Heto pala yun, sobrang sakit
Yung buong gabi kang hindi makapikit
Dahil sa tuwing isasara ang iyong mga mata
Ay mukha niya ang iyong nakikita
Ewan ko nga ba kung bakit nagkaganito
Sa isang iglap ay gumuho ang aking mundo
Nasa isang sulok at nagmumukmok
Di alintana kahit pinapapak ng mga lamok
Napakahapdi pala ng karanasang ito
Walang ideya sa matagal na niyang panloloko
Nagtiwala ka, at ang lahat ay ibinigay
Ngunit ang kapalit ay lungkot na walang kapantay
Sana hindi na lang niya ako niligawan
Kung sa huli ako rin pala ay iiwan
Sana niyaya na lang akong maglaro ng piko
Dahil hindi naman laruan itong aking puso.
BINABASA MO ANG
Dejected
PoetryHayaan mong dumaloy ng masagana ang iyong mga luha. Hayaang umiyak ang pusong nasaktan ng lubha. Namnamin ang pait ng hapding rumaragasa. Pagkat bukas makalawa iyan ay mawawala na ng kusa. Mga tulang sumasalamin sa mapait na mukha ng pag-ibig. Copyr...