JEALOUSY?
Tulip's Pov:
Nagsimula na ang klase namin sa Matematika.
"Hayst...wala naman akong maintindihan eh." Bulong ko sa sarili.
*Discuss*
*Discuss*
*Discuss*Sa wakas ay natapos na ang subject na ito dahil kahit katiting ay wala akong maintindihan. Sa math lang talaga ako nagkakaganito peri sa ibang subject ay hindi naman. Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Si Rui
"Bakit?" Tipid kong tanong sa kanya.
"Sabay tayo mag lunch." Sabi nito habang nakatingin sa akin at nakangiti pa!
"Ayok-"
Diko pa man din natatapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong hilahin mula sa kinauupuan ko at kinaladkad papuntang cafeteria. Nakakaasar talaga toh kahit kelan hmp!
Nang marating namin ang cafeteria eh medyo kinabahan naman ako dahil halos lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa amin ang tingin. At dun ko lang napagtantong hawak nga pala ni Rui yung kamay ko. Haysy... B*wiset talaga.
"Sino ba yan?"
"Ba't hawak ni Rui kamay nya?"
"Sya yung transferee diba?"
"Ganda nung transferee shét!"
"Sh!t ang kinis nya pre!"
Iba't-ibang bulungan ang narinig ko at di na ko komportable dahil sa tingin ng mga lalaki sa akin. Nakakailang!
Napansin at ni Rui na medyo uncomfortable ako.
"May problema ba Ara?" Tanong nya ng may pag-aalala?
"W-wala naman kaya lang yung mga lalaki kasi ang weird nilang tumingin." Naiilang kong sabi sa kanya.
Nilibot nya ang tingin sa paligid at bigla nalang kumunot ang noo nya. Tinignan ko kung saan sya nakatingin at dun ko nakita si Zero. Nakatayo at nakatinhin saakin?
Ba't naman nya ako titingnan?
Nabigla ako dahil hinubad ni Rui ang suot nyabg jacket at ipinulupot ito sa bewang ko.
Marami ang mga nagulat dahil sa ginawa nya ang iba nga'y napasinghap pa. Ang ipinagtataka ko talaga ay hindi nya inaalis ang tingin kay Zero habang ginagawa nya yon.
Lumapit naman si Zero sa amin at bigla nyang hinawakan ang braso ko sabay hila na mas lalo pang kinakunot ni Rui habang sya naman ay nakangisi. Problema ng dalawang toh?!
Zero's Pov:
Hinila ko si Ara dahilan para mapalapit ito sa dibdib ko. Kahit na di sya ganon kalapit sa muka ko ay naaamoy ko pa rin kung gaano sya kabango. Parang gusto ko syang singhutin, nakakaadik yung amoy nya F*ck!
Well kung di nyo naitatanong nalaman ko ang pangalan ng babaeng ito dahil pinaimbestigahan ko sya sa isa sa mga tauhan ko.
"P*ta ano bang problema mo!" Bulyaw nito sa akin.
Sinisigawan ako pero si Rui hind- f*ck ano ba toh! Nagseselos bako? No! Imposibleng magselos ako dahil di ko naman sya gusto!
"Bitawan mo nga ako!" Asik ni Ara sakin.
"At pano kung ayoko." Saad ko habang nakangisi kaya naman lalo pa itong nainis sa akin.
Nabigla ako nang hinawakan din ni Rui si Ara sabay hila pero syempre di ako magpapatalo dahil isa yata akong Cielsso!
"A-aray! Ano ba naman yan!" Reklamo ni Ara dahil palitan kami ng paghila sa kanya ni Rui.
Sige lang kami sa paghihilaan kay Ara ng bigla akong napikon kaya hinatak ko si Ara ng malakas as in malakas na malakas.
Pero nabigla ako dahil ng hilahin ko sya ng pagkalakas-lakas ay nabitawan ko ito bigla at na out of balance sya dahilan para matumba ito at ang malala ay tumama pa ang ulo nya sa kanto ng mesa at malakas din ang lagapak nya sa sahig.
"Ara!" Sigaw ko dahil nakita kong may dugo na tumulo galing sa ulo nya.
Kinabahan ako ng mga oras na yon dahil tuluyan na syang nawalan ng malay.
"Ara! Gumising ka!" Rinig kong sigaw ni Rui ng makalapit ito kay Ara.
"Tabi ako na." Tinulak ko sya pagilid tsaka binuhat si Ara ng pa bridal style.
Dinala ko sya dito sa clinic para naman magamot na ang sugat nya.
FAST FORWARD...
Tulip's Pov:
"N-nasan ako?" Sabi ko sa sarili.
"Ara? Ara gising kana?!" Rinig kong sigaw ng kung sino. Ang buong akala ko ay si Rui ito kaya tinignan ko ito ngunit laking gulat ng makitang si Zero ito at hindi si Rui na inaasahan ko.
"A-ayos kana ba? Ha Ara?" Tanong niti sa akin ng may pag-aalala?
Imposible baka naman nagha-hallucinate lang ako?
Like sya si Zero kaya imposibleng mag-alala toh sakin."Ano? Ara? Ayos kana ba? Bakit dika nagsasalita?" Sunod-sunod na katanungan nito sa akin.
"O-oo ayos na ako." Sabi ko rito.
"Teka ikaw ba nagdala sakin dito?" Tanong ko sa kanya dahil naguguluhan na talaga ako.
~~•~~