Karma

13 3 0
                                    

Tatanggapin ko lahat, hindi magrereklamo

Titiisin ko, ilang beses mang maloko

Itong mga sugat at hapding dulot mo

Api man ngayon, bukas naman ay panalo


Lahat ng iyong mga kasinungalingan

Lahat ng iyong mga kapalaluan

Iniipon ko sa isang malaking lalagyan

Iniimbak, tinatago, at tinatakpan


Sa lahat ng mga binitawan mong salita

Hindi ako umiyak, ni hindi ako ngumawa

Sa bawat pangako na iyong sinira

Na kahit masakit ay hindi ipinapahalata


Noong araw na iniwan mo akong nag-iisa

Noong araw na mas pinili mo siya

Darating ang oras na iiyak ka at ako'y tatawa

Hintayin mo, parating na ang iyong karma.


DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon