Entry 002

17 1 0
                                    

"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."

"Dolores. . ."

Siguro, Dolores, mga isang linggo din kitang sinusulyap-sulyapan lang. Hanggang sa lumakas ang loob ko. Nawala na rin yung inhibitions ko about working at Atalia Bar. Kaya from part time to full time. Edi syempre, yung acads ko na ngayon yung part time ko. Haha but seriously, nandito na ako e. Nakita na kita, papakawalan pa ba kita?

Pero sa totoo lang, noong una naman, curious lang ako sa 'yo kasi sobrang galing mo. And for me, if the word "art" is a person, definitely that's you. Ikaw ang patunay na pinag-isipang mabuti ng Diyos kung paano buoin ang tao.

Ewan ko, doon lang naman nagsimula ang lahat. Sa walang malisyang pagkahumaling sa isang likha, isang representasyon ng sining, isang paraluman, isang binibini, binibining katangi-tangi.

Siguro tama nga si Ed Sheeran, that people fall in love in mysterious ways. Kasi hindi ko na lang namalayan na hulog na hulog na ako sa 'yo.

Pero hindi ko sasabihin sa 'yo (hindi pa), hindi ko sasabihin na sa una pa lang ay ganito na kagrabe ang nararamdaman ko. Natatakot kasi ako sa kung anong iisipin mo. Iba na ang sitwasyon noong nakausap na kita. Na-realize kong hindi pala madali, hindi pala madaling magmahal ng isang Dolores.

Pero hindi ibig sabihing mahirap ay hindi ko na gagawin. Kaya nga nandito ako e, kaya nga sumubok ako.

Sabi nga nila, chase your dream. Kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong sinusundan ka na papuntang banyo.

Akala ko pa, natatae ka, kasi hindi ka kaagad pumasok sa pinto kung saan may drawing na palda sa tapat nito.

Pero dumiretso ka sa pintuang hindi ko pwedeng pasukin.

Pucha, akala ko ba babae ka? Are you a lesbian? Are you a transwoman?

Nonetheless, nalito man ako sa kung anong kasarian mo sa mga oras na 'yon, doon ko naman napatunayan na higit sa kung anong balakid, kapintasan, pagkakamali o pagkukulang ang nararamdaman ko para sa 'yo.

Kasi sigurado ako, hindi ako papayag na sa gabing iyon ay hindi kita makausap.

DoloresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon