Okay Lang Ako

18 3 0
                                    

Huwag kang mag-alala at lilipas rin ito

Sa una ay maaari akong manibago

Ngunit darating ang araw na ako rin ay makakalimot

Kakayanin ko kahit na masalimuot


Huwag ka ng lumingon at huwag ng tumingin

Dahil wala ka na ring babalikan pa sa akin

Pintuan ng puso ko ay tuluyan ko ng isinara

Ni ang mga bintana ay di na muling magbubukas pa


Huwag kang humingi ng tawad, huwag

Lalo mo lang ipapamukha kung gaano ka kaduwag

Sinadya at pinili mong gawin ang durugin ako

Paano ka pa patatawarin ng isang pusong bato?


Huwag kang mag-alala at malaya ka na

Hindi ako maghahabol at hindi na rin aasa

Kaya kong mabuhay kahit na wala sa piling mo

Huwag kang mag-alala, okay lang ako.


DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon