"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."
"Dolores. . ."
Alam mo ba, Dolores? Inisip kong baka nananaginip lang ako. . . Pero lumipas ang isang buwan na parang tinatahak ko ang pagitan ng mga ulap, napatunayan kong pinatulan mo nga ako.
Dahil doon, may mga bagay akong na-realize. Akala ko kasi ay wala akong kinatatakutan, pero simula nang maging tayo, bigla akong natakot sa mga posibilidad. Totoo pala, na kapag nakuha mo na ang gusto mo, ayaw mo ng pakawalan ito.
Siguro kasi marami lang din akong what ifs, mga walang kwentang pagdududa na hindi ko alam kung saan ko nakuha. Ganito ba talaga magmahal, dapat handa kang sumugal araw-araw? Wala kasing kasiguraduhan ang palagi, bukod sa pipiliin pa rin kita sa bawat bukas.
Minsan nga, sa sobrang pag-uumapaw ng nararamdaman ko sa 'yo, gusto na lang kitang ibulsa para hindi ka na makawala. Pero sino ako, sino ako para tanggalan ng layang mabuhay sa mundo ang sining na tinatangi ng isang hamak lang na ako?
Kaya kahit ang sarap-sarap mong pangarapin, aminado akong mahirap kang abutin. Sa mga mata ko, isa kang matapang na anghel, hindi ka nararapat sa lupa. Alam kong pinipilit mo lang magmukhang mapanlinlang, pero, Dolores. . .
Tanaw ko kung anong dahilan ng bawat kilos o salita mo. Ilang beses ko nang nasilip ang busilak mong kalooban. Kaya hindi mo ako maloloko, hindi ka isang demonyo. Isa kang nilalang na kumikinang sa kadiliman ng mundo.
Habang ako, isang taga-tanaw, isang taga-kinig, isang hamak na taga-inda. . . Taga-inda ng bawat pait sa bawat galit, lungkot, at pangungulila na pabulong na sinisigaw ng mga mata mong nakangiti.
Alam kong tinatago mo lang, at tama nga ako. Dumating na lang din ang araw na ito. . . Araw na ipinakilala mo ang hubad mong pagkatao.
Oo, sa una, natakot ako. Natakot na mas lumalim pa ang koneksyon natin at hindi na natin ito kontrolado. Pero ano bang mas nakakatakot pa sa mawala ang taong mahal mo?
Nagulat na nga lang din ako na niyaya mo ako sa isang one-on-one inuman. Nilabas mo sa akin ang lahat. Sinabi mo kung gaano ka-unfair ang universe. Sinabi mo kung paano ka iniwan ng mga taong malapit sa 'yo dati dahil pinakilala mo sa mundo ang totoong ikaw. You trusted people once in your life and they turned their back on you because they couldn't understand you. That is probably the most horrible thing that one soul could ever experience.
'Masama na bang maging ako?'
'Mahirap ba akong intindihin?'
Those were the words that came out of your mouth. Nanginginig ang boses mo tuwing sinusubukan mong tigasan ang bawat punto. Pero sa bawat hagip ng tainga ko roon, lalo ka lang nagiging malambot sa paningin ko. You are just a lovely woman wanted to be understood and respected. Pero ipinagkait sa 'yo ito ng mga taong inaasahan mong masasandalan mo.
At nasaan ka ngayon? Sa lugar na walang nakakakilala sa 'yo, pero dito, maraming nagmamahal sa 'yo.
Therefore, naiintindihan ko kung bakit pinapakita mong kaya mong mag-isa. . .
Kahit na hindi naman talaga. . .
Kaya nandito ako. . .
'If everything is falling apart, I'll stand still just falling for you.'
Those were the exact answer I gave you before you leaned forward. Nagulat ako at hindi nakagalaw. Nanlaki ang mga mata habang tikom ang bibig, dahil sa biglaan mong amba.
'Sofia. . .'
Binanggit mo ang pangalan ko sa pinakanakakaakit na paraan, dahilan para mapalunok lang ako matapos tumango.
'Wala nang atrasan 'to.'
Maraming pwedeng ibig sabihin iyon pero hindi na ako nakasagot nang simulan mo nang sakupin ang labi ko. . .
