13- Creeps everywhere

118 2 1
                                    

 [Roxanne's]

“Ang sarap nuh? Ako bumili niyan!” nakangiting sabi ni Iza.

“Hinde! Kaya masarap yan kasi ako kumuha ng panlatag.” –Lex.

Tumingin lang ako sa kanila with poker face =__=

“So anong connect? =___=” tanong ko. Kokorni ng mga leche.

“Wala lang, masarap kasi.” Sabi ni Iza. Baliw. Anong masarap sa pangkaraniwang pizza?

“Oo nga. Ang sarap kaya.” Dugtong pa ni Lex.

“Sus. Gutom lang yan.”

Kinain naming lahat ng pizza hanggang sa maubos. Yung dalawa mabibilaukan na dahil namumualab ang bibig.  Nagpapaunahan kasi silang kumain.

“t-tubig!” hiling ni Iza na mukhang nagmamakaawa.

*coughs* “Tu-t-tubig!” *coughs*-lex

“K fine whatever. kayong dalawa kung trip niyo ko eh hindi maganda yan. Lalamon lamon kayo wala naman kayong biniling drinks.” Sabi ko.

Yung ichura nila ganito, yung tipong puno ang bibig, naghihingalo at humihingi ng tubig. Gets? Habang tumatagal eh namumula na silang dalawa. Are they serious?

“H-hoy! Tigilan niyo nga yan!”

“A-ash.. tu-tubig..” –lex.

Mukhang di nga sila nagloloko. Agad akong tumayo para bumili ng tubig sa pinakamalapit na tindahan. Hindi ko na nga nakuha yung sukli sa kamamadali.

Pag balik ko, ayun yung dalawa, umiinom ng soft drinks. Oww-kay. What does it mean?

“Is this... A F.CKNG JOKE!?”

“HAHAHA. Oo! Naku Ash kung nakita mo lang yung ichura mo kanina. Nervous much? HAHA.” –lex.

“pfffft. Joke lang un.Hahaha.Para namang kakain tayo ng walang drinks haller.? Sorry!” said Iza.

“Sorry? what the? Kinabahan ako dun, at yung sukli ko hindi ko na nakuha because of this crap?”

“Easy! joke lang na--” –lex

“Oo nga naman Ash, joke lang.” I mimicked sarcasticly. “But can you please quit popping a joke like that!? HELL YOU TWO!” *irap here*

Natahimik naman sila. Aba dapat lang. Hindi maganda yun ha.

“S-sorry bes. Di na mauulit.” Iza.

Umupo na lang ulit ako. Tahimik lang. Bakas pa siguro ang pagkairita ko.

Maya maya nagbulungan sila. Tapos kinuha ni Lex yung gitara ko.

Iza cleared her throat, ready to sing. Nag strum naman ng guitar si Lex.

“Ashana bestfriend! Para sayo to. Sorry na ha. Hahaha.” Napaka sincere huh!

Unang kumanta si Lex, habang nag gigitara. Bago pa man maka second line, bumuhos ang ulan.

Agad kaming tumayo, kinuha ang mga gamit at nagtakbukhan para sumilong.

Hindi pa naman kami gaanong basa.

“Oh ano? Nakatulong ba yung kanta mo? Ha?” napakamot naman ng ulo si Lexus sa tanong ko.

“Eh- kasi.. hehe.. dapat kasi ako nalang yung unang kumanta eh.” Sabi ni Iza.

Nag cross arms ako “Mabuti nalang kamo at hindi ikaw ang unang kumanta Elizabeth, dahil baka hindi lang ulan ang inabot natin dito. Baka bumalik yung hanging habagat at muling pinsalain ang Pilipinas.” Seryoso ako niyan.

She's a Boyish FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon