Nag-aayos ng kwarto nya si Gauri na hindi nya natapos kahapon mula nung dumating sila dahil anong oras na rin sila natapos sa paglibot ng HQ00. Masyadong malaki at malawak ang headquarters na inabot sila ng gabi sa paglilibot. Kasama rin nila si Dakota at Fenrir sa paglibot dahil gustong makilala pa lalo ni Dakota ang dalawa habang si Fenrir ay gustong protektahan si Dakota kay Rusty dahil sa inasta nitong palabiro.
Malaki at kompleto sa kagamitan ang kwarto ni Gauri. Halos hindi na nya kailangan bumili pa ng ibang gamit dahil lahat ay meron na. May sariling tv, computer at mini fridge. May banyo na may shower at bathtub. Mas okay pa ang kwarto nya rito kaysa sa dati nyang apartment.
Natigil sa pag-aayos ng damit nya si Gauri nang marinig ang katok sa pintuan. Pinagbuksan nya ng pinto ang tao sa labas at nakitang si Rusty ang kumakatok.
"Punta tayo ng weaponry." nakangiting bungad sa kanya ni Rusty. "Hindi ako makapaghintay na magkaroon ng sariling armas." halata sa mukha nito na gustong gusto ng pumunta sa weaponry.
"Nagtataka nga ako kung bakit ngayon ka lang dumating." nakangising sabi ni Gauri at lumabas ng kwarto nya. Inilock nya ang kwarto nya sa pag-badge ng ID nya sa gilid ng pintuan.
"Para hindi halatang excited." nakangiting sabi ni Rusty.
Tumungo silang dalawa sa weaponry. Sa lahat na pinuntahan nila kahapon ay ang weaponry ang mas tumatak sa kanila dahil sa excited sila na magkaroon ng sariling armas. Meron silang pistol gun pero dahil sa magiging mission nila ay magkakaroon sila na mas maganda pang armas.
"Ah, newbies, nakaisip na ba kayo ng gusto ninyong armas?" nakangiting sabi ni Bailey ang blacksmith ng HQ00.
Sa paglibot nila kahapon sa weaponry ay sinabihan ang dalawa na mag-isip ng magiging armas nila. Customize ang mga armas ng bawat agent kaya naman ay kailangan nila itong pag-isipan ng maayos.
"Mas komportable ako sa guns kaya iyon ang pipiliin ko pero hindi ko pa rin alam kung anong klaseng baril ang gagamitin ko." sabi ni Rusty.
"Bakit hindi mo subukan gamitin ang mga baril para malaman mo kung ano ang gusto mo?"
"Bakit hindi." napangiti si Rusty sa idea ni Bailey.
"Pasukin mo lang 'yang pintuan na 'yan at sa baba n'yan ay ang shooting range." nakaturo sa pintuan na sabi ni Bailey.
"Alright, thanks! ikaw Gauri?"
"Mamaya na ako pipili. Sasamahan na muna kita." sagot ni Gauri.
"Sweet! let's go. See 'ya later, Bailey." paalam nila kay Bailey.
"Sure, sana mahanap mo ang gusto mong baril." nakangiting sabi ni Bailey.
Naglakad ang dalawa sa sinasabing pintuan ni Bailey. Pagbukas nila ng pinto ay may hagdanan pababa silang nakita. Bumaba sila roon. Nakakarinig sila ng mahinang putok ng baril. Nung makababa ay nakita nila ang malawak na shooting range. May ilan-ilan na nagpra-practice ng shooting.
"Damn, I love this place already." sabi ni Rusty. Napailing si Gauri.
Pumasok sila sa mismong shooting range at doon lumakas ang putok ng baril. Sanay na ang dalawa sa putok ng baril kaya naman ay hindi na sila nagsuot ng earmuffs para mabawasan ang ingay. Naghanap sila ng pagpwe-pwestuhan nila pero ang nakita nila ang buong miyembro ng CP00. Kinawayan sila ng mga ito kaya lumapit sila rito. Napansin nila na sina Dakota at Valerie ang nagpra-practice sa kanila.
"Magpra-practice ba kayo?" nakangiting tanong sa kanila ni Luna.
"Naghahanap ako ng gagamiting kong baril dahil hindi ako makapagdesisyon kung ano magandang gamitin sa mga mission natin." sagot ni Rusty.
BINABASA MO ANG
Alpha
RomanceThe Alphas, they are the excellent and superior sex. The Betas, they are like normal people. The Omegas, they attract the Alphas into mating with their unique smell.