Entry 005

8 1 0
                                    

"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."

"Dolores. . ."

At, oo, Dolores. Pinanindigan ko ang nararamdaman ko. Hindi ako sumuko. Hindi ako tumigil.

Pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para bigyan mo ko ng chance, a chance to let me enter your universe. Pero tangina, imbis na ikaw yung matisod ko, ako na ngayon ang nakadapa't sadsad na sadsad na sa 'yo.

Wala na akong kawala sa nararamdaman ko, kaya wala ka na ring kawala sa akin dahil araw-araw mong makikita ang pangugulit ko, hanggang sa mapansin mo ako, hanggang sa napansin mo ako.

Napansin mo nga ako. . .

'Sofia, right?'

Ilang beses akong napakurap, natanga habang bitbit yung tray ng mga bote ng alak.

'Yes, wow, you know me!'

Biglang nanginig ang boses ko kahit na may mainit sa bandang dibdib ko. Pakiramdam ko, pulang-pula rin ang pisngi kong halos mapunit na mula sa pagngiti ko.

Akala ko hanggang doon na lang ang sasabihin mo dahil umismid ka't umirap, pero nilingon mo 'ko ulit.

'Ang kulit mo, 'no?'

Hindi ko naiwasang matawa sa sinabi mo. Hindi ko inaasahang makita kang hindi composed, hindi diva, hindi baklang maria, hindi yung Dolores na akala mo'y mamahaling tela ng silk—mahirap parisan.

Sa nakita ko, naisip ko, pwede pala. Pwede mo palang ibaba ang pader na pilit kong gustong akyatin. May pagkukusa ka naman pala. Hindi mo lang siguro namalayan, ayaw mo lang siguro ng pwersahan.

Naiintindihan ko. Pwede naman tayong magdahan-dahan, unti-unti, swabe lang. Pero lugi ako, mas lalo akong mananabik sa 'yo. Pero sige, kung doon naman kita makukuha, bakit hindi 'no?

Alam mo ba, Dolores? Napakaraming nangyari noong gabing 'yon, pero may pinakatumaktak sa 'kin.

Nakainom ka na noon, e. Sumasayaw ka sa gitna at napansin kong maraming lalaki ang giliw na giliw na pagmasdan ka. Hindi sa nainggit, pero nabahala, kaya nilapitan kita at nakisayaw kahit na ang layo ng galaw ko sa galaw mo. Parehas kasing kaliwa ang paa ko.

Pinilit kitang umupo na dahil nagiging pulutan na siya ng mga nag-iinuman. Tingin pa lang ay parang lalapain ka na. Pero sabi mo ay hayaan ko sila, na hindi ko hawak ang utak ng mga tao.

Pero hawak mo ang kaligayahan mo, kaya gagawin mo kung ano ang gusto mo, dahil wala nga namang mali sa ginagawa mo.

Sumasayaw ka lang naman. Hindi mo naman mali na mabighani sila sa 'yo. Sa bagay. . . Hindi naman kita sinisi nang nagkagusto ako sa 'yo.

Pero mapilit ako, natakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa 'yo. Hindi kasi ako katulad mo, duwag ako kapag napaliligiran ng mga lalaki.

Hindi ko man masisi ang sarili ko, alam kong mali na ang pangingialam ko sa 'yo lalo na nang hawakan mo nang mahigpit ang mga braso ko.

Siguro nabigla ka rin kaya unti-unting nabawasan ang bigat ng pagkakahawak mo, bahagyang bumaba ang haplos mo't dumulas pababa sa bandang siko ko.

Nakatitig lang ako sa mga mata mo, habang ikaw. . . .nakatitig sa mga labi ko saka mo binitawan ang mga salitang,

'Aware ka ba na hindi ikaw ang type ko?'

Hay naku, Dolores. Kung gaano ako kasigurado sa 'yo, ganoon na lang nakalilito ang ibang kilos mo.

DoloresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon