Entry 006

5 1 0
                                    

"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."

"Dolores. . ."

Akalain mo 'yon? Papatulan mo ako? Aba'y gago ka, HAHAHAHAHA. Hindi ko lubos mapasok sa sistema ko na posible pala. Sumugal ako, pero hindi ako umasang mananalo ako. Pumusta lang naman ako sa tadhana, sino bang mag-aakala?

Sa unti-unti kong pagkuha ng loob mo sa smooth pero may impact kong style, nagbunga ang pangungulit ko sa 'yo. Although parang hindi naman dahan-dahan kasi isang buwan pa lang tayong magkakilala noon, e.

Naks!

Sabi mo, hindi mo ako type?

Bulaklak na may kaunting suyo, kinilala kita habang pinapakita ko yung worth ko. Sulit. Grabe. Sulit lahat ng cutting classes ko.

Alam mo? Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano kita napapayag na maging tayo. Subtle, oo pero. . . grabe yung tingin ng mga mata mo, ang lakas ng dating that time.

Nalaman ko kasing marunong ka rin mag-paint. I got curious and asked kung pwede bang makita ang pieces mo even just a photo from your phone. Instead, you pulled me out from the loud noises. Pumasok tayo sa sarili mong dressing room sa likod ng bar.

Doon ko nakitang may mga ganap ka pala bukod pa sa pag-perform rito. You are more than just a muse—marunong kang mag-paint, mag-draw, magsulat ng kwento, magsulat ng kanta, even kumanta, and you know what amazes me the most. Gusto mong mag-produce at direct ng plays pati films.

Grabe. Walang tapon. Noong umulan ng talento, nagdala ka yata ng drum na pansalo. Tapos 'yang mukha mo pa, lalong nagpapalitaw sa kinang mo. Napakaganda.

Then, you were painting. Tapos bigla tayong nakabuo ng mga usapin. We were talking about how people express their creativity, showcasing their talents and skills in art.

Nagawa ko pang dumikit sa 'yo at kunin mula sa kamay mo yung paint brush at naglakas loob na magbigay ng ambag sa topic. Sabi ko, minsan, it's how much you want to be free.

Then you cut me off and said. . .

'Sinong tao ang gustong maging malaya? No. Everyone wants to be conquered. Gusto nating magpasakop, gusto nating masakal, but only by the things we find nice. Only by the things we genuinely desired.'

We were too close. Nabigla ako sa mga salitang binanggit mo at napaisip bigla habang tumatango. Pero nablangko din dahil mas nabigla ako sa susunod na nangyari.

Maybe a second or two.

You gave me a kiss on the side of my lips.

And the only thing I said after was. . .

'Panindigan mo ako.'

At nagbago ang hilatsa ng mukha mo. Hindi maipinta habang tikom ang bibig, hanggang sa pilit kang humalakhak.

Sobrang awkward noon kaya siguro tumayo ka. Pero bago ka umalis, nagawa mo pang pisilin ang ilong ko.

Naiwan lang akong nakatanga roon.

Habang paulit-ulit na humatsing.

DoloresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon