Pagsuko

52 3 2
                                    

Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon

Malamig ang hangin at umuulan noon

Nakasilong ako sa bakery ni Aling Iska

Nang patakbo kang sumukob pagkat ika'y basang-basa


Ilang minuto ng katahimikan

Tanging naririnig ay ang pagbuhos ng ulan

Sumulyap ka at tumingin naman ako

Sa unang pagkakataon ay tumibok ang aking pulso


Isang maulan na hapon ang naging simula

Ng inakala kong walang hanggang tula

Isang damdamin ang nagsilbing katuparan

Ng saya, ng pangarap, at ng kabiguan


Okey lang naman sana sa akin

Mga tsismis tungkol sayo ay hindi pinapansin

Kahit laging nahuhuli na may ibang babaeng kasama

Naniniwala ako sa sinabi mong kaibigan lang sila


Ako ay pauwi isang makulimlim na hapon

Nakasalubong kita na may hawak na karton

Niyakap mo ako at ibinigay sa akin ang iyong dala

Ang nakasulat dito ay "Happy Monthsary, Andrea"


Lahat ng dugo ko mula sa talampakan

Umakyat ng mabilis patungong bumbunan

Di ko na kaya ito, parang trip kong maglaslas

Tapos ay magbigti sa ilalim ng punong bayabas


Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon

Madilim ang mga ulap at nagsimulang umambon

Tinapos ko ang isang relasyong masalimuot

Isang pag-iibigang ibabaon ko na sa limot.


P.S. Elizabeth ang pangalan ko at hindi Andrea.


DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon