TawagPinunasan ko ang pawis na halos tumulo na sa aking sintido. Mainit dito sa La Suerte. Hindi pa ako nakapagdala ng payong. Asael is behind me, sometimes talking to a different household.
Oo. Kilala ang ina ko rito sa La Suerte. But a lot of them has one phrases they keep on repeating.
“Si Hanieleth, matapos noon makakuha ng maraming manliligaw, bigla na lamang nawala. Hindi na namin nakita.”
“Ah, si Hanieleth? Matalino at magandang bata. Pero sa pagkakaalam ko dahil sa kahihiyan umalis iyon, e. May sabi sabi na nabuntis ito at kunwari lang ay nawala.”
“Sa pagkakaalam ko, nawala na parang bula ang batang iyon. Hindi rin naman nababalita kaya sa mga sabi sabi, naniwala na lang kami.”
My mother vanished into thin air and none of the people in her town ever heard of her after. Posible kaya na…ang tunay kong ina ay umalis sa La Suerte at nakisama sa tunay kong ama o…binenta rin siya ng kaibigan niya?
My head is aching because while I’m talking to a lot of people, I am also concluding. Kaya halos pumintig na iyon. Dahil atat na rin akong makapagtanong, ang nabiling pagkain kanina ay hindi ko na kinain kahit anong pilit ni Asael.
I also don’t think he’d like to talk to me because of that. I didn’t know he cared enough to give me a silent treatment just because I didn’t eat. Ang dami kong iniisip, pero pati ang pakikitungo niya at pananahimik, dumadagdag pa.
“Kumain kaya muna tayo?” tanong ko nang balingan siya.
He looked at me closely enough to tell me this is what he’s been telling me earlier.
“Tara na. May alam akong kainan dito,” aniya at masungit na nauna sa paglalakad.
Lumabi ako, ‘di nagsalita at sumunod na lamang. Siguro mamaya na namin kakainin ang jollibee. Masyadong malayo ang pinag-park-an ng kotse at mahihirapan kami kung babalikan pa iyon.
Ilang minuto lamang ang nilakad namin bago namin narating ang sinasabi niya. Mukhang maliit na restaurant iyon pero hindi naman carinderia.
“Good morning po!” bati ng naroon sa cashier na babae.
Nakita kong nanlaki ang mata niya kasama ng dalawa pang babaeng kararating. I grimaced. I guess, I’m right. Some people here knows Asael. Lalo na ang mga kababaehan na kaedaran lang namin.
Kumaripas ng lakad ang babae papunta sa gawi namin.
“Dito po, Sir.” Tinuro niya ang bakanteng lamesa sa medyo gilid at malapit sa counter kung nasaan sila ng mga kasama niya kanina.
I know why she chose that. Mas makikita nila si Asael. Well, I’ve encountered such kind of scene before. Sa dami ko ba namang pinsan? Maybe this is the same as that, huh? Nasisiguro ko naman na…pinsan ko si Asael.
“Salamat,” he told the woman and faced me.
“Dito ka na,” aniya at tinuro ang paharap sa cashier.
Nakita kong hilaw ang ngiti noong cashier sa akin pero hindi ko iyon pinansin at sumunod sa sinabi ni Asael. Baka mamaya ay maging masungit ulit siya.
He took the menu from the woman. She smiled sweetly at him, he smiled at her too. I rolled my eyes. Magngitian na lang kaya sila? Kakain ba kami?
I shut my eyes and stopped myself from speaking. Pinanood ko na lang si Asael na umupo pagkatapos kong kalmahin ang sarili. Maybe I’m just really hungry that’s why I get annoyed with simple things.
“Pumili ka na,” ani Asael at iniabot sa akin ang menu.
Kinuha ko na iyon para maka-order at makakain na ako.
BINABASA MO ANG
Del Rico Progeny #2: Crashing Into You
RomansHope Del Rico had pledged to earn her adoptive parents' pride and avoid any actions that might make them second-guess adopting her. However, when she discovered a note claiming to be from her biological father, it set off a chain of events that coul...