15- He's acting so weird

105 3 0
                                    

[NARRATION]

“Albus Severus Potter. Kyaaaaaa ang cuuuuteee ng anak ni Harry Potter Roxanne oh!”

Obviously, nanonood ang dalawang babaita ngayon. Actually si Iza lang, kararating lang kasi ni Roxanne galing school dahil hindi sila sabay umuwi ng kaibigan nito.

“Anu ba ilang beses ko na napanood yan. Ako pa mapag iwanan ng Harry Potter series?”

“Whatever you say. Ikaw muna magluto ngayon oh! Please?”

“Elizabeth please, I’m beat.”

“Ano nga palang nangyari sa practice mo?” tanong ng kaibigan kay Roxanne.

Humilata muna si Roxanne bago sumagot. “ayun.. mejo hindi maganda.. nabadtrip lang ako.”

Yep tama yan. Mejo badtrip nga ang drama ni Roxanne ngayon. Kung bakit? Eto.

**FLASHBACK.

 

Akala ni Roxanne ay makakapag practice siya ng maayos para sa tryout bukas. Hindi siya ganong kagaling pero marunong siya.

“Ayan free throw na nga lang sablay pa. Hoy hindi volleyball ‘tong pinapractice mo okay? Para kang nagto-toss lang ng bola!” parang coach si Lexus kung kumilos. He’s taking the practice seriously.

“Sorry ha! Nakakahiya naman sayo. Ikaw nga dito! Demo!”

Pumunta naman si Lex sa may free throw zone para i-demo (or magmayabang lang) kay Roxanne.

“Ganito kase! *shoot* Oh tamo! Elibs? Haha. Try again!” Naiinis ang dalaga sa kayabangan ng stupidong lalaki na feeling trainor sa harap niya.

Nagtry ng nagtry si Roxanne pero konti lang ang shumushoot,nlamang na lamang ang sablay. Kaya naisipan niyang hamunin nalang ang lalaki.

“Okay ganito. Kada isang shoot ko, (tutal gigil na ko sayong leche ka) isang hampas sayo. Okay?”

“Vice versa?” paninigurado ng lalaki.

“Naman. So ano?”  napaisip naman si Lexus doon. Pero hindi naman niya kayang manakit physically ng babae kung ganon.

“Hmm. Hindi ganito nalang, kada sablay mo,tatakbuhin mo paikot  ang buong gym! Ok deal!” -lex

“Hindi hindi! Bias. Kada sablay ko, okay fine iikutin ko buong gym. Pero kada shoot ko, ikaw ang iikot sa gym. Ano?” tanong ni Roxanne.

“Fine with me. As if namang makashoot ka jan. Haha. Good luck miss.” Nag smirk pa ang lalaki.

Eto ang hindi alam ni Lexus. Nagbabago si Roxanne kapag may hamunan. Pag may challenge.

Sinimulan nila ang katangahan nilang dalawa. Halata namang gusto lang nilang pahirapan ang isa’t isa.

Sa sampung tries ni Roxanne, 8 ang naishoot niya. Natakbo na niya ang dalawang sablay niya kaya naman masayang  masaya ang babaeng ‘to habang pinapanood sa pagtakbo ng walong beses si Lex.

She's a Boyish FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon