[Roxanne's]
The next day is kinda busy. Umaga palang eh pinatawag na kasi sa meeting ang mga homeroom officers para daw sa school officers election. Kung tutuusin wala akong pakialam don eh, kaya lang since president, eh kailangan kong pumunta.
Pinag usapan yung mga partylist na lalaban this year. Nanahimik lang ako dahil ayoko naman talaga. Yung mga co-officers ko ng room ganun din. Napagkaisahan naming na wag ng makialam, eh kaso di ko alam kung anung drama ng isang teacher na to at kailangan daw may representative each section.
“President ikaw nalang..” sabi nung isa kong classmate. Umiling ako kase ayoko talaga.
Nagturuan sila kung sino ang mapapasama. Si Natalie naman nagpresinta. Eh di sya na. Buti yun wala kaming problema. Tapos may mga partylist din na humugot sa section namin. Nakuha nila si Lex at Raisen both candidate for escort. So it means magkalaban sila.
The rest of the day was wasted because of that stupid campaign of the school officer for this year. Yun lang talaga the whole day para daw matapos na and then election na sa Monday.
After class hours, nagligpit ako ng gamit at nagready pauwi. Si Iza naman pinatawag ulit saglit sa faculty, kaya eto ako, aantayin ang butihin kong bestfriend.
Uuwi kami sa dorm namin ngayon. Yep, nakalipat na ulit kami ni Iza dun.
“Pst.” Lumingon ako, wala naman.
“Pst!” lingon, wala ulit. Okay tuloy ang lakad. Papunta kong locker’s area ngayon.
“Pst.” Tumigil ako. Hmm.. I smell something.
“Labas na dyan.” Sabi ko ng di lumilingon. Alam ko naman eh, alam kong si Lexusmaryosep ‘to.
Lumabas siya mula sa kung anong tabing don.
“ang galing pano mo nalamang ako yon?” tinaasan ko siya ng kilay.
“He-he. Sabi ko nga halata namang ako yon eh.” Alam naman pala niya eh, tumalikod ako para dumeretcho sa locker ko.
“Huy teka!” pahabol niya
“Ano na naman?”
“iboto mo ko ha! Sa Monday! Gusto kong manalo.”
“Oh? Pag ba binoto kita may maasahan ba ko sayo?”
“Oo! Uh. Tuturuan kita magkotse! Oh diba.”
“Iboto kita o hindi, tuturuan mo ko, part ng deal yun diba?” napaisip naman siya..
“Uh.. magiging tahimik na ko sa klase. Iboto mo lang ako, ha? Ha?” sinisiko siko pa ko.
“Fine fine whatever.”
“Yes, may isang vote na ko. Aasahan ko yan ha. A promise is a promise.” Nagwink siya tapos umalis na. Yuck.
“FYI, hindi ko nag promise.” Sabi ko pa.
“Basta walang bawian!” kumakaway pa sya habang nakatalikod. K.
Maya maya dumating na rin si Iza. Nakasalubong ko siya.
“Oh tara na.” Sabi nya.
“Oo ang tagal mo eh.”
“Eh kasi sila ma’am ang daming ek ek... oh sup Raisen!” lumingon ako, nandito pala siya.
“Yo. Guys! Uy sa Monday ha. Vote niyo ko, lalo ka na Roxanne ha friends tayo di ba. Boto niyo ko ha. Sige pala una na ko.. bye.” Then umalis na siya.
Oww—keeeeey this is weird.
Sinong iboboto ko?
***
