Walang Hanggang Paalam

14 3 0
                                    

Ang mga mata ko'y nagsisimula ng manubig

Paningin ko'y nanlalabo

Paligid ko'y umiikot

Ni hindi maitaas ang mga kamay upang kumaway


Bukas ay mag-isa na lamang ako

Bukas ay hindi na tulad ng dati

Hindi ko mawari kung bakit humantong ang lahat

Sa pamamalaam na tunay na kay bigat


Nakakabingi ang pagdagundong ng eroplano

Kung maaari lang sana ay sumama ako

O kaya'y pigilan ko

Ngunit hindi, ang mga bagay ay hindi na tulad ng dati.


DejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon