Entry 003

12 1 0
                                    

"If heaven permits me to bargain my soul just to bring back the time, I would- for you. . ."

"Dolores. . ."

Medyo creep. Pero I was there as a fan, not as a stalker. Genuine at harmless yung paghanga ko, hoy! The purity of my desire came into me, showing my innocent admiration for an art named Dolores.

I never intended to touch even the tip of your long curvy hair na amoy mamahaling hair spray.

Again, medyo creep, or maybe creepy na talaga. Ayun nga't hinintay kita sa labas ng banyo habang hindi ko pa rin mawari kung bakit sa mapanghing banyo ka pumasok.

Mga ilang minuto rin 'yon hanggang sa iluwa ka ng pintong binabantayan ko.

Kabado, oo, pero sinalubong kita ng malaking ngiti ko sabay, "Hi!"

Hindi ko alam kung dahil sa malakas na ambient music ng bar o hindi mo alam na ikaw ang binati ko o suplada ka lang o ayaw mo lang akong pansinin.

Pero syempre, hindi sa pagbaliwala mo sa bati ko matatapos ang gabing 'yon. Sinundan kita hanggang sa isang couch kung saan mo napiling magpahinga, saka mo lang din ako napansin noong lumundo na ang inuupuan mo dahil tumabi ako.

Ngumiti lang ulit ako, nagbabaka sakaling ngitian mo 'kong pabalik, pero mali ako.

Tikom ang bibig mo at bahagyang ngumuso ang kanang parte ng labi mo sabay taas din ng kanang kilay mo. 'May problema? Anong kailangan? Mahal ako ha, paalala lang, Miss na mukhang underage.' Mabilis mong sinabi mo ang mga katagang 'yon habang abala sa pagdukot ng yosi sa pakateng nakita mo lang yata sa table.

Nakangiti akong umiling kahit hindi mo ako kita. Pakiramdam ko nga, napipi ako. Lumunok ako bago nai-compose ang sarili saka kumagat ng labi habang iniisip ang mga salitang bibitawan ko.

'Ikaw si Dolores, right?'

Bumuga ka ng usok bago alanganing tumango, napakatipid pa at bagal.

'I like your vocal range. Grabe yung texture. It resonates a heavenly voice talaga. Parang bagay sa 'yo yung kanta. Bagay rin yata tayo.'

Syempre sa utak ko lang yung last part, napahinto na lang ako after ng unti-unting paghina ng boses ko dahil napansin kong hindi ka interesado sa akin. Bigla ka kasing naglabas ng phone noon.

Napatango na lang ako, habang tinatanggap sa sarili kong hindi ka interesado sa akin. At na-confirm ko 'yon nang bigla kang umimik matapos ang halos limang minutong pagkawalang-kibo ko.

'Hindi kita type.'

Pucha! Parang pumintig yung utak ko don.

DoloresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon