Entry 008

3 0 0
                                    

"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."

"Dolores. . ."

Humigit-kumulang dalawang buwan mula nang maging official tayo, hindi ko pa rin alam kung paano masasanay sa pagmamahal na ipinararamdam mo. Hindi ko itatangging gusto ko ito pero. . . .oo, labis ito. Pagmamahal na umaapaw, walang bahid ng pagtitipid o pagdadamot. Ngunit kahit sobra, hindi naman ako nakaramdam ng kahit anong pagka-uta. Mas lalo ko pang ginugusto, hinahanap-hanap, at handa akong magpalamon, magpalunod, magpasakal, magpasakop. Sadyang hindi lang ako sanay, hindi ako sanay sa ganitong klaseng pagmamahal.

Unconditional. May fulfillment. May excitement. May kaba, pero kabang kaya kong iinda. Na kahit sumabog pa sa nginig ang bawat laman, kahit kumulo pa ang dugo sa nag-aalab na damdamin, ayos lang sa akin. Sa kahit ano pang paraan, ayos lang basta ikaw ang dahilan.

Dolores, hindi ka nagkulang sa salita, sa kilos o sa kung paano mo ako tratuhin. Nagre-reflect sa lahat ng ginagawa mo kung gaano kamangha-mangha ang pagkatao mo. Hindi ko na maipagkakaila iyon.

Kaya nga madalas akong mapailing sa mga pasubaling bigla mo na lang sinasabi sa akin.

'Paano kapag tumanda na ako?'

Dolores, aminin natin, malaki ang agwat ng edad mo sa akin. Limampu't isa, oo pero. . . .ubod naman ng ganda. Kung tumanda ka, ano naman? Edi tumanda. Lahat naman tayo ay dadaan doon, alam mo naman ang sagot doon. Marahil gusto mo lang din malaman ang saloobin ko tungkol sa pagtanda. Dolores, tatanda rin ako. Mauuna ka nga lang. Hahahahaha. :P

'Paano kapag pumangit na ako?'

Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano. Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang nilalang na nakilala ko? Kinukwestiyon mo ba ang pananaw ko sa kagandahan? Kung papangit ka man, which is imposible, paano pa ako? Saka bukod sa imposibleng mangyari 'yan, Dolores, sa paanong paraan ng pagpawi ng ganda ang tinutukoy mo? Your beauty is timeless, your charm is immeasurable. Paano mo nagagawang idikit ang salitang 'pangit' sa iyo? Isa 'yong kalapastanganan.

'Paano kapag hindi ko kayang alagaan ang sarili ko?'

Dolores, you are my serendipity. Hindi na kita pakakawalan, sa ano mang hamon ng buhay. Sa kalungkutan o paghihirap man. Kung alaga lang ang kailangan mo, handa akong ibigay sa 'yo lahat-lahat. Hindi magiging problema iyon. Tanggap ko ang reyalidad na dadaanan natin ang yugtong iyan sa buhay.

'Paano kapag nakalimutan na kita?'

Dolores, kung sakaling hindi mo na maalala ang bawat kahapon, bibigyan kita ng magandang bukas na sasalubungin ang kislap ng nakangiti mong mga mata.

Marami ka pang naitanong sa akin, halos lahat naman ay nasagot ko nang tama. Sa tingin ko. Hahaha. With so much affection in every details while thinking logically. Dahil deserve mo, deserve mo ng tamang sagot mula sa tamang tao. At naniniwala akong. . . .ako ang tamang tao para sa 'yo.

Pero alam mo, Dolores? May isang tanong akong nilampasan sa sunod-sunod mong singhal.

'Paano kapag namatay na ako?'

Natigilan ako nang marinig ko 'yon mula sa 'yo. Pakiramdam ko ay nadudurog ang puso ko. Hindi ako umimik kaya siguro napansin mo at hinawakan mo ang kamay ko. Ginantihan ko ang tipid mong ngiti, at napaisip.

Kapag umabot man ako doon, ikaw pa rin yung gusto kong makita bago ko isara ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang mga posibilidad sa kadilimang 'yon, pero makasisiguro kang hindi ako hahanap ng liwanag mula sa iba.

Dolores, habang mas lumalalim ang nararamdaman natin para sa isa't isa, mas dumarami na rin ang nakakaalam tungkol sa relasyon natin.

Syempre, hindi maiiwasan ang mga natutuwa o natatawa o nang-iinsulto o nainsulto o nabigla o nagalit o nalungkot. At hindi ko alam kung alin sa mga iyan ang naramdaman nang mga magulang ko. Dahil nang malaman nila, isang malutong lang na mag-asawang sampal ang natanggap ko.

Pinahinto nila ako sa pagpunta sa bar at hindi na raw nila ako pag-aaralin kapag ipinagpatuloy ko ang pakikipagrelasyon sa 'yo.

Magandang kondisyon.

Mabuti ngang tumigil na sa pag-aaral.

DoloresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon