Chapter 30

29.3K 263 157
                                    

Wife

“Ano ba kasing nangyari?” si Tanya na paos ang boses.

Bumuntong-hininga ako. She’s bringing that back again. Ilang beses na nga ba siyang nagtanong tungkol sa gabing iyon? Ang sagot ko lang palagi ay dahil nga sa pag-iyak ko kay Daddy.

Tanya believed at first pero hindi ko alam kung bakit nakati-katian niyang panoorin ang CCTV footage at nakita ang pag-uusap namin ni Asael doon. Simula noon, no matter how much I tried to divert the topic, pakakawalan niya pero ito, ibabalik niya ulit kapag naalala.

“Nothing. Nagpaalam nga lang,” nakangusong sambit ko.

“Nagpaalam? Pero nahimatay ka sa kaiiyak mo? Really?”

“He comforts me,” sabi ko. “It meant a lot to me.”

“Nah,” she shook her head, telling me my reason is not a good way to make her believe that.

I sighed and rolled my eyes.

“Ano ba kasing gusto mong marinig?”

“The truth,” aniya. “You seems like you’re calling him when he turned his back tapos nawalan ka ng malay sa labis na pag-iyak. Comfort ba iyon? Iniwan ka?”

Tanya was always the straightforward between the two of us. Wala yatang trungko ang bibig niya at sasabihin ano man ang naisin nito. Pwede bang hindi niya na ipagduldulan iyon? I was trying to run away from that memory. Hangga’t maaari, ayaw kong maalala na nakita at nakausap ko na si Asael because it still hurt.

“Ano nga? Sinabihan ka ba niya nang masasakit na salita?”

Tinitigan ko siya nang matalim. She did the exact same thing.

“Sabihin mo. Aba’y walang gwapo-gwapo sa akin, ‘no. Tapos siya sa akin kapag ganoon,” aniya.

“Hindi nga!”

I won’t tell her the truth. Prangka na nga siya, nakapag-develope pa ng katangian na hindi papayag hindi masabi ano man ang gusto niya sabihin. Hindi ako magtataka kung tatawag si Mommy sa akin at sasabihin na naroon si Tanya, nagtutungayaw kay Asael.

“Alam mo? Kaya ka ganiyan kasi hindi mo man lang magawang palayain iyang sarili mo sa nakaraan niyo.”

“Hindi ganoon kadali iyon, Tanya. Lalo na at may anak kami,” seryosong saad ko.

“Hah!” she scoffed at me. “Ano naman? Pasalamat ka nga may anak ka na, e! Sa kanila ka tumuon at alisin na si Asael sa isip mo.”

“But that isn’t easy. I already told myself that I would only love Asael.”

“Iyan!” gigil niya akong tinuro. “Tamang katangahan iyan.”

I looked away and started organizing my thoughts.

“Dapat nga naghahanap ka ng iba, e. Kung ganiyan iisipin mo, aba’y para ka na ring nagpakamatay. Binaon mo ang sarili mo sa lugmok na tanga ka. If Dad is here, ay naku…”

Tanya stood up and walked by and forth, as if she’s the only one stressed here.

“If you didn’t open this topic, you wouldn’t be this bothered,” I told her.

“Anong hindi? Hoy! Ilang decline ka na sa adoptive parents mo, ‘di ba?! Mag-iisang buwan ka na ritong gaga ka. Wala ka naman kamong balak na umuwi na sa ibang bansa.”

“I enrolled the kids,” pagbabago ko sa usapan.

“I know. Kasama mo ako kahapon!” she seethed.

Kumamot ako sa noo.

“Tanya, changed topic please,” pakiusap ko.

Umupo ulit siya at talagang ipinakikita sa akin ang gigil niya.

Del Rico Progeny #2: Crashing Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon