Entry 001

36 3 0
                                    

"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."

"Dolores. . ."

Dolores. . .

Dolores.

Alam mo ba.

Hindi ko ugaling sumulat para sa isang tao, pero sino ako para labanan ang nag-uumapaw kong pagkamangha sa 'yo? Isa lang akong babaeng handang magpasakop sa nararamdaman ko. Isang babaeng hindi titigil sa pagsinta at pag-asang baka dumating yung time na makita mo ako bilang isang babae. Babae rin.

Saka, baka sa paraang ito, mabago ko yung kapalaran ko. Passionate naman ako, haha but seriously, I admit, at sinasabi rin 'yon ng ibang tao directly sa 'kin. Pero alam mo yung hindi ko alam kung saan at paano ko malalabas ang passion na 'yon to produce something?

News flash. Isang creative writing student. Tinatamad sa degree niya, second degree to be exact. Kaya hindi matapos-tapos.

Kaya sobrang saya ko nang makilala kita kasi ito, nagsusulat ako, nagsusulat nga lang para sa 'yo.

Natatandaan ko, una tayong nagkita sa isang gig. That one night na I would never regret na hindi ako sumipot sa lakad ng mga friends ko just because may gusto akong bilhin kaya pinatos ko yung overtime pay ng friend kong may-ari ng Atalia bar, kung saan ako nagpa-part time.

Part-time para takasan ang acads. lol

Going back to the story. . .

When I went to Atalia for my shift, your voice welcomed me. Sino bang hindi agad mapapatingin sa ganoon kagandang boses?

You were singing Close To You by The Carpenters.

You were so gorgeous as well.

Well, you will always be.

Sarado ang mga mata mo habang kumakanta gamit ang iyong malalim na boses ngunit malumanay at mala-anghel ito.

Hindi ko maiwasang mapangiti at matanga sa kinatatayuan ko habang sinisipat ang bawat kurba at sulok ng mukha mo. Mature na mestiza.

Syempre, pinag-uusapan ka ng mga taong kanina pa nakikinig sa performance mo.

Na ikaw pala yung bagong lounge singer.

At Dolores ang pangalan mo.

Hehe.

DoloresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon