Akin
I promised myself that I'm going to tell Asael about it. Pero nakalipas na ang tatlong araw na puro ako trabaho at kung magkikita kami, hindi magawang bumuka ng bibig ko para ungkatin ang tungkol doon. Lalo na kapag ang usapang nabuksan niya ay tungkol lamang sa paglalambing na ayaw kong bigyang katapusan.
Nang makauwi ako sa Tierra Marea, pakiramdam ko ay palagi akong pagod sa araw-araw. Posibleng sa mga isipin iyon na dahilan kung bakit sabik na sabik na ako sa pagsapit ng Linggo para makauwi na ulit sa Manila. Lalo pa nang sabihin ni Asael na muli, dalawang araw siyang mawawala para tapusin ang trabaho na ipinagagawa ni Don Rivero.
We're both busy. I can't tell him the truth because we're both busy. But sometimes, I caught myself laughing without humor while thinking that I am only gaslighting myself. Hindi ko lang talaga masabi kay Asael dahil takot ako sa kahihinatnan.
Kaya naman kapag kasama ko siya, sumasalit ang guilt sa akin. I feel like I am hiding something illegal from him.
That made me sigh.
"That's a deep one, huh?" Someone's voice emerged from the door.
Binalingan ko iyon kahit alam ko na kung sino ang may-ari ng medyo maarteng boses.
"What? I'm your ate. You're not supposed to look at me like I'm some hindrance," giit niya.
"I'm not looking at you that way," I hissed at her.
Iba naman ang iniisip ko at hindi tungkol sa kaniya. Tanya strided inside the house as if it's also her home.
"Galing ako sa business meeting diyan sa resort. Mag-i-invest si Dad," aniya at umupo sa harapan ko.
Indeed, she's wearing business attire but the side of his lips that is almost pinkish told me something happened, lower than that business meeting.
"Bakit dito ka pa dumeretso?" I asked. "Mukhang pagod ka."
Umirap siya.
"Siyempre! Hindi pa ako nakakaalis binibilinan na ako ni Dad na kamustahin ka!" she spat that like she's hear only because she was asked to.
Bumuntong-hininga ako.
"Gusto mo bang kumain?"
"Nasaan ang boyfriend mo?"
I grimaced at that. Iba ang tanong ko, iba ang sagot niya.
"Inutusan ni Don Rivero," tugon ko.
Nalukot ang mukha niya.
"Don? Tatay mo iyon! Ayaw mo ba makita ang DNA test result ninyong dalawa?"
Her question brought me a memory. Ilang DNA test pa ba ang titignan ko? Puro pandudurog lang sa puso ko ang nagagawa noon.
"Hoy! Ayaw mo? Parang ano ka naman! Hindi ka naman inabandona ni Dad, e. Ang nanay mo ang naglayo sa iyo," wika niya.
I glared at her.
"Wala akong sinabi, Tanya-"
"Ate mo ako!" giit niya.
"Then fine! But wala akong sinisisi, okay? Gusto ko lang makapag-isip muna."
Napalakas ang boses ko para lang maipaintindi sa kaniya iyon.
"Kailan ka pa magkakaroon ng oras, Hope? Hinahanap mo ang tunay mong ama at ngayong nariyan na ayaw mo naman makita?"
What she said caught me off guard. I couldn't talk back. She's right. Hinahanap ko nga naman ang tunay kong ama. The reason why I'm here is because I wanted to know him. Speak to him and ask him things. To have a bond with him even though at first, I thought my father is a pusher. Pero ngayong narito nga naman si Don Rivero, inaangkin akong anak at may ipapakita ng pruweba sa akin, ayaw ko pang harapin.
Tanya smirked.
"Napaisip ka, right?"
She is grinning ear to ear.
"Bakit ayaw mo pang kausapin siya, Hope? It's not like he'll trap you to accepting his name if you acknowledge him as your father. Alam ni Dad ang hangganan niya. You think he'll ask you to live with him? Ako nga hindi niya mapilit," paliwanag niya.
My lips went thin line.
"I'm sorry," I uttered slowly.
She pouted.
"Hindi tayo magkamukha kaya wala namang mag-aakala. If you don't want the whole town to know that you're a Rivero, walang mamimilit. We can all be casual, you know. Walang kumplikado sa pamilya namin, Hope. Even my mother was never like that kind. Kaswal lang sa amin," dagdag niya.
Tumango ako roon at humugot nang malalim na hininga.
"Uh... I can cancel my work today," I told her. "S-sasamahan mo ako?"
Her face crumpled with my question.
"Bakit? Mukha ka bang kakatayin ni Dad?" sarkastikong tanong iyon.
Naningkit ang mga mata ko na halos wala na akong makita.
"Fine!" she spat. "Sa halip na may date ako, e..." bulong niya.
Napangiti ako roon. Tumayo ako.
"Magbibihis lang ako," paalam ko.
"Okay. I'll ask someone to pick us."
Hindi na ako sumagot doon at nagdiretso sa kwarto para magbihis ng simpleng kasuotan. I fished out my phone to message Asael.
Ako:
I will visit Don Rivero now. I hope you're doing well.
I sent another one because my text looks incomplete.
I miss you.
I stared at my message and pouted. Isinilid ko na ang cellphone sa loob ng bag at lumabas ng silid.
Tanya didn't waste time. She keeps on blabbering how tired she is but she's still here. Mabuti na lamang at nagawa kong makatulog sa byahe kaya hindi ko na narinig pa ang ilang reklamo niya.
When we arrived, she looks indeed tired. At sa bukana pa lamang ng gate, may tumatakbo na kaagad na kasambahay para kunin ang bag niya.
"Senyorita, juice po ba? Ihahanda na po ba namin ang paliguan?"
Marami pang tanong iyon na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi. Matutulog muna ako. Antok at pagod ako," kaswal na tugon ni Tanya.
Tumango ang kasambahay.
"O sige po. Iiwan na lamang po namin ito sa private lounge?" anito, pinatutukuyan ang bag.
Tumango si Tanya, nauunang maglakad sa akin.
"Ang bisita niyo po? Saan po siya?"
Nilingon nila akong dalawa. Tanya scoffed.
"Anong bisita? Senyorita niyo rin iyan," anito.
Nanlaki ang mata ko at umiling sa kasambahay na gulat din sa narinig.
"Hindi!" I shook my head. "Hindi po. Hope lang... na lang ang itawag sa akin," pagtatama ko.
"Kabastusan ang magiging kalalabasan noon, Hope," sita ni Tanya.
The maid smiled at me.
"Ayos lamang po at sanay po kami, Senyorita," anito.
That term irks me. Hindi naman kami ganiyan sa bahay. The maid are somehow older than me so they call me "anak" o "bunso". Minsan lang ang Ma'am. Tapos dito ganiyan?
May isang tauhan na lumabas mula sa isang silid. Kami agad ang natanawan nito nang makapasok kami sa malawak na tanggapan.
"Kanina pa ho naghihintay si Don Rivero," sambit ng tauhan kay Tanya.
"Sinabi mong darating na ang anak niya?"
The man shook his head.
"Sinabi ko lang po na may gusto kayong pag-usapan."
That made Tanya look at me.
"Surprise him," she said and turned her back on me.
Naiwan ako sa dalawa. The man gestured for me to enter the door. Wala akong nagawa at sumunod.
"That's good, Romel. Mas mapapalawak natin ang plantasyon kung ibebenta na nga nila Valdez ang lupang iyon."
That's what I heard when I finally entered the room. Akala ko ay pribado ito ngunit pumasok lang ako sa pinto para lumabas ulit dahil ngayon, nasa elevated area ako na tila lanai at may pool pa sa harap. But I'm pretty sure, this is an elevated place dahil tanaw sa baba ang malawak na lupain.
This is a new sight to me. Siyempre, sanay ako sa may Manila at makakita man ako ng ganito, naglalakihang building ang sasalubong sa akin. Pero dito, maganda at maaliwalas na tanawin. Preskong hangin at malilim.
"Don Rivero, narito na po ang anak niyo," ani tauhan niyang sumama sa akin.
Don Rivero is sitting in a couch so I can only see his back. He's obviously talking to someone, a man who looks handsome...but not formal. Suot nito ay damit na katulad ng sa mga magsasakang nadaanan namin kanina sa bukid.
"Anak niyo, Ninong?" bakas ang pagtataka sa boses ng lalaki.
That's when Don Rivero tilted his head to look my way. His eyes grew big in surprise to see me and not Tanya. Napatayo siya.
"Hope! Hija!" he exclaimed, the first word sounding shocked and the next one was glad.
Nilakad niya ang patungo sa akin.
"I'm glad you visited me, hija!"
Bakas ang galak sa boses niya. He pulled me for a hug. Somehow, his action warmed me up.
"I'm happy, hija. I'm glad you're here now," bulong niya, kaboses ang amang matagal nang nanabik sa anak.
The corner of my eyes watered and before I could contain my emotions, my tears welled up.
Akala ko ay ako lang pero naririnig ko ang pagsinghot ni Don Rivero at nang kumalas ay mabilis binigyang atensyon ang kaniyang mga matang nagluluha.
"Salamat!" he spoke. "Salamat at pinagbigyan mo ako."
I nodded at that, I brushed off my tears with my handkerchief.
"Sorry po at... uh... natagalan," nahihiyang sambit ko.
He chuckled at that.
"Walang problema. Uunawain kita."
Because we're talking like that, the man named Romel excused himself.
"Babalik na lamang ho ako, Ninong, kapag may balita na ho."
The man's gaze at me with curiosity in his eyes before he left. I didn't bother wondering about that.
Pinaupo ako ni Don Rivero sa sofa at pinaalis ang kaniyang mga tauhan upang hindi ako makaramdam ng discomfort. He talked like I am someone he's doing business with so I wouldn't feel embarrassed with the fact that he's my biological father.
Nagkuwento siya sa akin.
"Your mother was closed with my wife. They get along well. Pero may pangalan pa rin ang pamilya namin at sa tingin ko, mas ginusto ng iyong ina ng normal na buhay kaya bumitaw siya sa kung anong mayroon kami."
"Bakit hindi niyo na lang ho hiniwalayan ang asawa ninyo kung pareho kayong hindi mahal ang isa't-isa."
He smirked.
"That's not easy, hija. Olivia is a woman who accepted me for who I am. I accepted her and no matter how unkind our situation is, she didn't throw a fit about that. Hindi siya nagbago. Walang kahit sinong babae ang kinagalitan noon at ganoon ako sa kaniya. Paano kami bibitaw sa isang bagay na alam naming maganda? We're like bestfriends who decided to live together."
Hindi ko maunawaan iyon.
"At nang mawala siya, nasaktan pa rin ako. Ang mawalan ng isang kaibigan na nakakaunawa sa akin nang lubos kahit hindi pa ako nagpapaliwanag. Isang kaibigan na hindi ako kailanman hinusgahan."
Tinignan niya ako at kumibit ang balikat.
"Alam ni Hanieleth na kahit magkaanak kami, hindi siya magkakaroon ng problema dahil tanggap ni Olivia iyon. Pero wala akong alam kung alin ang natulak sa iyong ina na umalis a puder ko," aniya.
"Baka po nagising siya at naisip na kahit gaano kabait ang asawa ninyo, at gaano man nito katanggap ang sitwasyon, mali pa rin sa mata ng Diyos," sagot ko.
He smirked at that and slowly, he nodded.
"Maybe. At wala akong karapatang husgahan iyon o isiping maling hakbang iyon. But only if she gave you to me, alam niyang maganda rin ang magiging buhay mo."
Hindi ako makapagkomento roon dahil alam ko sa aking sarili na sa susunod na buhay, gusto ko pa rin si Dad at Mom ang magpapalaki sa akin.
Nagpatuloy siya sa pagkukuwento hanggang sa mapagod. Nanatili naman akong nakikinig.
"Kumain na muna tayo, hija. Si Tanya ay mamaya pa magigising."
Sumunod ako sa kaniya.
This house is big. Much bigger than our house. Ayaw ni Mommy ng may itaas pero dito, kahit dalawa lang silang pamilya, mayroon pa ring itaas. The whole dining area is also big and it has two dining table which is long and can house too many guest.
We ate there but to my surprise, kasama rin namin ang mga tauhan nila at kasambahay. Don Rivero apologized as he is used to having his people eat with him because of his wife. Ayos lamang naman sa akin iyon pero hindi ko inakala na ganito rin sila.
Sumapit ang dapit-hapon, saka lamang ako pinakawalan ni Don Rivero at pinasamahan sa isang kasambahay sa isang silid. I don't want to drive because I feel so tired and so I agreed to Don Rivero's idea to stay here for the night.
Sa hapunan, kasabay na namin si Tanya. Talagang bitchesa ito at miski si Don Rivero ay hindi nakaliligtas doon. But I can say that I'm getting used to it.
"Uuwi si Asael, 'di ba?" tanong niya sa ama.
"Oo. Tapos na ang pinagagawa ko," si Don Rivero.
Tanya looked at me.
"Nasabi mong narito ka?"
I nodded. She grinned.
"Baka dito matutulog iyon, Dad!" tukso ni Tanya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Natawa si Don Rivero.
"Wala namang problema sa akin iyon, Hope. You're old enough to decide for yourself," anito na ikinangit ko.
Si Tanya ay umismid.
"Pero kung eighteen ka lang, hanggang five lang ang curfew mo!"
Don Rivero laughed.
"Dahil pinag-iingatan ko ikaw noon, Tanya. Ngayon na alam niyo na ang tama at mali, gabay lang ang maibibigay ko sa inyo," wika niya.
Our dinner ended and we planned to drink wine until ten. Tatlo kami sa pool area.
"I'm glad that I have two daughters."
"You said you want a son," giit ni Tanya.
"Of course, every man does. But I'm already happy that I still have a child."
"Dahil akala mo baog ka," diretsong wika ni Tanya.
I grimaced at how straightforward she is.
"Ikaw, Hope? May kapatid ka?"
"Wala..." usal ko kahit na sinimulan na naman ng tanong na iyon ang isipin ko.
"It's so sad, right? Walang kausap sa bahay kapag wala ang magulang mo."
"May biological son ang adoptive parents ko at namatay siya kaya... inampon ako," nanghihinang sambit ko.
"Really? Then si Asael? Kaninong anak sa tingin mo si Asael? I did my research and there are triplets in your family. Doon ba sa Tyron?"
I bit my lower lip when she asked that.
"Iyon din ang naisip ko," ani Don Rivero. "Mas nakikita ko ang aura ni Asael kay Tyron Del Rico."
Hindi ako nakasagot. That's what I thought too, before I had a sight of the DNA results.
"Bakit hindi mo subukang dalhin si Asael sa pamilya mo?" si Tanya, mas seryoso ngayon.
I collected my thoughts so I could answer correctly.
"Kapag sigurado na..."
"Huh? But when will you tell him? I mean, masisiguro lang kung dadalhin mo siya at ipakikilala sa mga Del Rico. Makukumpirma kung anak nga siya ng isa sa triplets o 'di kaya naman ay napaglihian lang."
That sounds so easy but it's not. Lalo at alam ko na ang totoo. Alam ko kung sino talaga. Pero kung gagawin ko iyon, anong mangyayari sa amin ni Asael?
My heart quenched at the thought that we need to end this relationship because we're basically siblings. Masasaktan si Mommy kapag nalaman niya na ang kapatid ko ay siyang boyfriend ko rin. Kahit pa hindi kami magkadugo, magkapatid ang magiging relasyon namin at hindi ganito.
I want Asael. I like him. I think...I love him. I wanted him beside me. I wanted his kisses and hugs and I don't think we can do that while we're seen as siblings. Kaya parang...ang sarap magdamot. Pero hindi ako pinalaking ganoon. Kung magiging ganid naman ako at makasarili, masasaktan din si Mommy dahil hindi ganoon ang pagpapalaki niya sa akin.
Tumulo ang luha sa mga mata ko na ipinagpapasalamat kong hindi nila kita.
"S-susubukan kong sabihin sa kaniya..." nanginginig ang boses na sambit ko.
I heard Tanya's chuckles.
"Pero baka maging magpinsan kayo, 'no? Baka itakwil ka ng pamilya kapag nalaman nila na naging boyfriend mo si Asael," she said with amusement.
"Then she have us," pagsingit ni Don Rivero. "You can always come to us, Hope. Anak kita. Dito, tatanggapin kita ng buo."
I don't know why but what he said wreck my heart. Kahit may tatanggap sa akin, hindi magiging madali sa akin ang mamuhay na bitbit ang katotohanang galit ang pamilya ko sa akin.
Bakit ang hirap isipin na gusto ko si Asael pero gusto ko rin na manatili ang pagmamahal sa akin nila Mommy at Daddy? Na hindi ko kayang makipaghiwalay kay Asael at magpanggap na normal na kapatid siya at hindi ko rin kayang makitang disappointed ang mga magulang ko sa akin? Bakit ang hirap mamili ng dapat gawin?
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Sorry nang sorry si Tanya at si Don Rivero ay sinubukan akong aluin. Pero gayunpaman, mas ginusto kong mapag-isa kaya nagpaalam na ako at pumasok sa silid na inokupa ko.
I continued crying there until I heard the knock on my door. Tumama na sa akin ang iniinom na alak pero hindi sapat iyon para pahiluhin ako o makaramdam ng kakaiba sa katawan. Sa emosyon ko lang iyon umepekto. Kaya naman kahit na gusto kong tumigil sa pag-iyak ay hindi ko magawa.
I opened the door and witnessed Asael's worried face. His eyes convey his longing and worry.
"Anong nangyari?" malumanay na bato niya ng tanong sa akin.
Humakbang siya papasok kaya wala na akong nagawa at tinanggap siya sa silid ko kahit na ganito ang sitwasyon ko. I locked the door and watched him as he waited for me.
"Bakit ka umiiyak? Sinabi ni Tanya sa akin kaya narito ako," aniya.
I took a deep breath to calm myself so I could give him an answer.
Iginiya niya ako ulit sa kama.
"May nangyari ba?" pang-aamo niya sa akin.
Hindi ako makasagot. I cupped his face. This is the man who's supposed to live the good life with my adoptive parents. Pero ito siya, kagagaling sa trabahong mahirap para mabuhay. He experience the worst. He survive the worst kind of life he live. Sapat na iyon para mabigyan siya ng pagkakataon na makilala sila Mommy at Daddy, hindi ba? Sapat iyon para makuha niya ang buhay na kaniya naman talaga. Sapat iyon para mahalin siya.
Kahit mahirap, Asael. Kailangan kong gawin ang tama.
I tried to smile.
I love this man. I want him. But that's wrong.
"Nakilala ko na ang t-tunay kong ama, Asael..."
He nodded.
"That's good. Why are you crying?"
My jaw moved while juggling the words I needed to tell him. I gasped for air.
"Let's... break up," I managed to utter as I covered my tears with a smile.
Umalpas pa rin sa labi ko ang hikbi.
I watched as his eyes darkened in anger. His face became dangerous, accompanied by the subtle movement of his jaw.
"Bakit?" mala-kulog ang boses na tanong niya.
Pinahirana ko ang luha sa pisngi pero pinalitan din ng ilan pang bumabagsak sa aking mga mata.
"Kilala ko na ang mga m-magulang mo," hirap na sambit ko.
Umaalog ang aking balikat nang 'di makontrol ang sarili.
"K-kapatid... tayong dalawa ay magiging m-magkapatid..."
His eyes flickered because of my words. His lips played an open and close game, all because he couldn't grasp what I said.
Lalo akong humagulhol. Iyon ang gumising sa kaniya sa gulat.
"Tangina..." usal niya pero ang nais pa rin ang patahanin ako.
"Hindi... Asael. Hindi nila alam... hindi nila alam na mayroong i-isa pa..."
"Wala akong pakialam," marahas niyang sambit bago umupo sa tabi ko.
Sinapo niya ang aking pisngi, pinapahid ng kaniyang daliri ang mga luha ko.
"S-si Mommy... wala siyang alam. Si D-daddy..." I shook my head. "W-wala silang kasalanan."
"Stop crying then. Wala akong pakialam doon!" giit niya, puno ng pagtitimpi ang boses.
I pushed him from me. Tumayo ako pero sa kaniya pa rin nakaharap, galit ang aking mga mata dahil sa sinasabi niya. Anong wala siyang pakialam? He has a life. He is supposed to live a comfortable life! My heart is breaking for him and he's telling me he doesn't care?!
"No. You need to understand!" I insisted. "T-they didn't know there's you, El. They're o-oblivious of your existence."
"Edi mabuti!" he snapped that caught me off guard.
Lumapit siya sa akin, ang mga mata, sa pagkakataong ito ay kababakasan ng sakit at pagsusumamo.
"Mas mabuti iyon, 'di ba? Na hindi nila alam na merong Asael. Mas gusto ko iyon!" his voice cracked.
Mas lalo akong naiyak nang mahawakan niya na ako. He tried to kiss me but I couldn't answer to that. My mind is in haywire. Ang hirap tanggapin ng paglalambing niya na alam kong ginagamit niya para pagtakpan ang mga nasa isip ko.
I tried my best to pushed him away. Mas nabanaagan ko ang sakit sa kaniya dahil sa inakto ko.
"Baby, please," he begged.
"Anak ka nila! I-ikaw ang dapat nabuhay ng ayos. The DNA r-results are out. K-kambal ka ni Kuya..." I sobbed continuesly. "Kakambal ka n-ni Kuya Lucian..."
Sinubukan kong ipaintindi iyon pero tila nga balewala sa kaniya ang lumalabas sa bibig. Nangunguwestiyon pa rin ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin na animo'y ang aking mga salita ay hindi sapat para maunawaan niya ang sitwasyon namin.
"Bakit kailangan mong makipaghiwalay? Hindi ka ba masaya kung ganoon?"
I gritted my teeth.
"You're my brother..." I told him like he is supposed to understand that.
Kapatid! How could he not get my point here?
"Hindi naman tayo magkadugo," mahinang usal niya bago yumuko para kalmahin ang sarili.
God! What kind of reason is that! Kaya ba ganito siya kahit isinuwalat ko na ang totoo dahil wala siyang pakialam sa mararamdaman ng mga magulang namin? Dahil...hindi niya sila mahal?
"Hindi nga. Pero m-masasaktan si Mommy kapag nalaman niya na mayroong relasyon sa pagitan natin, Asael. Dahil magiging kapatid kita!"
Umiyak ako nang umiyak nang hindi na niya ako binigyan ng sagot. Nanatili siyang nakayuko, nag-iisip. Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa kaisipang...tinatanggap na niya iyon. That's what he is supposed to do but it shatters me.
Ngayon ko lang naranasan na alam ko ang tama at dapat mangyari pero hindi ko gustong mangyari. Dahil alam kong madudurog ako. Kakayanin ko ba kapag kapatid na lamang ako?
If we both accepted that we're supposed to be siblings, will we ever move on from this? Kaya ko ba na sa harap ng lahat, tatawagin ko siyang Kuya at magpapanggap na anf pagmamahal ko ay para lamang sa kapatid?
My body is trembling yet it trembled more when he arched his head to face me. His eyes are like storms, brewing and ready to commit crime that is unstopabble.
Isang hakbang at hinuli niya ako, ang labi ay mabilis na sumakop sa akin at pinatawan ako ng halik na mariin at nagpapahayag ng pag-angkin. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumbasan iyon kahit isinisigaw ng isip ko ay ang tigilan 'to.
I kissed him with the same hunger. I snaked my hands on his nape and even when I'm feeling the tightness in my chest, I didn't stop. I let him do that.
Kapwa kami hinihingal at humahabol sa hangin. My eyes are full of tears but my reflection his eyes is clear to me. The emotion on his eyes are sincerity and certainty.
"Hindi ko sila gustong makilala," usal niya na ikinabasag ng puso ko.
What does he mean? Anong hindi niya gustong makilala?
I don't understand. I don't want to understand it because it seems so wrong.
He hushed me. He brought my hand to his lips before he let it go so he could let his thumb graze my lips. I felt the chills on it, followed by his next words.
"Mas gusto kong hindi sila makilala basta ba akin ka," pagdedeklara niya bago muli akong halikan.
BINABASA MO ANG
Del Rico Progeny #2: Crashing Into You
RomanceHope Del Rico had pledged to earn her adoptive parents' pride and avoid any actions that might make them second-guess adopting her. However, when she discovered a note claiming to be from her biological father, it set off a chain of events that coul...