Alaala

7 1 0
                                    

Hindi ko na maalala ang bawat dahilan

Ng pagluha ko noon ni ng aking kasiyahan

Tila ba burado na sa aking isipan

Wala na lahat, maging ang iyong pangalan


Hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso

Wala na ang bakas ni katiting man na pagsuyo

Nilimot ko na, iwinaksi nang buong-buo

Ang tanging batid ay ang alaala ng aking pagsuko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon