Chapter 24, for my dedicated reader, Jaha dear, this is it. Hope you'll like it :**
~
SCHOOL.
[Roxanne’s Pov]
Just realize, what I just realized.” That’s what I mean.
Just realize, what I just realized.” That’s what I mean.
WHAT DOES HE MEAN?! UGH. I’ve been thinking about this since last night. Pero ano ba yon!? Lintek.
“bes..anong iniisip mo? Ang aga aga eh.” Tumabi sakin si Iza habang nakatayo ako sa may corridor. Maaga pa, wala pa masyadong tao.
“hmm..”
“mukhang malalim yan ah?”
“Alam mo Iza...ang hirap nung feeling na wala kang maisip.”
“Ha? Wala kang maisip? Ang abnormal mo naman.” Sagot nya.
“wow naman? Thank you ha, bestfriend.”
“You’re welcome, pero.. totoo? Ano ba kasi yun.”
“wala nga..wala kong maisip..” yeah. Wala kong maisip na dahilan sa kung bakit ganun si Lexus. Kung bakit hindi siya normal, kung pano siya nabubuhay sa kayabangan, kung pano siya nag eenjoy barahin ako, kung pano siya biglang nagbabago, kung pano siya nag iiba, kung pano siya nag iiba kung bakit siya nagiiba!
Yeah! That’s it. Kung bakit siya weird. Kung bakit ang arte niya. Tapos biglang bumabait. Kung bait ang ungentleman nya tapos biglang magkakaron ng chivalry. Kung bakit kakaiba siya ngayon kes dati, KUNG BAKIT KO SIYA PINAG AAKSAYAHAN NG PANAHON NGAYON! ANO BA ASH! STOP IT.
“bahala ka nga jan. Hmp!” tapos pumasok na si Iza sa classroom.
Habang ako sige sa paged-day dream sa labas.
Ano nga kayang dahilan? Ba’t ganun si Lexus this past few days.
Ako din bakit ganito ko. Ewan ko samen! Sakit sa ulo =_=
Maya maya.. kinilabutan ako ng may umakbay sakin.
“Good morning, shock.” Nakangiti siya pero hindi nakatingin sakin.
“uh..h..good morning.” bati ko rin. Ang bango niya infairness!
“Di ka na nagreply kagabi ah? Nakatulog ka na ba?” so kailangan inoopen yung topic na ayaw mo? Tss.
“ah..oo.” nakaakbay pa din siya ng dumaan si Gab.
“ANG AGA NIYAN AH! Hahahaha.” Na-awkward naman ako dun kaya inaya ko na si Lexus na pumasok na ng classroom.
FAST FORWARD>> INTRAMURALS.
FIRST DAY. May parade na nalalaman ‘tong eskwelahan na ‘to kaya 7am early eh nandito na kami sa school, nakapila at ready ng umalis.
We’re wearing our jerseys since lahat ng players required na mag uniform, habang yung iba naman naka batch shirts yung mga non-players.
Pinatawag ang captain ball ng basketball boys and girls which is kami ni ungas sa kasamaang palad.
“anong meron coach?” usisa ko.
“dito kayo ppwesto sa unahan ni Lorenzo. Kayo maghahawak ng banner para sa basketball team.”
“what?! Hindi ba dapat muse and escort yan? Ayoko sir. Dun ako sa dulo.” Reklamo ko. Aba naman kase! Sa unahan ka na nga paghahawakin ka pa ng banner sa ilang oras mong paglalakad? Mukha niyo.
“Hindi na kailangan yon! Bagay naman kayo at isa pa, maganda’t gwapo.” –Sir lino.
“gwapo’t maton kamo sir. Eh pareho kaming lalaki niyan pagpapartnerin nio kami?” singit ni lexus.
