Chapter 33

7.2K 125 17
                                    

Crashing Into You
Chapter 33
Care

Tanya left, just like what she planned to. Kinausap ko pa siya para lang talagang malaman na hindi niya ako kailangan dahil posibleng nahihiya lang siya kay Mom at Dad. But then she really insisted she can do it herself kaya naiwan talaga kami rito.

Two days, kasama namin si Rina at siyang pilit nakikipaglapit sa akin lalo at wala rin naman si Asael dito. Siya na ang namamahala sa kompanya namin kaya naman pumayag si Rina na dito muna. Isa pa, malapit na siyang manganak at si Mommy mismo ang may gusto na mabantayan ito.

She’s a good person. Not just because it is my judgment but because she really is. Sa pag-aasikaso niya sa mga anak ko na kahit minsan ay hindi ko naman ipinakiusap sa kaniya, sa pagtulong niya sa akin sa ibang mga bagay at pagsusumikap niya na maging maganda ang araw naming tatlo na naiiwan dito kasama ang mga anak ko, kitang-kita at higit na napatunayan ko iyon.

Rina is once a homeless, just like what she said so. Hanggang sa magkaroon siya ng isang kakilalang batang lalaki na naging kaibigan niya at nagkaroon ng boyfriend. Maaga siyang namulat sa mundo, iyon ang sinabi niya. Kinailangan niyang maging matalino at madiskarte para mabuhay kahit pa ang ibig sabihin noon ay mabuhay sa pinakanakasusulasok na industriya na meron ang mundo.

She said she’s happy that Asael still accepted her despite that. Despite the fact that he has a rich family that he now found, hindi raw binitawan si Rina. Somehow, it gains envy from me. Kung ganoon, mahal na mahal nga siya ni Asael. Dahil…tinanggap siya sa kabila ng lahat.

“Ang swerte ko sa kaniya kaya naman hindi ko siya pakakawalan, Hope,” ang sabi ni Rina habang may nangingintab na mga mata.

Panlalamig ang dulot ng kaniyang mga salita sa akin. Na tila ba nagdedeklara na kahit magkaroon man ng gyera sa pagitan niya at kahit nino, siya pa rin ang mananalo.

They’re married. Of course, she will win. They have a child. Of course, even without a fight, she will win. Kahit pa sumabog ang katotohanan sa likod ng pagkatao ng aking mga anak, walang mangyayari. Mas makabubuting manatiling lihim iyon dahil…kung ngayon ay may puwang pa sila sa pamilya, paano na lamang kapag nalaman nilang si Asael ang ama? Baka…maging sampid sila.

Hindi ko kailanman naranasan ang maramdaman sa pamilya ko na ako ay iba. Kaya hindi rin ako papayag na maramdaman nila iyon.

“You’re lucky,” I told her.

She smiled happily.

“And I hope you too, Hope,” she uttered meaningfully.

My eyes squinted at that. Nailing siya.

“Kapag nabigyan ka ng pagkakataon na magmahal muli o ‘di kaya naman ay bumalik sa iyo ang isang taong mahal mo, huwag mo nang palayain. Keep them. Hangga’t maaari, angkinin mo.”

Mababang halakhak ang inani ng kaniyang sinabi mula sa akin. Hanggang sa naging mapait iyon.

“Hindi na pwede. Bukod sa…wala na siya ay…malabong mangyari iyon. Kung buhay man siya…” I smiled with pain lacing that. “Baka kasal na siya.”

She sighed when she heard me. Pinakatitigan ko siya at nagulat ako na ganoon din ang ginawa niya.

“Then that’s probably miserable. Hindi ko kakayanin na makita ang asawa ko na may mahal na iba o pagmamay-ari ng iba,” aniya.

I licked my lower lip. Rina loves Asael, right?

“Kung ikaw ba…at kasal na siya, anong gagawin mo?” humina ang huling tanong ko.

Nangunot ang kaniyang noo at nanatili ang nagtatakang tingin sa akin bago nangiti.

“Wala,” mabilis niyang sagot. “I’ll move on. Magpapakalayo-layo ako para hindi iyon makita. Ang sabi nila, makakalimot ka naman kung gugustuhin mo.”

Del Rico Progeny #2: Crashing Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon