Chapter 4
>>FAST FORWARD
[Roxanne’s Pov.]
Almost a week has passed since we arrived in Philippines. Oh yes. Nandito na kami. Sobrang sobrang boring! Walang makausap. Hindi ako makagala kasi sino ba namang kasama ko? Eh si Iza nasa Florida pa. Ang daya talaga.
Naayos na yung problema sa clinic ni mommy. So ayun one week na rin akong batong bato sa bahay. Si kuya lang lagi kausap ko. Kausap nga ba o kaaway? Tss.
Friday ngayon. And two days nalang pasukan na! Babalik na naman ako sa Dorm ko. Oh yes, sa dorm kami nag s-stay ni Iza. Kaming dalawa lang. Pinasadya namin yun. Mejo malayo kasi sa bahay yung university na pinapasukan namin. At saka, gusto rin naman ng parents namin na maging independent kami.
Now Playing: Dream High OST.
Naks daig kayo sa ringtone ko noh. Haha.
“Yes, hello?”
[Ashana!]
“Elizabeth Martin napatawag ka? Ano uuwi ka na ba?”
[Nakuuuuu, Roxanne yun nga eh kasi...]
“Kasi?”
[Kasi..]
[Iza sabihin mo na kasi! Bagal eh!] may nagsalita sa kabilang linya. Mukhang si Halley yata. Aww. Buti pa sila magkasama T.T
“Ano nga? Binibitin pa eh. Dali? Kelan ka uuwi? Pinayagan ba si Halley umuwi dito? Ano? Susunduin ko kayo ha!” Excited kong sabi.
[Eh Roxanne kasi madedelay ang uwi ko jan.. Kasi si—]
“what? Kailan? Bakit?!”
[Teka lang kasi! Tapos si Halley hindi pa pinapayagan kaya pinipilit pa namin si Tita Lea.]
“Aww. So kelan ka nga uuwi?”
[Eh, 2 weeks pa daw ako ditto—]
“2weeks?! Eh hello pasukan na sa Lunes! Sinong kasama ko sa dorm!?”
[Jusko Roxanne bata lang bata? 2 weeks lang naman. Kasi si mama may ipapakilala pa daw sakin. Taga ditto daw sa Florida. Kung magugustuhan ko daw i-fifixed kami. Ang saya diba? Hihi. Excited na nga ko eh!]
“Ano ? Eh ikaw lang yata tong ifi-fixed na masaya pa eh!”
[Eeeee! Haha. Gwapo daw kasi. Tsaka kung hindi ko daw magustuhan edi hindi na.] aba’t halatang kinikilig sya ha.
“Kalandian! Ewan ko sayo! Oh pano naka-enroll ka na ba?”
[Ah oo. Inenroll na daw ako ni Papa jan. Sa wakas bestfriend! Seniors na tayo!]
“Oo nga. Kaya bilisan mo’t umuwi ka na dito! Isipin mo yon! 2weeks akong alone sa dorm. Nakaka-leche ka eh.”
[Kaya mo yan! Sus! Saglit lang naman yung 2weeks. Chaka malay mo pag balik ko kasama na si Halley. Oh diba.]
“Siguraduhin mo ha. Oh siya. Tama na. Aalis pa kami ni Kuya oh. Bibiling school supplies. Bye!”
[Ay teka Asha! Yung pinsan nga pala ni Halley--]
*doo.doo.doo.*
Ay nawala? Hmm. Anyway. Nakakainis! Alone ako for two weeks sa dorm T.T
Susot naman oh. Boring ng umpisa ng taon =__=
Niyaya ko si kuya Luis bumili ng school supplies. O! Clyde Luis Angeles. My oh so kind and handsome kuya.
“Aray!” nag-aayos ako ng buhok sa salamin ng may bumato ng unan sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
She's a Boyish Freak
Ficção AdolescenteBoyish and Boastful in one. What do you think?