Laruang Puso

73 3 5
                                    

Heto pala yun, sobrang sakit

Yung buong gabi kang hindi makapikit

Dahil sa tuwing isasara ang iyong mga mata

Ay mukha niya ang iyong nakikita


Ewan ko nga ba kung bakit nagkaganito

Sa isang iglap ay gumuho ang aking mundo

Nasa isang sulok at nagmumukmok

Di alintana kahit pinapapak ng mga lamok


Napakahapdi pala ng karanasang ito

Walang ideya sa matagal na niyang panloloko

Nagtiwala ka, at ang lahat ay ibinigay

Ngunit ang kapalit ay lungkot na walang kapantay


Sana hindi na lang niya ako niligawan

Kung sa huli ako rin pala ay iiwan

Sana niyaya na lang akong maglaro ng piko

Dahil hindi naman laruan itong aking puso.


DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon