Chapter 32

9.4K 159 37
                                    

Crashing Into You
Chapter 32
Whisper

For everyone, I know this night became a good one to celebrate but for me, it isn’t. I am guilty. They are celebrating my come back yet I am mourning for something.

Tahimik ako habang pinakikinggan sila sa paglalaro at iimik lamang ako kapag ako na ulit ang nakasalang. Lumipas pa ang ilang oras ng kasiyahan, napansin ko si Rina na inaaya si Asael na makisali.

Nag-iwas na ako ng tingin at nakaramdam na ng panlalamig. If they will join, they’ll probably ask everything about Rina. Kung kailan niya ito minahal, kailan nagkakilala, kailan sa tingin niya nasabi niyang gusto niya itong pakasalan. All of those will hurt me, surely. I don’t want that.

I have a lot of pain in my heart that if I witness such sweetness from them, I might bleed, through my eyes and they will notice it. I don’t want that.

Kaya naman bago pa sila makalapit, nagpaalam na ako.

“Huh? Naroon naman sila Mommy?” si Ate Iope agad na halos pigilan ako.

“Masyado na rin kasing gabi, Ate. I think they need to rest. Hindi makakatulog ang dalawa nang wala ako,” I told her.

Nagtanguan sila roon.

“Si Raja makakatulog iyon kay Dad,” I heard Allen’s statement.

I smiled and nodded. Maybe that’s one of the pros of your child being with their grandparents for a long time. Ang akin kasi, ngayon pa lang naman. I must help them familiarize themselves with my family. Bagay na hindi ko nagawa noon.

Walang lingon akong nagtungo sa loob para puntahan sila Mommy. They are having a good conversation and I saw Yoris sleeping on Daddy's chest. Nakaupo ito sa kandungan ni Dad.

I fished out my phone to take a picture of that. Saktong lingon ni Dad sa gawi ko. I smiled widely. He did the same.

“Inaantok ka na ba?” aniya nang makalapit.

Mommy gave her attention to me, and so did the rest.

“Oh? Tapos na ba ang party mo?” Tita Rolly asked.

“Nagkakatuwaan pa po sila at uh… naglalaro ng truth or consequence.”

“Ayaw mo na ba? Ayos naman ang anak mo sa amin. Si Asian ay kasama ng mga pinsan sa kabila,” sabay turo sa may teresa.

“Patutulugin ko na po sana,” sabi ko at nilingon si Mommy na tumayo.

I was alarmed.

“No, Mom. Kaya ko na po. You should continue your bonding with them.”

Umurong ulit ang isang upuan at nakita si Daddy na tumayo para maayos na maibigay sa akin si Yoris. Dahan-dahan ko itong inilagay sa akin.

Daddy gave me a warm smile. Inayos nito ang takas na buhok sa likod ng aking tenga, tapos ay kay Yoris naman.

“You should rest,” he calmly told me at bumagsak ang tinguin sa apo. “Kami na ng Mommy mo ang bahala rito.”

“Susunduin ko po si Asian matapos ko iayos si Yoris,” paalam ko.

They gave us a nod.

Diretso ang lakad ko patungo sa aking silid. Nakahinga ako nang maluwag nang nasa loob na ako. Pakiramdam ko, sa buong gabing ito, ngayon lang ako nagkaroon ng kalayaan na huminga.

Marahan kong inilapat ang likod ni Yoris sa aking kama bago ito pinalitan ng damit. Sanay na ako sa ganito. Yoris won’t wake up even though I do this. Ugali niya ang sapatin ang tulog na nais ng katawan. On the other hand, si Asian naman ang isang kaluskos lang ay magigising agad. Alerto siya sa kahit na ano.

Del Rico Progeny #2: Crashing Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon