01: Lemuel

7 1 0
                                    

Lemuel

Alam kong huli na ngunit,
Ang aking puso'y nais paring magpabatid
Nang mga salitang 'di ko nabanggit

Sa paglaki ng supling,
Isa ka sa mga taong gumawa nang daan na kan'yang tatahakin
Ikaw ang isa sa apat na haligi,
Nang tahanan na aking nilalagi
Isa sa mga pinagkukunan nang lakas,
Sa mga panahong ako ay nalalagas

Kalungkutan man namin ang iyong huling hinga,
Batid kong ikaw ay nasa ligaya na
Sa pagpikit nang iyong mga mata,
Unti-unti mong nakuha ang tunay na payapa

Iyong damdami'y hindi ko man batid,
Ngunit alam kong kinaroroonan mo'y langit





(A year like yesterday. Your memories will forever be cherished <8)

Letters in ScaleWhere stories live. Discover now