Lustay

56 3 2
                                    

Ang pag-ibig ko sayo ay singtatag ng bundok

Tunay na matibay at hindi marupok

Hahamakin lang ang lahat marating lang ang tuktok

Hinding-hindi susuko kahit hagisan ng paputok


Ang pag-ibig ko sayo ay singtamis ng asukal

Ngunit ito'y hindi masusukat, hindi matatakal

Kayang palambutin kahit ang matigas na bakal

Marunong umintindi at hindi nananakal


Ang pag-ibig ko sayo ay parang gasolina

Laging nagmamahal at hindi nagmumura

Pinapaandar kahit anong klaseng makina

Di pwedeng mawala dahil lubhang mahalaga


Ang pag-ibig ko sayo ay parang cake

Tapat, totoo, at hindi fake

Kahit kailan ay hindi ako makikipag-break

Kahit pa itapon man ako doon sa Taal Lake


Ang pag-ibig ko sayo ay parang tubig

Sa iyong bitak-bitak na puso ay handang dumilig

Kahit mga bato ay kayang mapakilig

Yun nga lang ay sinayang mo, tinulak, at sadyang tinabig.


DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon