Chapter 19

10.7K 154 12
                                    

Cried

“You’re going home?” he asked me the next morning.

Natigilan ako at nahihiyang tumango.

“Gusto kong makita si Mommy at Daddy,” tipid kong tugon.

Mula kagabi, nang ihatid niya ako, ito ang kauna-unahang pagkakataong titignan ko muli siya. He looks problematic. Like he’s thinking about something and he couldn’t get a hold of it.

Magkasalubong ang kaniyang kilay, ang kaniyang mga labi ay magkapinid sa isa’t-isa at ang mga mata ay seryosong-seryoso.

“Galit ka pa ba?” may kahinaang tanong niya.

I ghostly blink at that. I am not mad at him. Oo at hindi ko siya kinakausap pero hindi ibig sabihin noon ay galit ako. I was thinking about everything that unfolded last night. Sa dami ng pinag-iisipan ko, sa dami ng katanungan na nabubuo sa utak ko, wala ng puwang doon ang magalit sa kaniya. Pero siguro ay iyon ang naisip niya sa pananahimik ko at ‘di pagkibo sa kaniya mula kagabi.

“Hindi ako galit,” magaang pahayag ko at nagpakawala nang malalim na hininga.

His eyes squinted, his head tilted a bit like he’s contemplating what I said. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Siya ang sumuko sa ilang segundong ganoon kami at yumuko.

“Magpapaliwanag pa ako,” desidido man ang boses niya, dinig naman doon ang pag-aalinlangan.

Nang salubungin niya ulit ang aking tingin, nababahiran na ng pagsusumamo ang mga mata niya.

“Pwede bang… magpaliwanag muna ako?”

I don’t know if I am hearing it right but he seems to be begging with that when he…shouldn’t.

Tipid akong tumango.

“Kumain ka na ba?” mahinang usal ko, sapat lang para marinig niya.

Nag-umpisa na akong tunguhin ang sofa at umupo roon na siya namang sinundan niyang gawin. He sat in front of me. Kitang-kita ko ang paglapat ng dalawang siko niya sa kaniyang hita, hindi tulad kong tuwid na nakaupo, siya ay nakatunghay sa akin at ang lahat ng atensyon ay wala akong kaagaw.

“Hinihintay kita,” simpleng tugon niya.

My heart beat erupted just with that simple words. Paanong nagagawa niyang sabihin iyon sa magaan na paraan at dumating naman sa akin nang kakaiba ang enerhiya ng salita niya? Na para bang…kaya noong yanigin ang katahimikan ko?

I bit my lower lip and nodded at what he said.

“S-sa bahay na sana ako kakain,” sambit ko, hindi naiwang manginig ang boses.

I heard his sigh.

“I was young back then…” pag-uumpisa niya.

Mataman na nakatingin ako sa kaniya. Kababakasan lamang ng kaseryosohan ang sarili.

“Wala akong magawa. The person I trusted was so in love that she sold me in order to have the man she loves. Naiwan akong walang kakayahang tanggihan ang ipinatong sa aking obligasyon. Sa grupong sapilitan akong isinali, doon nila ako ginamit para mapalapit sa gobyerno. Ako ang token nila para hindi sila galawin. And because my young mind believe that government are trustworthy and right, I abide to their words. May pera na ako, may proteksyon, malapit pa sa mga taong nagpapatupad ng batas.”

Every word he’s uttering has its emphasis. He’s almost gritting his teeth, his eyes glimmering in evilness and his face are controlled by the arising anger he must be feeling right now while remembering that part of his life.

Del Rico Progeny #2: Crashing Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon