11: Ang Mapalad na Ibon

5 0 0
                                        

Ang Mapalad na Ibon

Kan'yang pakpak na pumagapagaspas
Umiikot sa kabuuan ng kalawakan
Siya ay malaya,
Titig sa abot-tanaw

Kung saan man patungo,
Siya ay patuloy sa paging masugid
Buo ang pananalig
Masikhay na sumusulong

Ang mapalad na ibon
Kasawia'y kan'yang ibabaon
Magpapatuloy sa karera
Ng kamalayan

Malayang lumilipad
Mapalad na ibon
Sigaw ang kagalakan
Abot ang kalayaan

Dahil siya ay malaya
Ang ibon sa gitna nang kalawakan
Patungo sa paroroonan
Kung saan ang lahat ay tiyak

Letters in ScaleWhere stories live. Discover now