Shota

28 3 0
                                    

Martes noon at field trip natin

Nakapagtatakang nakipag-partner ka sa akin

Puso ko'y lumulundag at tila kinikiliti

Kapag ako ang nagbabayad sa entrance at ika'y ngumingiti


Mundo ko ay tila isang roller coaster ride

Umiikot, bumabaliktad, umiislayd

Sa sobrang tuwa ay binilhan kita ng siopao

At nang magpasalamat ka, tuwa ko ay umapaw


Tatlong oras na mula ng makauwi ako sa bahay

Ngunit isipan ko ay abalang tunay

Bakit ka ba kasi takbo ng takbo?

Ayan tuloy, nahulog ka sa puso ko


Huwebes noon nang tawagin mo ako

At ipinakilala sa mga kabarkada mo

Sa sobrang kilig ay nanlibre ako ng burger

Sabi ko na nga ba, totoo ang forever!


Biyernes noon nang gusto mo akong isama sa inyo

Kaso lang ay kulang na ang pera ko

Alam kong nagtatampo ka

Pero promise, sa Lunes ay babawi ako ng sobra


At pagsapit nga ng Lunes

Pinuntahan kita kasama ang kakalase kong si Tess

Ngunit nanlumo ako nang ikaw ay nakita

Pagkat may bago ka ng kaakbay na dalaga


Sumugod ako na umuusok ang butas ng ilong

Muntikan pang matapilok dahil sa sapatos kong de takong

Ayun nga lang at tinawanan mo pa ako

Napahiya tuloy at nagmukhang inidoro


Iba kasi ang pagkakaintindi ko

Noong ipakilala mong ako ang shota mo

Ngayon kapag sinabing shota ay alam ko na

Ibig sabihin ay SHOrt TAym lang pala.


DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon