Lemuel
Alam kong huli na ngunit,
Ang aking puso’y nais paring magpabatid
Nang mga salitang ‘di ko nabanggit.
Sa paglaki ng supling,
Isa ka sa mga taong gumawa nang daan na kanyang tatahakin.
Ikaw ang isa sa apat na haligi,
Nang tahanan na aking nilalagi.
Isa sa mga pinagkukunan nang lakas,
Sa mga panahong ako ay nalalagas.
Kalungkutan man namin ang iyong huling hinga,
Batid kong ikaw ay nasa ligaya na.
Sa pagpikit nang iyong mga mata,
Unti-unti mong nakuha ang tunay na payapa.
Iyong damdami’y hindi ko man batid,
Ngunit alam kong kinaroroonan mo’y langit.
(A year like yesterday. Your memories will forever be cherished <8)
