Tahanan
Ang lupa,
Pinagkaloob na kaniya
Pinagkukuhanang buhay ng punla
Tayo'y pinagkaka-isa
Kahit man malayo sa isa't-isa
Siyang handog ng taas
Tumatatrato nang patas
Pagmamahal niyang likas,
Na walang kapantay niyang gilas
Ang apat na haligi,
Simento ng aking nilalagi
Lakas na binibigay ay lagi-
Hindi babagsak sa sagi
Hindi buo kung bilang lang ay tatlo
Pinatitibay ang aking puso
Naro'n sa aking pagka-talo
Sa aking mga ini-panalo-
Kailanman sila'y hindi maglalaho
Ang tatlong ilaw,
Kahalagaha'y hindi mababaw
Mahalaga sa ano mang saklaw
Kanilang liwanag ay umaapaw
Liwanag sa aking mga dilim
Gabay tungo sa aking mithiin-
Hindi mawalay sa aking piling
Kailanman ay iibigin
Ang mga bulaklak,
Mga binibigay ninyong halimuyak
At pagmamahal ninyong payak,
Nais kayo'y laging kayakap
Kasiyahang mabibiga'y hanggang ulap
Sa mga silakbong natagpo,
Patuloy pari'ng luningning na bigay ninyo
Hindi man sila aabot sa libo,
Ngunit labis ang nabibigay na ngiti sa labi ko
Lupang kinaroroonan ng aking nilalagi,
Tahanang kinalalagyan ng aking mga haligi
Mga haliging nangangailangan ng liwanag
Liwanag para maaninag ang aking mga bulaklak
Ang aking tahanan,
Munting tirahan
Na inilarawan
Hindi man sa tunay
Ngunit ito'y isang bagay-
Simbolo ng mga taong may kahulugan sa aking buhay
