Entry 004

6 1 0
                                    

"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."

"Dolores. . ."

Pero type kita. At wala ka ring magagawa don. Sorry not sorry. Kukulitin kita kahit na anong taboy mo sa 'kin. Walang atrasan, hindi kita pakakawalan. Dahil naniniwala akong pinagtagpo tayo ng mundo at walang makapipigil doon kahit na ang pagsabog pa nito.

Matapos unti-unting matauhan, natagpuan ko na lang ang sarili kong may hawak na beer habang nakikitawa sa usapan niyo ng mga ka-table natin. Well, ka-table mo kasi naki-table lang din naman ako.

Syempre hindi ko na rin maiwasang makinig. Sinadya ko. Malaking tulong, oo, dahil lahat sila ay parang interesado sa buhay mo. Mula sa kwentong magkakaibigan tungkol sa pang-araw-araw na buhay hanggang sa bawat gig na dapat mong puntahan dahil pinag-aagawan ka ng mga session streets. Pero madalas kang tumanggi at ang paulit-ulit mong dahilan ay busy ka sa personal mong buhay. Todo kantsaw sila na mag-isa ka lang naman, paano ka raw magiging abala sa pamilya.

Pero alam ko, naiintindihan ko, naiintindihan kita. Naiintindihan kita sa parteng hindi naman kailangan ng pamilya para lang maging abala sa personal na buhay. Maraming pwedeng paggugulan ng oras, hindi lang sa taong makakasama, pwede rin sa sarili, o sa sining na kinababaliwan mo.

Baliw na baliw ka sa sining, e, habang baliw na baliw naman ako sa 'yo.

Paano ko nalamang gusto mong magpakalunod sa sining?

Dahil sa paglalim ang gabi, panaka-naka akong sumubok na pasukin ang usapan niyo, tanda na interesado ako sa 'yo.

Pero hayun ka't todo ismid sa akin, tanda na dehado ako sa labang 'to.

Pero alam ko rin, na sa pag-ibig, dehado ka lang kapag sumuko ka, kapag nagpatinag ka sa internal noise na humahadlang sa 'yo. Hindi ko hahayaan 'yon, Dolores. Hindi ako panghihinaan ng loob.

Kasabay ng kalasingan ang lalim ng pagkamangha ko sa 'yo, kaya't habang tumatagal ay mas tumatapang ako. Konti na lang, kapag hindi ka pa bumigay, makakatikim ka na sa 'kin.

Patitikim kita ng pagmamahal ko. Hehe.

At mukhang nasagad na nga ako, sa tulong na rin siguro ng alak 'to. . . dahil nang matapos kayo at tumayo ka ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humarang ako sa daraanan mo. Tinitigan kita habang nakangiti, sabay angat ng kamay ko.

'Sofia.'

Nagpakilala ako.

'Anong trip 'yan? Kanina ka pa iniiwasan, Miss. Hindi ka ba nakakaramdam?'

Gusto kitang sagutin ng mga oras na 'yon, kasi hindi ka rin ba nakakaramdam na gusto talaga kita? Seryoso ako at alam kong totoo an nararamdaman ko.

Pero syempre. . . .natanga ako, ilang segundong hindi nakakibo, pero mabilis ko namang nabawi ang lakas ng loob ko at ginantihan ka ng tipid na ngiti. Nakailang kurap din ang mga mata kong pinipigilan ang nangingilid na luha.

Alam mo kung bakit?

Kasi tangina, tinamaan ako.

Tinamaan ng ano?

Ng alin?

Ng ganda mo.

Ang ganda-ganda mo.

Lalo kang gumaganda sa paningin ko.

At mas malalim pa sa nakikita ng mga mata ang pagkamangha ko sa ganda mo, ganda ng presensya at kaluluwang gusto kong mahagkan.

Pero madamot ka.

Ang damot-damot mo.

'Nakikita mo ba ako? Nakikita mo ba ang sarili mo?'

Ngiti lang muli ang sagot sa una mong tanong habang iling naman sa pangalawa, saka ako nagsalita, sumagot sa 'yo.

'Importante ba kung paano natin nakikita ang sarili natin?'

Tapos umalis na ako sa harapan mo.

Hindi ko na hinintay ang sagot mong walang kasiguraduhan, pwede kasing hindi, pwede ring oo. Maraming dahilan at paliwanag sa kung ano mang sagot kung titingin ka sa bawat anggulo.

At kung inisip mo noong panahon na 'yon na umatras na ako, mali ka. Ang pag-alis ko ay tanda ng paghahanda ko sa labang ayaw mo akong samahan.

Edi 'wag.

Pero, uulitin ko, gusto kita.

Gusto pa rin kita pagkatapos ng gabing 'yon.

DoloresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon