

"Kung gano'n! Magsisimula tayo sa labas mga tainga nila" itinaas ni Malemudi ang baril nito.

"Tama! Kakailanganin natin ng mga gamit, chopper at mga telepono. May namataan ako, mayroong isang helicopter ang lalapag sa angheles" nakangiting wika ni Edison Doughlourd sabay kasa sa baril na hawak nito.

CONTINUATION🔙

Enter The Wall 1 (Cursed City)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon