25- Will you go out with me lalala.

83 3 1
                                    

[Roxanne’s Pov]

“ay? Tulala?” puna ni Iza habang feel na feel kong magmuni muni sa isang tabi.

Di ko nalang pinansin.

Pano ba naman kase! Ang daming gumugulo bigla sa isip ko.

I swear. May weird akong naiisip about this guy named Lexus Lorenzo.

Mahina kase ko sa ganito eh. Ano pa bang aasahan niyo sakin diba?

Pero... hmm. Kayo ba? Ano sa tingin niyo?

Ganito kasi....

FLASHBACK>>

(Continuation ng parade)

“Ash..” tawag niya sakin habang naglalakad parin. Medjo malapit na kami sa school.

Salamat naman diba!

“oh?”

“lapit ka dito. Naarawan ka pa oh.” Umisod naman akong konti. Konti lang.

Then he grabbed me.

“wag kang mahiya. Ako lang to oh.” This time, ang lapit na namin. As in parang bffs na share sa payong.

“L-lorenzo. Ayos lang, malapit na naman eh.hayyy.  Nakaka-ilang kasi, hindi mo ba alam na mukha taong magjowa sa ginagawa mo at ang init ng mga matang nakatingin satin?”

Nag smirk lang siya. Cool, pero ang yabang =_=

“edi isipin nilang magjowa nga t--- aray ko naman!. Ang hilig manipa! Tao ka ba o kabayo?” nakakunot yung noo niya.

And that was his best shot for me. Pag nakakunot yung noo niya. Well, sige, I find it a little cute. A LITTLE cute, guys.

“halimaw ako. Hindi tao hindi kabayo. Ikaw ano ka?”

“halimaw? Hmm.. ako aswang!” natawanan lang kami. Non sense but we don’t care at all. Ang boring ba naman maglakad diba.

Ganyan lang usapan namin hanggang akarating ng school.

After ng parade, nagkalat na shempre mga studyante. Dumeretcho ko ng room at sa di maipaliwanag na dahilan, naka-lock pa to.

Seriously? Until now? Anong oras na ah. At saka, bakit room lang namin ang sarado?

Hay  nako. Napaka special talaga ng section na to sa school.

“president! Puntahan mo naman sa office yung susi oh.” Gab.

“de pungal ka Gab maka utos lang ha, ginamit mo pa pagiging presidente ko.” Sagot ko sa kanya. Katabi niya si Iza. Halos lahat ng classmates ko naghihintay sa labas ng room namin, pwera sa maarteng linta na sila Natalie at pwera kay Lexus na nawala ng parang bula after ng parade.

Ni hindi nga nagpaalam sakin na aalis siya o kung san siya pupunta. Sabagay, bakit nga naman? Hay.

“Ba’t ba ako? Tss.” Nakakatamad naman kasi sa layo! Hay. Lalakad na naman sa kabilag building eh puro lakad na kanina!

“eh sino bang president?” –iza.

“Oh, ako nga yung president Iza! It means may authority akong mag utos.” Tumingin ako sa lahat. “ Nasan yung ibang officers ko?”

“Wala sila Roxanne! Si Kayo lang ni Aira officer dito, and she’s not feeling well.” –Mariel.

At kung ano ano pang ginawa kong paraan para lang hindi ako lumakad ng malayo pero wala! Mukhang pinagtutulakan ako ng mga kaklase ko.

“Owwkaaaaaaaaaaaaaay fine wala akong choice.” Nag roll ako ng eyes bago umalis. Nagtatawanan naman ng mahina sila. Anmeron?

So, lakad ever. Kinuha ko yung susi sa office. Si manong guard yung tao sa key section.

She's a Boyish FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon