Choice
"Good morning!" bumungisngis si Mommy matapos sabihin iyon.
Ngumuso ako at medyo napangiti roon. I was having a sleeping problem last night thinking about them and Asael. I'm glad Mommy didn't bother to visit my cabin to wake me up. Tinawagan niya lamang ako.
"Ilang araw ka rito, 'nak?" tanong nito sa akin.
Daddy is busy fishing early in the morning. Gamit ang golf cart, tinungo ko ang parteng ilog kung saan may camping part para sa mga mahihilig sa ganoon. Parte pa rin ito ng resort, ang ilog ay nagdudugtong sa dagat at sa isang forest park na hanging bridge naman ang nagdudugtong.
"Kanina pa naroon ang Daddy mo. Hindi ko naman pinupuntahan dahil pakiramdam ko, gusto niyang mapag-isa," ani Mommy nang mapansin na nakatingin ako kay Dad.
"Why, Mom? May problema po ba sa kompanya?"
Umiling ito.
"I think it has something to do with a man who looks exactly like them."
Mommy sighed. I swallowed hard.
"Really, Mom?" I murmured. "Hindi po ba dati nakakita rin ako ng kamukha nila Kuya Tarian pero sabi niyo baka isa lang sa mga pinsan ko iyon?"
Mom paused in her activities, turning her attention towards me. She blinked, as if a sudden memory had crossed her mind.
"That... I remember that." Umupo si Mommy sa tapat ko. "Are you sure, anak? Na talagang hindi si Kuya Tarian mo iyon?"
Binasa ko ang labi ko at bumaling kay Daddy bago tumango.
"Then, he's probably your Tito's child. Kung sino man sa kanila," komento ni Mommy.
Despite expressing it without a hint of doubt on her face, I detected a quiver in her voice.
"But what if it's Daddy?" I questioned.
Mom cast me a fearful glance and vigorously shook her head, trying to refute my conclusion.
"Imposible."
"Paano pong imposible?"
My mother's face transforms, revealing a mix of fear and worry. The lines on her face deepen, etched by the impact of my question. Her eyes, once serene, now shimmer with the unsettling emotions stirred within.
"H-hindi..." she tried smiling at me. "Hindi, anak..."
I close my eyes; it's painful to witness my mother in this state. It's exactly what I pictured when I learned that Asael's dad is Daddy. I anticipated Mom's distress. Pero ganoon din naman kapag nalaman niyang anak niya rin si Asael, 'di ba? Baka hindi lang sakit kundi pati pagsisisi.
"P-paano po kung siya si Kuya Lucian?" panghuhuli ko kay Mommy.
She gasped, and tears welled up in her eyes. Mom clutched her chest, her face shaken with denial. I observed her swallow three times.
"No, anak. That would be impossible. Your Dad saw him..." hindi maituloy ni Mommy ang sasabihin.
Humugot ako nang malalim na hininga. Mommy shouldn't be stressed. Hindi pwede. Kahit gustong-gusto kong ipagpatuloy ang usapan na iyon, tinigil ko.
"Baka nga po anak nila Tito," pagbawi ko.
She blinked repeatedly and gave a nod.
"He may be. I'm sure," halos hangin na lamang na usal ni Mommy.
We attempted to shift the conversation, but I sense that Mom is still dwelling on it, even Daddy seems to noticed Mommy's sudden change of mood.
"Anong problema?" may pag-aalala sa boses ng aking ama.
"Nothing!" si Mommy na pilit pinagtatakpan ang gumugulo sa isip.
Nanatili akong tahimik dahil kahit papaano, nakaramdam ako ng guilt na binuhay ko pa ang katanungan na iyon sa isip ni Mommy.
"Tross, bakit hindi mo pinakita sa akin iyong larawan ng batang iyon?" Mommy asked all of a sudden, while we're in the middle of eating.
Dad stopped. Pareho kaming natingin sa kaniya. Tahimik ako pero ugali kong obserbahan ang isang tao. Dahil magulang ko sila at mula noon ay kakilala, alam ko na ang emosyong dumaan sa mga mata ni Dad ay guilt. Kahit pa napakabilis noong napalitan ng ibang emosyon.
"Hindi pa ako sigurado kung gawa-gawa lang iyon," ani Daddy. "He could possibly be someone who idolized Eros? Someone who wants us to get curious."
Hindi umimik si Mommy. Naging tahimik ang pagkain namin. Matapos namin kumain, ako na ang nagligpit dahil biglang nagsabi si Mommy na sumama ang kaniyang pakiramdam.
Naluluha ako habang iniisip ang pwedeng maging emosyon ng aking ina kapag nalaman niya ang totoo. Hindi kami sigurado kung kakayanin ni Mommy na masaktan, masiyahan at magsisisi nang sabay-sabay dahil hindi namin iyon ipinaramdam sa kaniya kahit kailan.
Bumalik ako sa cabin. Nadatnan ko si Asael na kumakain ng siguro ay pa-deliver lamang.
"What happened?" he inquired the moment he noticed my expression.
"I don't think Mom can accept the fact that you're her son," I informed him in a broken voice.
Nawalan ng buhay ang mga mata niya, bumaling sa pagkain at umigting ang panga. My eyes closed abruptly as I realized he might have misunderstood due to my choice of words.
"Wala akong pakialam."
Lumapit ako sa kaniya para linawin iyon.
"Mommy has had a heart problem before, Asael. Dapat... dapat bawal siya mabuntis at manganak pero pinili niya kayo kaya...kaya tinanggap niya na kayo ang mabubuhay siya, ang mawawala..." nabasag ang boses ko na ikinabaling niya ulit sa akin.
"Stop talking about that. Wala akong gustong mangyari kundi manatili kang akin," giit niya at pilit akong inaalo.
"Hindi. D-dapat alam mo kung ano ang hirap niya," pagpilit ko. "Si Mommy, na-coma matapos maoperahan matapos kayong maipanganak. Si Daddy, hati ang atensyon. Pero walang may alam na k-kambal kayo ni Kuya Lucian. Akala nila isa lang at... namatay si Kuya...matapos ang ilang araw. Nang gumising si Mommy h-hinahanap niya si Kuya pero wala. P-patay na. I-ikaw...wala silang alam sa iyo. Mommy almost lost herself-no. She really did. N-nawala siya sa sarili, laging may kausap na bata..."
Asael kept his gaze lowered, visibly struggling to contain his emotions as I spoke. Desperately, I cupped his cheeks, exerting every effort to compel him to look at me instead. When his eyes met mine, the façade of coldness almost fooled me, but beneath the surface, I could discern the burial of sorrow, anger, and confusion. Despite his attempts to appear strong and unaffected by my words, the pain seeped through the cracks.
He lived without a family. The first question of a child who saw a happy family is, why don't they have that? Hindi ako naniniwalang tinanggap na ni Asael iyon. Noon ay halos hindi rin ako maniwala na hindi siya nagalit sa kaniyang mga magulang. Ang kauna-unahang pwedeng pumasok sa isip niya ay patay na ito o 'di kaya naman ay pinabayaan siya.
He could've made himself strong but I know, this topic would destroy that facade. It will make a crack on his walls he tried building all throughout the years he's alone.
Walang madali sa lahat ng 'to.
"H-hindi ko pa rin siya gustong makilala," mariin at hirap niya wika niya.
"Asael..." I uttered his name with frustration. "They're good parents. They will love you. Mom will feel the pain of understanding the life you'll lead, regretting a good life, but she'll fight to be a mother to you. Dad will be shattered inside, wrestling with questions and confusion, yet he'll do everything to be a father to you-"
"And what? Magiging magkapatid tayo? Magpapanggap na hindi magkakilala? Ganoon ang gusto mo?" pagalit niyang putol sa akin.
Sumakit ang dibdib ko roon pero kahit anong tanggi ko, iyon naman talaga ang mangyayari. Iyon ang karapat-dapat mangyari.
"I love them."
A flicker of pain flashed in his eyes.
"Tama na 'to," aniya at sinubukan akong yakapin. "Akin ka pa rin. Hindi ako papayag sa iba pang option."
Wala akong nagawa dahil palagi niyang pinipiling iwasan ang usapang iyon. Sa buong maghapon, hindi ko na makita si Mommy at Daddy dahil nagmumukmok si Mommy. When dusk came, tumawag si Mommy sa akin pero nang sagutin ko ito, boses ni Daddy ang sumalubong sa akin.
"We're going home, Hope," ani Dad.
Napatayo ako sa gulat.
"Po? Agad? Bakit ho? May emergency ba, Dad?" I asked worriedly.
"Your mother wants to go home early. She wants you to come with us but I want you to have your own peace."
"But Dad, I can..."
I was stopped when Asael went out of the shower. Really? I'll leave Asael here? Ni hindi ko alam ang mangyayari matapos ang pananatili ko rito? Kung sa susunod ba, wala nang pag-asa na makasama ko siya.
"Ayos lang kami, Hope. And we just need to do something. Sasabihan kita kapag maayos na ang lahat," wika ni Daddy.
Namatay ang tawag nang hindi rumirehistro sa isip ko ang ibig nitong sabihin.
"Dad!"
"Bakit? May nangyari sa Mommy mo?" Asael hurriedly asked me.
Binalingan ko siya para sana sabihin na posibleng iimbestigahan na nila ang katauhan ni Asael pero mas nagulat ako sa takot na nababanaag ko sa kaniyang mga mata.
"Asael," usal ko sa pangalan niya.
His eyes went cold. Pinilit niyang itago ang emosyong kanina lang ay nasaksihan ko.
"Magbibihis lang ako bago ako lalabas," aniya at tumalikod.
Nagsalubong ang kilay ko.
"Mom and Dad left..."
Nilingon niya ako at nahinto siya, tila napaisip bago tumango.
"Sabay na tayong lumabas kung ganoon," ika niya.
Bumalik ako sa pagkakaupo. Pero nakaramdam ako na tila nahihirapan akong huminga at ang sikip ng cabin para sa akin.
"Lalabas lang ako," malakas na sambit ko para marinig niya.
Hindi na ako naghintay ng sagot. Para akong uhaw sa hangin nang maisara ang pinto. Nilalasap ko iyon.
"Hope?"
Kuryuso kong binalingan ang tumawag sa akin. There, merely a meter away from me, stands Tanya, grinning from ear to ear.
"How are you, baby sister?" sarkastikong tanong niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
Kumibit ang balikat niya.
"Akala ko kasi wala ka na at si Asael na lang ang nariyan. Mag-aalok sana ako ng company," sabay ngisi niya.
I know that is only a joke to her so I didn't mind it. Mas pinagtuunan ko pa ng pansin ang sinabi niyang isa. Inakala niyang wala ako rito at iniwan si Asael?
"Paano mo naman nasabing wala ako rito?" maanghang kong tanong.
She laughed evilly. Tumaas ang kamay niya na tila sumusuko.
"Oh my god! I was just joking, ano! Wala akong balak ahasin ang boyfriend mo. Naisip ko lang na baka nakipaghiwalay ka na at sinabi mo sa parents mo ang tungkol sa kaniya."
She walked towards me.
"Why would I do that?" I uttered breathlessly.
We both stood there, dumbfounded, for a minute.
"Huh? What do you mean? Hindi ba nasabi sa iyo ng parents mo?" naguguluhang tanong niya.
"What? Alin ang hindi nasabi?!" may gigil sa boses ko.
"Come on! Someone who knows your father used Asael as bait to talk to him. Going on about how someone here in Tierra Marea resembles your father when he was young, named Asael! You didn't know about that? Dad and I were in the middle of speaking to your parents, but he cut us off."
I hissed at her. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Ano pa ba ang malalaman ko sa araw na 'to? Si Mom at Dad biglaang dumalaw, biglaang umalis! Don Rivero talked to them and now...
"Daddy knows about Asael?" nahihintakutang tanong ko.
Tanya, seemingly oblivious to the turmoil this information caused me, smiled.
"Yeah, he's probably on his way to his investigator or something? Aren't you a family of wealthy people? Then expect that all the people here will meet someone who will ask them about Asae-"
"Tanya!" I shouted her name, and my emotions burst out.
How could she taunt me with that information?
Sinapo ko ang mukha ko. I heard her take a deep breath.
"Whatever happens, Hope, your parents will find out about Asael. If you want them to know about him and lose Asael, why not tell them now? If you want to keep Asael and lose your foster family, then leave the Philippines now."
"Hindi ganoon kadali iyon!" I shouted angrily at her.
I never knew I could shout at someone like this.
"Anong hindi?" naging seryoso ang boses niya. "Hoy, Hope. Alam mo kung ano ang tama at alam mo rin kung ano ang gusto mo. Minsan lang tayong mabubuhay sa mundo, hindi ka pa makapili kung ano ang gagawin mo? Kung pipiliin mo si Asael, mauunawaan ko. Kung pipiliin mo ang pamilya mo, mauunawaan ko rin. Pero iyang pagiging magulo mo, hindi ko iyan uunawain. Why not choose what side you will take? The Del Rico's, Asael or...yours?"
"Hindi ko alam!" lalo akong naiyak doon.
"Shit ka! Kapag nasabihan ako na masama at pinaiyak ka, sasampalin talaga kita," aniya pero hindi ako natigil.
"Shit! Ano ba naman- Shut up na. Huwag ka nang umiyak. I was just trying to help you, okay?"
Salita siya nang salita pero walang pumapasok sa isip ko kundi ang mga sinabi niya kanina. Ano nga ba talaga ang pipiliin ko? Handa ko ba talagang isakripisyo si Asael? O si Mommy at Daddy? O...ang sarili ko?
"Anong ginawa mo sa kaniya?" puno ng pang-aakusa ang tanong ni Asael na iyon.
Sumisigok ako habang nakaupo at pilit nitong pinakakalma. Takot akong magsalita si Tanya. I looked at her, nakikiusap ang aking mga mata.
"Wala, 'no!" umirap ito sa akin. "Umiyak lang siya. Baka pagod o 'di kaya nalulungkot sa pag-alis ng parents niya."
Randam ko ang titig ni Asael sa akin. Tulala ako habang sumisinghap. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop sa kaniya. I felt guilty about that.
"Gusto mo bang bumalik na tayo sa cabin?" he asked me through a whisper.
Sinulyapan ko siya.
"Gusto kong makausap si Tanya nang sarilinan," pahayag ko.
Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. I smiled plainly at him.
"Pwede ba?"
The confirmation I sought from him came after a few minutes. Tanya and I both watched Asael head to the bar area.
"Anong gusto mong pag-usapan?" marahas na tanong niya.
I looked straight into her eyes.
"You said we're sisters. I... don't know what to do! Hindi ko na alam ang gagawin ko..."
Her face contorted in annoyance.
"Edi ang tama." Nginisian niya ako pero hindi nawala ang iritasyon sa mukha niya. "Ako, Hope, hindi ko tatraydurin si Daddy para sa iyo kahit kapatid kita. At...hindi naman kita tatraydurin para kay Asael. Siyempre, sa mas matimbang ako. Sa lahat ng laban, mas matimbang ang tama. Ikaw? Sino ba ang mas matimbang sa iyo? Ang mga magulang mo o si Asael? At 'di ba, when it comes to utang na loob, mayroon ka noon sa mga magulang mo?"
My fists crumpled.
"But I love Asael."
"Just think about this. If you and Asael continued, and your family hated you for that, can you bear their hate?"
I shook my head immediately.
"Then, if you dumped Asael now, acted as if you didn't know him all along, and he hates you, can you bear that?"
Mabilis ang pagsagot ko kanina dahil siguradong-sigurado ako roon. Pero ngayon, kahit may sagot sa isip ko, hindi ako sigurado. Alam kong kakayanin ko pero...totoo ba iyon o iniisip ko lang iyon?
She shook her head.
"If I wear you, I'd always choose the family. Men will flock on your feet. Love will come to you anytime. Hindi lang si Asael ang lalaki sa mundo, Hope. Pero ang pamilya mo, well, may pamilya ka pa rin naman kung mawawala sila. Kami. Pero kaya mo nga ba?"
Tumulo muli ang luha ko sa dami ng pumapasok sa isip ko pero iisa lang ang sentro noon, hindi ko kakayanin na wala ang pamilyang nagpalaki sa akin. Na galit sila sa akin. With that, I know my choice. And it hurts to watch Asael walk towards me with a gentle and warm smile on his face while I've already chosen to betray him.
BINABASA MO ANG
Del Rico Progeny #2: Crashing Into You
RomanceHope Del Rico had pledged to earn her adoptive parents' pride and avoid any actions that might make them second-guess adopting her. However, when she discovered a note claiming to be from her biological father, it set off a chain of events that coul...